ELEMENTIA 18: Creatures of Darkness

136K 4.4K 177
                                    

Chapter XVIII

'Creatures of Darkness.'

~*~


Agad na ginawang espada ni Summer ang kaniyang laso at sumugod sa mga kalaban. Ang mga kalaban na mula sa darkland ay katulad din nilang mga elemental, ngunit maiitim ang budhi at nagiging abo kapag namamatay. Ang kanilang mga mata ay kulay itim, walang bahid ng ibang kulay.

Mula sa himpapawid ay kinakalaban ni Nicole at ilang air charmer na may mga pakpak ang ilang dark harpies.

Ang Harpy ay isang kalahating babae at kalahating ibon. Meron din silang matatalas na kuko.

"Bakit ba ang hilig nilang mag-alaga ng mga aso!" singhal ni Chie.

"Hindi 'yan aso! That's a crocuta!" sigaw ni Gianna na kaharap ang isang harpy na biglang umatake sa kaniya.

"They're real?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Chie. This is her first time to see a legendary beast.

Ang Crocuta ay isang napakabilis na hayop na maaring mayroong ulo ng isang kabayo. Mayroon din itong malalaki at mabutong gilagid sa halip na mga ngipin, na umaabot mula sa kaniyang magkabilang tainga. Kasing laki rin ito ng isang english mastiff dog, kaya nailalarawan ito sa iba't ibang hayop, tulad ng leon, kabayo at hyena.

"Yes, they are real! Kalaban mo nga ang isa sa kanila, hindi ba!" gigil na sabi ni Gianna at sinunog ang pakpak ng kaniyang kalaban.

Mula sa pagiging normal na babae ay nagkaroon ng kaliskis na dragon si Gianna sa kaniyang mga braso at lumabas rin ang kaniyang maliit na sungay ng dragon.

Ang mga maharlika sa Volcan Kingdom ay may lahing dragon dahil nagmula sila sa pinunong si Eragon.

Gumawa naman ng apat na water ball si Chie at ipinatama ito sa kaniyang kaharap na croruta, ngunit mabilis itong nakailag.

Nang papasugod ang kaniyang kalaban sa kaniya ay naging tubig siya at pumunta sa likoran ng kaniyang kalaban. Handa na sana niyang lunurin ang kalaban ng maramdaman niya ang isang papatamang bagay sa kaniya.

"Aahh!" napahiyaw siya sa sakit ng madaplisan siya ng kalmot ng isa pang crocuta sa braso!

Sabay na umatake ang dalawang crocuta kay Chie ng bigla silang lumipad sa malayo.

"Ayos ka lang? Malalim ba?" tanong ni Walter ng makalapit ito sa dalaga.

Gamit ang hangin ay itinapon niya lahat ng mga papasugod na crocuta sa kanila.

"How to kill this beast!" sigaw nito, dahil walang silbi ang kanilang mga espada at kapangyarihan sa mga nilalang ng darkland.

"Impalement through the back of their spine!" sigaw ni Casimire, na sinaksak sa ang isang crocuta sa likod nito.

Agad na pinalibutan ng tatlo ang isang malaking crocuta. Sabay na sumugod sina Walter at Gianna sa magkabilang, dahil isang kalaban lang ang kaya ng isang crocuta ay nasugatan siya ni Gianna sa mga paa nito, sakto naman na lumanding ang tumalon na si Chie at sinaksak ito sa may likuran.

"Anong meron sa lugar na ito at sumusugod ang mga hayop?" tanong ni Summer, bago sinipa ang kaniyang kalaban.

Napangiwi siya ng mapatingin siya sa kaniyang kanan ay nakita niya ang kaniyang batang pinsan na nilulunod ang ilang crocuta at ilang dark elementals. Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang husay sa paggamit ni Jayden ng pana. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng may isang harpy ang papasugod mula sa likuran ng kaniyang pinsan. Bago dumapo ang matutulis na kuko ng harpy kay Jayden ay agad itong nawala at napunta sa likuran ng hayop at tinanggalan ito ng mga pakpak.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon