ELEMENTIA 21: Flutana and Harpiya

125K 4.3K 286
                                    

Chapter XXI

'Flutana and Harpiya'

~*~


SUMMER

Habang papasok kami ay magkahawak kami ng kamay, gusto ko sana'ng kiligin pero hindi ko siya type. Ilang beses ko ng iwinawaksi ang kamay niyang nakakapit saakin pero para siyang sticky glue. Daig niya pa ako kong tumili, imbes na ako ang matakot dahil sa mga kaluskos na naririnig namin ay nauuna pa siya.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Walter habang tinitignan ang kinalalagyan namin.

"Hindi ko rin alam, kanina kasi ay may nakita akong liwanag sa lugar na ito"

Sabi ko, nandito kami sa may malaking puno at may ilog sa tabi. Kitang kita rin dito ang malaking bilog na buwan na umiilaw sa amin.

"Hindi kaya sinusundo ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Gusto mo, ikaw ang masundo na?" tanong ko at tinutok ang hawak kong espada sa leeg niya.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Ibaba mo na ang espada mo, baka mahanginan ka at maitusok mo ng tuluyan saakin."

I just hissed ang bring down my sword. Muli kong itinali ang aking laso sa aking buhok. Napalibot ako ng tingin sa kinalalagyan namin at napalapit sa nakita kong puno na hugis. . .babae.

"Ang ganda ng pagkakaukit nito ha," wala sa sarili kong sabi at hinaplos ko ang kahoy na estatwa.

Napakunot-noo ako ng may maramdaman akong gumapang sa paa ko.

Huwag naman sanang ahas!

"Summer!"

"Aaahhhhh!"


***


Napapikit ako ng may humila sa paa ko pataas!

"Aaahhh! Tulungan mo ako! Walteeerrr!"

Hindi nga ahas ang gumagapang saakin baging naman!

"Huwag kang magalaw!" sigaw ni Walter na nasa baba ko.

Buti na lang hindi ako nakapalda!

"Huwag mo saakin itutok 'yang espada mo!" inis kong sigaw.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakapulot saaking ng pesteng baging na ito pero lalong humihigpit!

"Bilisan mo diyan! Hu-Humi. . .higpitttt—aahhh!"

"Kapag sinabi kong huwag kang gumalaw, huwag kang gagalaw," seryosong sabi ni Walter na nakasalo saakin.

"Anong nangyayari?!" natataranta kong tanong at agad na bumitaw sa pagkakasalo niya saakin.

"Patay tayo!" walang kwentang sabi ni Walter.

"Halata naman!" gigil kong sabi.

Sabay kaming napatingin sa taas namin ng maramdaman namin ang isang paparating. Agad kaming umilag dahil sa isang malaking baging na tatama sana sa amin.

"Tara na!" sigaw ng kasama niya at agad akong hinila ng may papatusok na namang baging saakin.

"Ano ba ang mga iyan!" jusko naman, ito ba ang napapala ng kuryosidad ko?!

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon