ELEMENTIA 16: Imaluna Market

83.5K 2.5K 172
                                    

Chapter XVI

'Imaluna Market'

~*~


Habang papunta sa pamilihan ang knights ay hindi maalis ang tingin nila kay Summer, dahil hindi ito gunagalaw sa parteng kinauupuan nito sa Arthropleura.

Ang Arthropleura ay kahawig ng ilang mga modernong milipid sa mundo ng tao, ang kanilang pinagkaibahan lang ay ang laki nito. Ang arthropleura ay malahigante ang laki at ginagamit ito bilang transportation sa mundo ng Elementia.

"Kapitan, bakit siya pinasama saatin?" tanong ni Walter.

"Gusto ng Headmaster na matutunan niya, kong paano kontrolin ang kaniyang charm sa sarili nitong pamamaraan."

"Hindi ba't may binibigay na tagapagsanay sa mga estudyanteng hindi kayang kontroling ang kakayahan?" kunot-noong tanong ni Gianna.

"Sino po ang napiling tagapagsanay ng prinsesa?" tanong ni Nicole na may inosenteng itsura na nakatingin sa kanila.

Napataas ang kilay ni Casimire sa mga kasama dahil sa tinging pinapakita nila sa kaniya.

"Mahina ba ang tagapagturo niya kaya pinasama na saatin ang prinsensang 'yan?" tanong ni Thunder.

"Mukha bang mahina ang babe ko?" nakangusong tanong ni Walter. Unang kita palang niyang sa dalaga ay agad na siyang nagkagusto rito.

"Tsk! Babe mo mukha mo!" angil ni Chie sa binata.

Napaikot na lang ang iba dahil sa dalawa.

"Ang tagapagturo niya ay ang kapatid mo."

Napangiwi si Gianna sa sinabi ng kanilang kapitan. Hindi niya akalain na nagtuturo na pala ang kaniyang topakin na kapatid.

"Hindi na ako magtataka kong tinopak siya kaya pinasama saatin si Summer," naiiling nitong sabi habang tumatawa.

Narinig ni Summer ang lahat ng pinag-uusapan ng mga kasama, ngunit hindi siya nakapagbigay ng mga salita, dahil hindi siya komportable habang nakaupo sa tuktok ng higanteng insekto. Natatakot siya sa kaniyang iniisip, na baka kainin sila ng higanteng milipid na sinasakyan nila.


***


"Ayos ka lang ba?" tanong ni Chie kay Summer, ng mapansin niya pamumutla ng dalaga.

Tumango lang bilang sagot si Summer at inayos ang kaniyang sarili. Nakahinga siya ng mabuti ng wala na sa tabi nila ang Arthropleura.

"Maganda pa rin ako," anas niya sa sarili na narinig ni Nicole.

Ngumiti lang ang bata sa kaniya at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Nang mapatingin si Summer kaniyang kaliwa ay nakita niya ang istasyon ng tren na sinakyan nila pagpunta rito.

"Hindi ba't ang Elementia Express 'yan?" tanong niya sa mga kasama.

"'Yan nga, nakasakay kana diyan?"

Napataas ng kilay si Summer dahil sa tanong ni Gianna sa kaniya.

"Oo, ang tren na yan ang dinala ni Jayden sa pagsundo saakin. Diyan rin ako unang nakakita ng charm, dahil sa kapatid mo," sabi nito at naalala ang araw kong saan nalaman niyang hindi siya tao.

Hindi niya akalain na ang Imaluna pala ang lugar kong saan sila bumaba noon.

"Pwede na ba akong umuwi?"

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon