Momentous 31

261 14 0
                                    

Momentous 31: The revelation of the truth.

×××


Kinabukasan, nakakunot ang noo ko habang pababa ng hagdan. Naninibago ako dahil sobrang seryoso nilang lahat at nakatingin lang sila saakin habang pababa ako at papunta sa sala.

“Maupo ka, Avrice.” sinunod ko naman ang utos ni aunt Trinity.

Naupo ako sa single couch kasi 'yon na lang ang bakanteng upuan, lahat sila ay nakatingin pa rin saakin.

“Ano ba 'yang mga mukha at tingin na 'yan? Kinakabahan ako sainyo eh.” nakakunot pa rin ang noong sabi ko.

“Would you believe me if I tell you that you we're born and raised in this town?” naguluhan ako sa sinabi ni aunt Trinity.

“What?” huminga ng malalim si aunt Trinity.

“Yes, Avrice. Dito ka pinanganak at lumaki sa bayan na ito.” kulang na lang siguro ay mag dikit ang kilay ko dahil sa pagkakakunot nito.

“Naalala mo ba kung bakit namatay ang papa mo at uncle Ed mo? Hindi diba? Avrice, saksi ka sa pagkamatay nilang dalawa.” si aunt Cynthy naman ang nag salita.

Sinubukan kong alalahanin ang sinabi ni aunt Cynthy, at kagaya ng sinabi niya ay wala akong maalala.

“5 years ago.. May digmaang naganap sa tatlong tribo, Vampire tribe, Werewolf tribe at Cambion tribe. At dahil napapagitnaan ang Arturia town ng tatlong tribo, dito mismo naganap ang digmaan at maraming nakadamay. Galit na galit ang mama at papa, hindi nila mapigilan ang digmaan. Kaya nakigulo na rin sila. Ako, si Charlotte, Kennedy, Elody, Robert, Amritta at ikaw, Avrice nasa loob lang tayo ng bahay habang sila ay nakikipag laban. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita mong dumaan ang papa niyo, Avrice. At hindi namin namalayan na lumabas ka para puntahan siya, hinanap ka namin. Lumabas kami kahit alam naming hindi pwede, hinanap ka namin at hindi naman kami nahirapan dahil nakita ka namin. Nakita namin kung ano ang tinitingnan mo, nakita mo ang pag patay ng mga Cambion sa papa mo at uncle Ed mo. Nakatulala ka lang, walang luhang umaagos sa mga mata mo. Kinabahan ako. Lalapitan na sana kita pero bigla kang nag salita.. ‘Pinatay mo si papa? PINATAY MO ANG PAPA KO?!’ 'yon ang unang beses na nakita kong nag iba ang kulay ng mga mata mo. Galit ka. Galit na galit. Napatigil ang lahat sa pakikipag laban dahil naagaw mo ang atensyon nila, nagawa mong pahirapan lahat ng nasa digmaan. Bumaba ang temperatura kaya hirap na hirap kaming lahat na huminga, sobrang bilis ng pangyayari. Bigla na lang nag liwanag at may sumabog. Namalayan na lang naming lahat na malayo na kami sa dati naming pwesto, maraming namatay dahil sa nagkamali ang bagsak, ang ilan naman ay natusok sa mga sanga o matatalim na bagay. Dali dali naman kaming tumakbo pabalik sa'yo at nakita namin kung paano mo pinatay lahat ng mga nakikita mong dilaw ang mga mata. Walang makapagpigil sa galit mo, pati kami ay sinaktan mo at muntik nang mapatay. Pero sa tulong ng buong lakas at pwersa ng kapangyarihan ng mama mo ay napigilan ka niya, agad ka naming ipinasok sa loob ng mansion at doon napag desisyunan naming i-deactivate ang kapangyarihan mo dahil hindi mo ito kayang kontrolin. Alam naming mawawala ang mga ala ala mo kapag ginawa namin iyon, at maraming pwedeng mag iba sa'yo pero tinuloy pa rin namin dahil anumang oras ay makakawala ka na sa spell na ibinigay ng mama mo. Pinangunahan ko ang ritwal at halos ikamatay na naming lahat ang pag de-deactivate sa kapangyarihan mo dahil maka ilang ulit mong ni-repel ang spell na china-chant namin. Hanggang sa nag tagumpay kami, na-deactivate namin ang kapangyarihan mo. Nawalan ka ng malay, kasabay ng pagkawala ng malay mo ay.. ay binawian ng buhay ang mama at papa.” napahinto sa pag papaliwanag si aunt Trinity, hinimas himas naman ni aunt Charlotte ang likod nito tsaka siya nag patuloy sa pag sasalita. “Napagdesisyunan naming ilayo kayo sa bayan na 'to.”

Tumingin siya saaming limang mag pi-pinsan.

“Katulad ng ginawa ko kay Avrice, tinanggal ko rin lahat ng ala-ala niyo sa bayan na ito at pinalitan ng panibagong ala-ala.” napanganga ako sa sinabi ni aunt Trinity.

“Hindi tayo ordinaryong tao.”

“At ang pamilya natin ang isa sa makapangyarihan dito.”

“Nang umalis kayo sa lugar na ito, ako ang naiwan at namuno. Simula noong namahala at pinamunuan ko ang bayan na ito, lahat ay nabago. Naging tahimik ang tatlong tribo, kabilang na ang bayan na ito. Lahat ng nagkakasala ay inihaharap saakin at binibigyan ko ng parusa.”

“What?” naguguluhang tanong ni Kennedy.

“Lahat tayo ay may special ability at attribute.”

“Manipulation ang attribute natin, kaya nating i-manipulate o i-control ang mga tao o ang mga bagay. Living things or non living things. Kaya rin nating makipagusap sa pamamagitan ng isip, kaya nating makapabasa ng isip. Pero naka sara ang isip mo simula pa lang pagkapanganak sa'yo, Avrice. Kaya saating lahat, ikaw ang pinaka mahirap na basahin. Kaya mo ring makapag basa ng isip kahit na sarado ang isip nito.” si aunt Cynthy naman ang nag paliwanag.

“Ang Special Ability ni Charlotte ay kaya niyang mag pakita at mag paramdam ng sakit, kaya niyang ipakita kung paano mamamatay ang isang tao, kaya niyang iparamdam ang matinding kalungkutan, pagsisisi.. lahat ng klase ng emosyonal na sakit.” kaya pala bigla na lang nag sisigaw 'yong apat na lalaki kahapon matapos lumapit sakanila si aunt Charlotte.

“Si Cynthy naman kaya niyang pakalmahin lahat, to the point na nakakamatay na ang pagpapakalma niya. Dahil napapakalma niya ang puso hanggang sa huminto ito at bawian ng buhay.” namamangha naman akong napatingin kay aunt Cynthy pero ngumiti lang siya saakin.

“Si Kye naman, kabaliktaran siya ni Charlotte. Kaya niyang ayusin lahat ng damages, kaya niyang tanggalin ang sakit, kaya niyang pahilumin ang kahit anong sugat.” hindi na ako nagulat sa kakayahan ni uncle Kye pero hindi ko maiwasang mamangha.

“At ako.. ako ang..”

×××

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Where stories live. Discover now