ELEMENTIA 14: The Mission

143K 4.5K 147
                                    

Chapter XIV

'The Mission'

~*~

Dahil sa insidenteng nangyari sa akademya ay agad na pumunta ang Headmaster sa Elduniory, ang lugar ng Ministerio Elementa. Dahil sila ang Grand diplomat ng Elementia ay kinakailangan niyang ipaalam sa mga ito ang panggugulo ng mga sea monsters.

"Hindi lang ang akademya ang nagkaroon ng pagsugod kagabi. Maging ang ilang lugar ng bawat kaharian ay nagkaroon ng gulo," sabi ni Noxidia. Isang matandang maliit, mataba at mahabang kulot na buhok na may kulay celeste.

"Ang sabi ng mga elemental na nakausap ng mga tauhan ko ay may nakita silang mga shadow charmers na kasama ng mga halimaw," sabi naman ni Baras. Isang lalaking may payat na pangangatawan at matangkad.

Natahimik ang elders dahil sa sinabi ng lalaki.

"Mukhang babalik na ang reyna nila."

Napalingon ang lahat sa kasama nilang vulpera na si Suzzane, dahil sa sinabi nito. Ang mga vulpera ay isang lahi ng soro o fox na mula sa Volcan Kingdom.

Noxidia, Baras and Suzzane are one of the Elders of the Elementa Ministry. Binubuo ang Ministerio Elementa ng pitong Elder mula sa iba't-ibang kaharian.

Napaisip naman ang pinuno ng Elementa na si Chrome at ng Headmaster, dahil sa sinabi ni Suzzane.

"Hindi makakabalik ang reyna ng kadiliman hanggat hindi kompleto ang mga napiling guardians," sabi ni Gagan. Isang lalaking may kalahating maskara sa mukha at patulis na mga tenga.

"Hihintayin pa ba nating makompleto ang guardian bago tayo kumilos?" tanong ng Headmaster.

"Wala naman tayong pwedeng gawin hanggat hindi sila kompleto," sabi ni Suzzane.

"Isa na lang ang hinahanap nating guardian, pero hindi tayo siguro kong kaya na ba nilang kalabanin ang reyna ng kadiliman," maalumanay na sabi ng Headmaster.

"Kalahating kaluluwa lang ang kakalabanin nila Headmaster, gamit ang kanilang sariling kakayahan ay paniguradong matatalo nila ito."

"Sa paraan ng pananalita mo Elder Suzzane ay ipapaubaya mo sa kanila ang kaligtasan ng ating mundo," sabi ni Elder Baras na hindi nagugustuhan ang sinasabi ng Vulpera.

"Hindi sa gan—"

"Tahimik!"

Napayuko ang lahat ng nasa pabilog na mesa maliban sa ng magsalita ang Grand Elder maliban sa Headmaster, na prenteng nakaupo lang.

"Mukha yatang nakakalimutan ninyo na may mga bagay mga bagay na kinakailangan mahanap, bago muling sumiklab ang isang digmaan. Bago mabuo ang mga guardians ay kailangan nasa kanila ang tatlong mahahalagang bagay," walang emosyon na sabi nito.


***


SUMMER

"What are you doing here?"

Napakunot-noo ako at tumingin sa nilalang na nagtanong.

Wala naman kaming training ngayon o klase dahil sa nangyari kagabi. Anong ginagawa ng kumag na ito dito?

Binitiwan ko ang librong hawak ko at tumingin Kaiden.

"Isn't it obvious? Nandito ako sa library, kumakain," walang kwentang sagot ko.

"Are you okay?" seryoso niyang tanong saakin.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya at napabuntonghininga.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon