ELEMENTIA 36: Serpentina

105K 3.5K 210
                                    

Chapter XXXVI

'Serpentina'

~*~


RAIN

Nang matapos ang pagpupulong naming tungkol sa magiging plano ng bawat kaharian sa nalalapit na digmaan ay agad akong bumalik sa kastilyo, upang ipagbigay alam sa aking kapatid ang napag-usapan ng bawat pinuno ng kaharian.

Habang nasa pasilyo ako ay agad akong napahawak sa pader ng magsimulang lumindol ng malakas. Inibot ito ng mahigit kumulan tatlong minuto bago ito humupa.

Nagalit ba ang hari ng mga terra?

"Kamahalan!" sigaw ng ilang kawal at katulong ng makita nila ako.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Nautila.

Si Nautila ay isang garden fairy na siyang itinalaga ko para umalalay sa aking kapatid tuwing ito'y nasa kastilyo. Isang dekada na siyang nagta-trabaho rito kaya sa kaniya ko ipinagkatiwala ang prinsesa.

"Ayos lang," sagot ko at umayos ng tayo. Inayos ko rin ang aking damit at muling naglakad papunta sa silid ng aking kapatid.

Ang lindol na iyon ay hindi pangkaraniwan, masyadong malakas at matagal. Kagagawan ba ito ng mga Terra o ng Reyna ng kadiliman?

Napailig na lamang ako, hindi na maganda ang nangyayari sa aming mundo. masyado ng maraming lugar ang pinipinsala ng mga taga-darkland.

"Iniqi!" sigaw ko sa aking kanang kamay ng makita ko siya. "Alam mo ba kong anong sanhi ng lindol na naganap?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ito saakin.

Yumuko muna siya bago sumagot sa tanong ko. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag ng yumuko, dahil hindi na siya iba sa akin. Mula bata ako ay siya na ang itinalagang bantay at katuwang ko.

"Ang lindol ay nagmula sa sa sagradong bundok, kamahalan," magalang nito sabi.

Si Iniqi ay kabilang sa Night Elves. Isang angkan ng mga elven na matagal ng naglilingkod sa aming pamilya. Ang mga Night Elves ay kilala sa pagkakaroon ng pilak na buhok at mga mata. Ang kanilang kutis ay kulay itim at ang kanilang tenga ay matutulis tulad ng sa ibang elven.

"Anong nangyayari sa Mount Suria?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Hindi pwedeng manganib ang bundok na iyon, maraming mapapahamak lalo na ang water charmers.

"Ang sabi ng orakulo ay may mga nagpumilit pumasok sa bundok, kamahalan."

"Nasaan ang orakulo? Mag tipon ka ng mga kawal upang pumunta sa Mount Suria at sugpuin ang mga lapastangang sisira sa bundok!" utos ko. Hindi pwedeng masira ang bundok ng Suria dahil nandito ang walang hanggang buhay.

"Nasa akademya po ang orakulo at bago po ako umalis sa kaniyang tore ay nasabi niya na meron na siyang napili upang pumunta sa bundok, kamahalan."

"Sino?" bakit parang kinakabahan ako sa nilalang na pinili ng orakulo. "Hindi naman siguro ang kapatid ko ang pinili niya hindi ba?" muli kong tanong at tumingin sa pintuan ng kwarto ng aking kapatid na nakasara.

Muli kong tinignan si Iniqi at siya'y nakangiting napabuntonghininga.

"Huwag kang mag-alala, mahal na Prinsipe. Ang Prinsesa ng Terratora at apo ng ni Lord Chrome . . . ang kasama ng mahal na Prinsesa."

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon