ELEMENTIA 25: Gianna Vs Magma

124K 4.2K 317
                                    

Chapter XXV

'Gianna Vs Magma'

~*~



Mula ng makalabas sila kaharian ng Atlantis ay panay na ang bahing ni Summer. Naiisip niya ay siguro pinag-uusapan siya ng mga magulang ni Gabrielle dahil hindi siya bumisita sa kanilang palasyo.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Gianna, sa dalaga.

"Magkakasakit ka pa yata, dahil sa sapilitan mong paggising ah," natatawang sabi ni Chie, maging ang kanilang kasama sa kanilang karawahe.

"Che! Tigilan niyo nga ako, huwag mo nga akong kausapin!" inis niyang sabi at muling bumahing. "Saan ba ang susunod na pupuntahan natin?"

Nang makaalis sila ay dumaan muna sila sa Alegria, isang bayan malapit sa kong saan pwedeng bumili o magrenta ng mga sasakyang panghimpapawid.

"Nasusuka ako," sabi ni Chie, na naduduwal dahil hindi sanay lumipad.

"Lunukin mo! Nasa ere tayo!" sigaw naman ni Summer at lumayo ng kaunti sa kaniya dahil siya ang katabi nito.

Ang kanilang sasakyan ay isang bangkang lumilipad, walang mga binta at ang silong nito ay mahabang parasol na pula ang kulay. Dalawang bangkang lumilipad ang kinuha nila dahil apat lang ang kasiya sa bawat sasakyan.

"Katabi mo naman ang bintana diyan ka sumuka," nakangiwing sabi ni Gianna.

Bumalatay sa mukha ng dalawang prinsesa ang pandidiri ng lunukin Chie ang gusto nitong ilabas. Napatakip rin sila ng kanilang bibig bago umaktong nasusuka.

"Yuck!"

"Kadiri!"

Iningusan lang ni Chie ang dalawa at ngumuso.

"Malayo pa ba ang pupuntahan natin?" tanong ni Summer na may pandidiri parin sa mukha na nakatingin sa kaniyang katabi.

"Hindi naman, ang susunod nating pupuntahan ay ang lugar ng mga holy drinkers sa Raira Forest," sagot ni Gianna.

"Holy Drinkers? Banal na ba ang mga lasenggo dito?" nagtatakang tanong ni Summer.

Nagkatinginan naman sina Chie at Gianna, dahil sa tanong ng kanilang kasama at sabay na napahalakhak.

"Hanep ka talaga sa mga naiisip mo, Summer! The best!" sabi ni Gianna na panay pa rin ang tawa.

"You always make my day, talaga Summer! Hanep sa imahinasyon!" sabi ni Chie, na nakahawak na sa kaniyang tiyan dahil sa kakatawa.

Napataas ng kilay ang dalaga dahil sa pagtawa ng kaniyang mga kasama.

"Tatawanan niyo lang ba akong dalawa?" masungit nitong tanong sa kanila.

"Pasensya na," natatawa paring sabi ni Gianna. "Ang sinasabi ko na holy dinker's ay ang mga bampira."

"K-Kailan p-pa naging b-banal ang mga b-bampira rito?" kinakabang tanong ni Summer

"Hindi sila banal, 'yon lang ang tinawag sa kanila. Sa kadahilan na para sa kanila ay banal ang mga dugong kanilang naiinom tuwing may maliligaw sa kanilang gubat," sagot ni Chie.

"Paano nagkaroon ng mga bampira sa mundong ito?" hindi mapakaling tanong ulit ni Summer.

"Nasabi naman na siguro sayo na ang elementia ay kabilang sa pitong mundo ng magia, ilan sa mga nilalang sa mga mundo na ito ay napapadpad sa ating mundo. Ang mga bampirang nahuhuli ay agad na dinadala sa Raira Forest upang hindi makapanggulo o makapanakit ng mga elemental," paliwanag ni Gianna.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon