ELEMENTIA 31: The Meet

118K 3.9K 318
                                    

Chapter XXXI

'The Meet'

~*~


SUMMER


Bago ako pumasok sa opisina ni Headmaster ay kinalma ko muna ang aking sarili. Tinakbuhan ko si apoy dahil sa pagkataranta sa sinabi niya at wala akong maisagot sa I miss you niya!

Ano ba ang nakain niya at nasabi niya ang mga iyon? Nauntog ba siya o kinulam?

Napahawak ako sa aking dibdib dahil bumilis ang tibok nito, uminit rin ang pisngi ko dahil nangyaring yon.

Naman! Bakit ngayon pa, kong kailan nakahanap ako ng ibang gwapo!

Iwinaksi ko muna ang sinabi niya dahil kailangan pa akong makausap ni Headmaster, dapat focus lang ako.

Napangiti ako ng alanganin dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ang mga taong nandito sa loob ng opisina ng Headmaster. Akala ko ako lang ang pinatawag ng matanda, hindi pala. nandito kasi ang mga knight at sina my loves.

Hindi ko pa naman siya kilala kaya my loves na muna-

'I miss you, baby girl.'

Aish! Bakit ko ba naalala na naman ang sinabi ni Apoy!

"Prinsesa, halika rito at maupo ka," utos ni Headmaster at tinuro ang isang upuan na nasa tabi ni Kapitan.

Mamaya ko na iisipin si Apoy, huwag muna ngayon.

Sumunod ako sa sinabi ni Headmaster at umupo sa tinuro niyang upuan para saakin. Kaharap ko ngayon ang lalaki ni Captain Casimire, hindi ko alam ang pangalan niya, pero for sure at siguradong sigurado ako makikilala ko rin siya.

"Captain, pwede ba tayong magpalit ng upuan?" bulong kong tanong sa katabi ko.

Magkatapat kasi ang upuan namin nong lalaki ni Kapitan at magkaharap naman ang upuan ni kapitan at my loves.

Tumahimik na lang ako at napaikot ng mga mata, ng tignan niya ako ng masama. Kong alam ko lang na magpapa-meeting si tandang headmaster ay hindi na sana muna ako umalis sa infirmary.

"Tanda, bakit mo kami pinatawag?" sana man lang nakapag-ayos ako. Kong alam ko lang na magco-confess si Apoy at makikita ko si my loves, edi sana man lang nakapag-gown ako.

Saglit-bakit para akong nagtataksil? Bakit feeling ko hindi tamang magkagusto ako sa dalawang lalaki?

Malandi na ba ako?

Pwede naman siguro naman akong magkaroon ng dalawang mamahalin hindi ba?

"Prinsesa, ayos ka lang ba?"

"Ha?!" nabigla ako sa tanong ng lalaki ni kapitan.

"Bakit ka namumula?"

Napalingon ako kay kapitan sa tanong niya. Napahawak ako sa aking pisngi at ngumiti ng alanganin sa kaniya, bago sumagot.

"Ano ba kayo, ayos lang ako. Saka, hindi ako namumula, rosy cheeks lang talaga ako. Ganito talaga kapag maganda at maputi."

Narinig ko ang pag-ubo ng iba at bungisngis ng mga babaeng knights.

"Gusto niyo ng candy?" tanong ko sa mga kasama ni my loves.

"Prinsesa, pinatawag ko kayo rito upang batiin, dahil nagawa niyo ang misyon kahit muntik nang maging kapalit nito ang inyong buhay," kalmado at nakangiting sabi ni Headmaster.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon