ELEMENTIA 24: Summer Vs Erinyes

123K 4.2K 342
                                    

CHAPTER XXIV

'Summer Vs Erinyes'

~*~


@Elementia Kingdom, Luminaries Castle


RAIN

Ilang araw na mula ng malaman ko ang tungkol sa pagkakaroon ko ng kapatid. Hindi ko akalain na may ganitong lihim ang pamilya—hindi ang ama ko lang pala.

Hindi ko naman nakasamang lumaki ang aking mga magulang ay kilala ko sila, kong sino sila. Pero kailanman ay walang nakapagsabing may kapatid ako na ipinamigay.

Wala bang nakakaalam tungkol sa kaniya?

Maliban sa mga nagpalaki sa kaniya ay wala na bang nakakaalam?

"Kamahalan, nandito na po ang Headmaster at Lord Chrome."

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Iniqi, ang aking kanang kamay. Anong ginagawa ni Lord Chrome rito?

"Papasukin sila."

Umayos ako ng upo at tumingin sa dalawang matandang papasok na sa aking opisina. Hindi ko maiwasang isipin kong may relasyon ba silang dalawa, dahil kong nasaan ang isa ay nandoon rin ang isa.

Lagi silang magkasama kapag wala silang masyadong ginagawa.

"Kamahalan," sabay nilang sabi at yumuko ng kaunti.

Tumayo ako at sinenyasan silang sumunod saakin sa visiting area na nandito sa loob ng aking opisina. Hindi kalakihan ang aking opisina, ngunit kasya ang sampo hanggang labingdalawang katao rito. Ang aking visiting area ay may dalawa akong sofa na magkaharap at hugis crescent moon, sa gitna ng mga ito ay isang kahoy na lamesa.

"Maupo muna kayo," utos ko sa kanilang dalawa.

"Pwede ko po bang malaman kong bakit niyo kami pinatawag kamahalan?" tanong ng headmaster.

"Hindi ko pinatawag si Lord Chrome," diretsong kong tanong.

Napansin ko naman ang pagkagulat niya sa sinabi ko at tumingin sa pinuno ng elementa na lagging seryoso ang mukha.

"Anong ginagawa mo rito, kong ganoon Chrome? Sinusundan mo ba ako?"

Napahilot ako ng noo dahil sa kaniyang tanong. Kong hindi ko lang siya kilala bilang isang mahusay na charmer ay mapagkakamalan ko siyang—

"Kamahalan, nandito na po ang orakulo."

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito at iluwa ang isang babaeng kasing itim ng gabi ang balat at ang mahaba nitong buhok na aabot na sa kaniyang tuhod at mga mata ay kasing puti ng niyebe. Sa tabi naman nito ay ang kaniyang kanang kamay na isang kalahating serpentina.

"Kamahalan," bati nilang dalawa saakin.

Sinenyasan ko silang lumapit at umupo katabi ng dalawang matandang kausap ko kanina.

"Narito rin pala kayo," kaswal niyang sabi.

"Syempre, sama-sama together," nakangiting sabi ng Headmaster.

"Hindi ka nakasama ng pinuntahan nila ako sa aking temple."

Napatingin ako kay Lady Zeraffine, dahil sa sinabi niya. Ano naman ang gagawin ni Lord Chrome sa templo ng silla?

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon