ELEMENTIA 34: Gate Crasher

118K 3.7K 414
                                    

Chapter XXXIV

'Gate Crasher'

~*~


Napatigil ang lahat sa pakikipaglaban ng masaksihan kong ano ang ginawa ni Darkiya sa tatlong guardian na kumakalaban sa kaniya. Nagawa nitong itulak at ibalibag ang mga ito ng walang kahirap-hirap.

Nanghihinang bumangon si Aquarion at humarang kay Darkiya ng mapansin nito ang paglapit nito sa kinatalsikan ni Summer. Maging si Kaiden ay mabilis na nilapitan ang dalaga at handang protektahan sa reyna ng kadiliman.

"Hindi niyo ako kaya, kahit ilan pa kayong humarang sa daraanan ko!" agad siyang nagbato ng itim na apoy sa dalawang binata ngunit agad itong nawala sa ere.

"Masyado ka ng nakakaabala sa aming kasiyahan," kalmadong sabi ng isang boses.

Napatingin ang lahat sa entrada ng bulwagan at doon ay nakita nila ang nagliliwanag na prinsipe ng elementia. Ang iba ay namangha at ang iba ay natakot dahil sa magkabila nitong kamay ay may dalawang kapangyarihan na pumapaikot rito.

Inilibot naman ni Rain ang kaniya tingin sa paligid ang magandang dekorasyon, ang mga lamesa, lahat ng pinaghirapan sa pagdiriwang ngayon gabi ay nasira dahil sa kanilang hindi inaasahang bisita. Ang kaninang kalmadong itsura niya ay naging seryoso ng makita ang walang malay niyang kapatid na hawak ng bunsong prinsipe ng Volcan Kingdom.

Napaarko ng tingin ni Darkiya ng makita ang prinsipe at muling na patingin sa babaeng itinapon niya kanina na buhat na ng prinsipe ng mga apoy. Tumawa ng mapait ang reyna ng kadiliman dahil sa dalawang magkamukhang nasa kaniyang harapan.

Agad na nagpakawala si Darkiya ng sunod-sunod na bolang itim sa direksyon ng prinsipe na agad naman nitong sinalubong gamit rin ang kaniyang kapangyarihan. Bumalik din ang mga estudyante sa pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman na dala ng kanilang reyna.

Maging sa labas ng akademya ay may mga alagad ng dilim na nagpupumilit na pumasok. Habang nakikipaglaban si Headmaster ay napapaisip siya kong paanong nakapasok ang mga taga-darkland sa akademya kong meron itong harang na ginawa pa ng sinaunang pinuno na si Serpentina.


***


Gamit ang kaniyang charm ay ginalaw ni Kim ang mga metal na malapit sa kaniya at sabay sabay na itinusok sa mga crocuta na kaniyang mga nakikita. Kasama ni Leah ang magkapatid na prinsesa at gamit ang kanilang mga kapangyarihan ay ginising nila ang mga treefolk na nasa paligid lamang upang tulungan sila sa mga Trenti na alagad ni Darkiya.

Ang Treefolk ay mga kahoy, na gumagalaw at minsan ay nagkakatawang tao. Samantalang ang Trenti naman ay mga maliit at malokong mga nilalang, may pagkaganid at talagang alagad ng kasamaan.

Hindi lang sa akademya nanggulo ang mga alagad ni Darkiya dahil maging sa dagat ay may mga alagad ito, isang six-headed sea serpent ang kinakalaban ngayon ng mga Water Charmer sa pangunguna ni Haring Arnav, ang ama ni Prince Gabrielle.

"Hindi pa naman ito digmaan hindi ba?" tanong ni Arashi, sa orakulo na kaniyang kasama.

"Hindi pa, isa palang itong pagbisita mula sa reyna," seryosong sabi ni Lady Zeraffine.

Mabilis na naharang ni Yameru ang espadang papatama na sana kay Zeraffine at agad naman na kinuryente ito ni Arashi, gamit ang lightning manipulation.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon