ELEMENTIA 04: I HAVE MY OWN RULE

178K 5.9K 582
                                    

Chapter IV

'I have my Own Rule'

~*~

LOCKETTE

It's already 7:30 in the morning pero hindi pa tapos magbihis ang bago naming roommate.

Tatlong minuto na kaming naghihintay ni Rose, na matapos siya kaniyang paliligo.

"Gutom na ako, nasaan na ba siya?" tanong niya at tumabi saakin.

"Ako nga rin gutom na," sabi ko. "Kailangan pa nating umattend ng assembly mamaya."

"Assembly?"

Napatingin agad ako ng marinig ko ang boses ni Summer.

"Mabuti naman at naisipan mo ng lumabas diyan Miss Park," sabi ko at tumayo na sa kama ni Rose.

"Aalis na o dadada ka pa?"

Napabusangot ako sa sinabi niya. Kinuha na namin ang mga gamit namin at lumabas ng kwarto. Napansin ko ang pagkamangha at pagkainggit sa mukha ng mga dormmate namin na nandito sa common room. Linagpasan lang namin sila dahil nagmamadali yata si Summer.

Habang naglalakad kami papuntang dining hall ng academy o ang cafeteria ay hindi ko maiwasan na hindi humanga sa ganda ni Summer. Unang beses ko pa lang siyang nakita ay namangha na ako sa mala-manika niyang itsura.

Kong mahaba lang sana ang buhok ko ay magpapaturo rin ako kong paano gawin ang istilo ng kaniyang buhok. Para talaga siyang manika, nakakainggit din ang hugis ng katawan niya, hourglass. Bagay rin sa kaniya ang uniporme ng akademya, pleated above the knee skirt, white polo and black blazer and high boots. Sa kaliwang dibdib ng blazer ay nandoon ang crest ng academy. Dalawang dragon sa magkabilang gilid na parang nakahawak sa crest at sa gitna ay nakatatak ang E.A, sa taas ay isang korona na may pitong bato, sa baba naman ay ang pangalan ng paaralan.

Magkakapareho naman ang lahat ng uniporme ng estudyante maliban na lang sa ligning. 1st year blue, 2nd year brown, 3rd year white, 4th year red, 5th year gold.

"May problema ka ba," biglang tanong ni Rose, na kasabay kong naglalakad rito sa likuran ni Summer.

Napansin niya ang pagtitig ko?

"Wala naman," alanganin kong sagot. "Nagagandahan lang ako sa uniporme natin."

Hindi ko masabing humangahanga ako sa kagandahan ni Summer, dahil baka kung anong isipin niya.

"Ako nga rin, ngayon lang tayo nakapagsuot ng ganito."

Tumango ako sa sinabi niya, ang iskwelahan na pinanggalingan namin ay walang binibigay na uniporme.

"Saan ba tayo kakain?" tanong ni Summer.

"Ang sabi saakin, nasa building ng outer wall ang cafeteria," sabi ni Rose.

"Saan yon?" sabay naming tanong ni Summer.

Hinila naman kami ni Rose at dinala sa labas. Ang outer wall ng academy ay ang nakapalibot dito sa mismong castle, may walong tower ito.

"Saan dito?" tanong ko.

"Doon daw sa may mayabong na puno na nakadikit sa pader."

Napangiwi ako sa sinabi ni Rose, dahil gutom na ako ay hinanap ko na lang yong punong sinasabi niya.

"Huwag mo ng hanapin kong saan-saan, ayan lang oh," sabi ni Summer.

Tumingin ako sa direksyong tinuro niya, sa may gate may mayabong ngang puna na nakadikit sa pader!

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon