ELEMENTIA 30: Back to the Academy

116K 4K 470
                                    

Chapter XXX

'Back to the Academy'

~*~



Agad na dumating ang mga medicus ng akademya at ang Headmaster ng sabihin ng kaniyang mga kawal ang biglang pagsulpot ng mga sugatan na Knights.

Dahil kailangan nilang makaalis agad sa Lumikki ay ginamit nina Casimire at Walter ang kanilang natitirang lakas upang makapagteleport sila pabalik sa akademya.

Nanlaki ang mga mata ni Jayden ng makita ang mga natatarantan medicus habang may karga-kargang mga sugatan, napasunod siya kina Headmaster ng isa sa mga buhat nila ay ang kaniyang pinsan.

"What happened to her?! Bakit ang dami niyang sugatan?!" sigaw nitong tanong sa kanila. "Summer! Princess!"

Kitang-kita niya ang mga galos, sugat at ang dugong umaagos ulunan nito. Hindi niya akalain na ganitong kalala ang mangyayari sa kaniyang prinsesa, sa pagsama nito sa isang misyon.

"Headmaster anong nangyari sa kanila? Bakit sila sugatan?!"

Napayuko lang ang Headmaster sa tanong ni Jayden. Wala siyang maibigay na sagot rito dahil maging siya ay hindi alam ang nangyari.

"Hintayin natin silang magising," kalmado nitong sabi.

Napapikit si Jayden at napakuyom ng kamao dahi sa sinabi ng Headmaster. Gusto niyang pumasok sa emergency room ng infirmary pero hindi siya pinayagan.

Napasunod rin si Gabrielle sa infirmary ng malaman niya ang nangyari, nakita niya ang kanilang panganay na pinsan na nakasandig sa pader.

"Kuya, kamusta si Ate Princess?" agad nitong tanong sa pinsan.

"She's hurt."

Dalawang salita lang ang sinabi nito na nakapagpabago ng kanilang ekspresyon. Ang kanilang kalmadong itsura ay tumigas at naging seryoso, napakuyom rin si Gabrielle. Isa sa pinakaayaw niya ay kapag nasasaktan ang kaniyang Ate.

"What happened? What did the Headmaster say?"

Napabuntonghininga si Jayden sa tanong ng batang pinsan.

"He said he had nothing to say until they are treated."

"Kuya, kailangan ba natin itong ipalam kina Tito at Tita?" nag-aalalang tanong ni Gabrielle.

Napaisip si Jayden sa kaniyang tanong, dahil sa nangyari sa kanilang pinsan ay kailangan itong malaman ng mga magulang niya.

"Susulat agad ako kay Tita."


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Few days later. . .


SUMMER

"I'm finally home!"

Agad akong yumakap sa lupa ng courtyard ng makita ko ito. Ito ang favourite tambayan ko sa eskwelahan na ito, dahil fresh at nakakagaan ng pakiramdam. Para siyang mini garden na nasa loob ng eskwelahan.

Pero ang siyang kinakatuwa ko talaga ay makakatulog na ako ng payapa at. . .

"No more monsters! No more death stunts! No more fightings! It's really good to be back!"

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon