"Ang weird mo, Mag---" Inalis ko yung panyo sa mukha ko pero napatigil ako nung makita ko kung ano bang kinakapraning ni Maggie.

"Z-zeke." Napatayo ako sa upuan ko. Naglalakad papunta sa'min, nakangiti at kitang kita pa yung dimples niyang mahal na mahal ko, ay si Zeke.

Sobrang namiss ko siya. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya---

"Cha, upo." Hinihila ako ni Maggie para mapaupo ako. "Please, Cha. Wag mo nang pahirapan yung sarili mo." Lumingon ako ulit kay Zeke at saka ko lang napansin, kahawak niya ng kamay ay walang iba kundi si Tiffany.

At nung makita ko yun, nanghina yung mga tuhod ko at napaupo na ko ng hindi ako hinahatak ulit ni Maggie. Nakita ko yung mga kaibigan namin na nakanganga habang nakatitig sa magkahawak na kamay nina Zeke at Tiffany.

Hindi pwede... Imposible 'to. Hindi pwedeng nakamove-on na si Zeke. Hindi pwedeng iba na yung mahal ni Zeke. Dapat ako pa rin. Ako lang. Magkakabalikan pa kami. Aaminin ko pa sa kanya yung totoo kong dahilan kaya ko siya tinulak palayo noon.

Naramdaman kong hinawakan ni Maggie yung kamay ko. Ganun din yung ginawa ni Aaron sa kabila kong kamay. Lahat sila nag-aalalang tumingin sa'kin habang parang perfect couple na naglalakad papunta sa'min sina Zeke. Nagtatawanan sila at nagbubulungan. Kulang na lang yung slowmo at cheesy love song para bida na sila ng sarili nilang romcom movie. Habang ako? May parang pumipiga sa puso ko sa mga nakikita ko.

Zeke being happy with another girl... I never thought na makikita ko yun.

"Hi guys! Sinong nakamiss sa'kin?" Malakas na sabi ni Zeke. Ang laki laki ng ngiti niya. Sobrang namiss ko talaga 'yang ngiti niyang kitang kita yung dimples niya.

"UY PAREEEE!" Unang tumayo si Dave at tumakbo papunta kay Zeke. Nagyakapan sila at nagbatukan at naglaitan. Sumunod na ring tumayo at lumapit kay Zeke sina Aaron at Emma. Nagtatalunan at nagtatawanan silang lahat.

"Cha, gusto mo na bang umalis? Kahit wag na tayong magpaalam sa kanila. Sasabihin ko na lang najejebs ako---" Nagpapanic pa rin sa tabi ko si Maggie kaya kahit gusto ko na lang sumiksik sa isang sulok at umiyak, napipigilan ko yung luha ko habang nakikita kong nag-aalala ng sobra sa'kin yung bestfriend ko.

"O-okay lang." Nanginginig kong sabi sa kanya. "K-kaya pa."

"Cha---"

"Charm?" Napapikit ako. 'Yung tawag sa'kin ni Zeke na siya lang yung hinahayaan kong tumawag sa'kin. Sobrang namiss ko 'yun.

Tumayo ako at pinilit kong ngumiti kay Zeke. "Z... Zeke."

"Hey, kamusta?" Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "I missed you, Charm."

Shit.

Mas gusto ko sana kung mga mura at sigaw yung isinalubong sa'kin. After all, the last time na magkausap kami, I broke his heart? But this? Yung parang okay na sa kanya yung lahat? Yung parang magkaibigan kung ituring niya ko? This stung a whole lot more.

Hindi kami pwedeng maging magkaibigan lang, damn it!

"M-me too. Namiss kita ng sobra." Niyakap ko siya ng mahigpit pero hindi rin nagtagal ay kumawala na rin siya at lumayo sa'kin.

Pagkatapos bumalik siya sa tabi ni Tiffany at hinawakan yung kamay nito.

Gusto kong sumigaw at paghiwalayin 'yung mga kamay nila.

"Oo nga pala, guys, kilala niyo naman si Tiffany, di ba? Gusto kong ibalita sa inyo na kami na."

Walang umimik na kahit sino sa sinabi ni Zeke. Naramdaman ko yung mga panakaw na tingin sa'kin ng mga kaibigan namin habang yung perfect couple parang nasa sarili nilang mundo na ngiti pa rin ng ngiti sa isa't isa. 

OO NA KAYO NA YUNG MASAYA, OKAY? AKO NA YUNG BITTER NA EX NA NAGSISISI NA PINAKAWALAN NIYA YUNG LALAKING PINAKAMAMAHAL NIYA.

Napatalon kaming lahat nung binagsak ng malakas ni Maggie yung kutsara niya. Ngumiti siya ng sarcastic bago hinawakan 'yung tiyan niya. "Sorry, may gyera sa tiyan ko. Uuuck, lalabas na ata. Cha, tara dali!" Hinatak niya ko pero imbes na dumiretso kami sa CR ay dumiretso kami palabas nung resto.

Wala man lang pumigil sa'min. 

Hindi man lang ako hinatak pabalik ni Zeke.

At bawat hakbang na ginagawa ko palayo kay Zeke ay may kasabay na pagtulo ng mga luha ko.

"Ang manhid nung gagong lalaking 'yun! May payakap yakap pa at pa-i miss you-i miss you ba? Gunggong ba siya? Alam mo Cha----" Tumigil sa pagsasalita at paglalakad si Maggie nung lingunin niya ko at makita akong humahagulgol. "Bestfriend..."

Tahimik siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. At umiyak ako ng umiyak sa balikat ng bestfriend ko. Iniyak ko lahat ng sakit at panghihinayang. Iniyakan ko lahat ng masasayang alaala namin ni Zeke na paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko. Iniyakan ko 'yung gabing hiniwalayan ko siya. Iniyakan ko yung araw na hinabol ko siya sa airport at hindi ko siya inabutan. Iniyakan ko yung isang taong nasa malayong lugar siya at unti-unting nahuhulog kay Tiffany.

Iniyakan ko yung siyam na taon na pagmamahal ko kay Zeke.

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now