ELEMENTIA 09: Celestis Princess

153K 5.1K 172
                                    

Chapter IX

'Celestis Princess'

~*~


SUMMER


Nang magising ako sa clinic ay laking pasalamat ko at nagising pa ako. Akala ko oras ko na noong araw na yon, buti na lang at malakas ang kagandahan ko sa taas. It's been two days since my charm accident.

I have a charm!

But unfortunately, I have an uncotrollable charm. Apoy still need to train me, how to use it properly. May charm class naman ako, pero tinanggal na ni Headmaster. Mas nakakabuti daw saakin kong si Kaiden ang magiging charm teacher ko.

"Ano na? Hindi mo ba kayang gamitin yan?" natatawang tanong ni Kim, na siyang napiling ka-sparring ko sa espada.

"Tumahimik kana nga muna diyan."

Kita niyang kinakalkula ko pa kong paano gamitin ang espadang napili ko e. Masyado siyang mabigat para sa maganda kong mga kamay. Sinamaan ko ng tingin si Kim ng tumawa ito dahil sa pagkakalaglag ng espada sa kamay ko.

"Shut up!"

"Hindi mo ba mabuhat?" natatawang tanong niya.

Napaikot ako ng mga mata at pinulot ang espadang nalaglag ko kanina, saan ba gawa ang espda na ito at ang bigat-bigat?

"Ano na? Matagal ka pa ba diyan?" natatawa pa rin na sabi ng impakta.

"Maghintay nga," nakakainis talaga ang isang ito.

Habang tinataas ko ang espada ay napansin ko ang pantali kong laso. Regalo ito ni Daddy saakin in my sixteenth birthday aat dahil mahal ko ang Daddy ko ay lagi ko itong pinantatali sa huhok ko. It a long ribbon with a gardient color of white and light blue. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ko ito ay umilaw.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napakunot-noo si Kim at napahakbang palayo kay Summer ng mapansin nito ang umiilaw na bagay sa kamay ng huli.

Maging si Prof. Phamtar ay napaayos ng upo at tumitig ng mabuti sa lumiliwanag na bagay sa kamay ng kaniyang estudyante.

"Arma de Cinta!" hindi makapaniwalang sabi nito.

Ang Arma de Cinta ay isang maalamat na sandata na ginamit ng mga babaeng miyembro ng pamilyang Celestis. Ito ay isang mahiwagang sandata, sapagkat maaari itong magpalit anyo sa anomang nais na sandata ng may hawak nito.

Agad na nasalag ni Kim ng sumugod sa kaniya si Summer. Napahinto ang lahat at pinanuod ang laban ng dalawang babae gamit ang mga espada.

"Kailan pa naging marunong si Summer sa paghawak ng espada?" nagtatakang tanong ni Lockette.

"Siguro tinuruan siya ng prinsipe, hindi kaya?" hindi siguradong sagot ni Rose.

Napangisi naman si Kim, dahil sa dalagang sumusugod sa kaniya. Kong kanina ay nawawalan siya ng gana dahil hindi ito marunong.

"Ano bilib ka na?" ngising tanong ni Summer.

"Pwede na pero, mahina ka parin," sabi ni Kim at winasiwas ang espada.

Napaatras si Summer at napaiwas ng itusok ni Kim ang espada nito sa kaniya. Muli silang nagpalitan ng atake at sa pagtalon ni ng una ay sinabayan nito ng sipa na kinatilapon ng huli sa hindi kalayuan.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon