“Eh iniiwasan niyo nga ang mga tanong ko.”

“Hindi pa ito ang takdang panahon para malaman mo ang katotohanan.” sabi naman ni aunt Trinity.

“Pero kailan? Kailan natin sasabihin sakanya ang totoo? Kung kailan may panibagong digmaan na naman? Dapat nga malaman na niya at ihanda na natin siya sa nalalapit na digmaan.” sabi naman ni aunt Charlotte.

Kaya naman natahimik sila at nagkatinginan nanaman, parang nag uusap sila sa pamamagitan ng mga isip. Napabuntong hininga muli si aunt Trinity at tinalikuran kami.

Bukas mo malalaman lahat ng gusto mong malaman.” sabi niya at naglaho na sa paningin namin.

Ano bang hindi ko alam sa pamilyang ito?

×××


Napabangon ako sa higaan ko at napatingin sa orasan. Shit. 8:37 na. Agad akong bumangon at nag ayos.

Habang naliligo ako ay naalala ko ang panaginip ko, pakiramdam ko ay totoong nangyari 'yon. Napatingin ako sa braso ko at napakunot ng noo, bakit pakiramdam ko totoo lahat ng 'yon? Napailing na lang ako at tinapos ang paliligo.

Pag baba ko ay nagulat ako sa nakita ko, napakaraming bagahe at maleta. Dejavu.

Lumapit ako sa pinto at sumilip, naiharang ko naman ang mata ko dahil nakakasilaw.

Avriceeeee!” nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin.

Kennedy?” tiningnan ko ang yumakap sa'kin at nanlaki ang mata ko. “OMG! KENNEDY!” at niyakap ko rin siya pabalik.

Nagpaikot ikot kami habang magkayakap.

“Sana all.”

Napabitaw kaming dalawa ni Kennedy at napalingon.

Elody!” siya naman ang sinugod ko at niyakap.

“Ohmahgaaaash Avrice! Sobrang na-miss kita couuuz!”

“Sobrang na-miss ko rin kayo! Dito na ba kayo titira?” malapad ang ngiting tanong ko.

Nagkatinginan sila ni Kennedy at Elody at sabay na tumango.

Yuup! Sama sama na tayo!” sabi naman ni Kennedy.

Excuse me.” napahinto kaming tatlo sa pag didiwang at napalingon. Nakatayo sa gilid ko si Amritta na naka-cross arms at naka-taas pa ang kilay.

“Freeeeign!”

Sigaw nilang dalawa at si Amritta naman ang sinugod nila ng yakap kaya naman natumba sila, nag tawanan sila.

Oh anong nangyayari dito? tumayo na kayo at pumasok na sa loob.” sabi naman ni aunt Cynthy kaya pumasok na kami.

Dumeritso kami sa dining room, magkakatabi kaming mag pipinsan dito ra right side ni aunt Trinity samantalang sila naman aunt Charlotte, aunt Cynthy at uncle Kye ang magkakatabi sa left side, syempre sa gitna si aunt Trinity.

Tinanghali ka ng gising Avrice, ah.” sabi ni aunt Charlotte.

“Oo nga eh, ang sama kasi no'ng panaginip ko. Pumunta raw ako sa gubat kagabi tas may kung anong nilalang na biglang sumulpot at sinugatan ako tapos may nag ligtas sa'kin tapos pag dating namin dito nag sisigawan tayo. Parang totoo nga 'yong panaginip ko eh, pero pag tingin ko naman sa braso ko wala naman akong sugat pati na rin sa leeg ko.” kwento ko dahilan para matahimik sila, napatingin naman ako sakanila at lahat sila ay nakatingin sa'kin.

Bakit?” inosenteng tanong ko.

“A-ah buti nga walang nangyari sa'yong masama at hindi ka binangungot! 'Yan kasi, lagi namin kayong pinagsasabihan na mag dasal bago matulog! Tsk.” sabi naman ni aunt Cynthy.

Pero hindi nila alam na napansin kong napabuntong hininga silang apat.

May tinatago sila.

×××

Elody Zendara

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Elody Zendara

Kennedy Margareith

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kennedy Margareith

The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]Where stories live. Discover now