"Ninong----"

"Enough, Gerald. Wala nang magbabago sa desisyon ko. Kaya umalis na kayong dalawa."

Pagtataboy pa samin nito. Tinanggal ni Gerald ang pagkakawit nang braso nito sa leeg ko at naglahad nang kamay sakin.

Pinagkunutan ko lang ito nang noo. Dahil para saan ba iyon?

"Halika na.."

Hinila nito ang kamay ko patayo na ikinagulat ko. Habang naglalakad kami palabas nang presinto ay nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak.

Holding Hands while walking?

"Pwede nang-----"

"Mamaya na."

Pinag intertwin pa nito ang kamay namin. Napaiwas agad ako nang tingin nang tignan ako nito. Shete!

Nakakailang talaga!

"Saan pala tayo pupunta?"

"Sa park."

"Okay."

Ang tipid niya nanaman sumagot. Pero hayaan na, gwapo naman siya eh.

Habang naglalakad kami ay marami akong napapansing babae na napapalingon kay Gerald. Kahit nga binabae eh. Napapatingin with tulo laway. Tsk.

Pinaupo ako nito sa bench at saka may tinawagan. Kaya binitawan na nito ang kamay ko.

Parang nadismaya ako? Tsk.

"Good morning... Hindi muna ako makakapunta diyan... Oo eh... Pagkatapos nito babawi ako sayo... Yeah, i promise po... Okay. Take care, crush."

Yung crush niya nanaman ang kausap niya?! Sino ba ang crush niya na yan nang makilatis ko!

"Date tayo."

Pagtingin ko rito ay nakangiti ito sakin.

Nagpapacute ba siya sakin? Well, kahit seryoso nga lang siya. Ang cute niya na at gwapo pa! Kung ngumiti pa kaya diba?

"Anong pumasok sa utak mo at nakikipagdate ka sakin?"

"Punishment, remember?"

Okay! Pahiya nang konti.

Umaasa ka no? - What the hell?! Gumagana nanaman ang pagka prangka nang utak ko! Damn it!

"A-h? Oo nga pala. T-ara."

Tumayo na ako at pinagpagan ang pants ko. Inayos ko ang sunglass ko dahil matatanggal na.

"Let's go.."

Inakbayan ako nito at nagsimula na kaming maglakad. Actually, napasabay lang ako dahil nga diba? Nakaakbay siya sakin.

Ang bango niya talaga!

"Kuya, magkano po ang rent?"

Napatingin ako sa tinanungan nito. Sumilip ako sa likuran ni kuya. At napakunot noo ako.

Bike?

"50 pesos kung sa single. 100 pesos kung may side car."

Ang mura naman..

"Ah sige po. Dalawa---- bakit?"

Hinatak ko kasi ang laylayan nang damit nito nang sasabihin niyang dalawa. Kaya napabaling ito sakin.

"Ano... Hindi kasi ako marunong mag bike."

Sabay kamot ko sa ulo. Eh yun ang totoo eh! Kung yung motor nga, kinakatakutan ko. Bike pa kaya?

"Don't worry. I will teach you, Love.."

He wink. Napayuko tuloy ako. Dahil ramdam ko ang pag init nang pisngi ko!

He called me Love and he suddenly winked at me! Watdapak!

"Isa nalang po pala, kuya. Single."

Inabot na nito ang bayad kay Kuya. Hinawakan ko ang pisngi ko at ramdam ko parin ang init mula roon! Wooh!

"Ingat kayo ah?"

Paalala pa nito samin. Tumango nalang si Gerald. Samantalang ako, hindi parin mag function sa utak ko ang nangyari kanina.

Alam kong simpleng pagkindat lang yun. At wala lang sa kanya ang pagtawag sakin nang 'Love' pero kasi---- KINIKILIG AKO!!

Oo, inaamin kong kinikilig ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun may gusto na ako sa kanya ah!

Kinikilig pero walang gusto? ---- Shut up, utak!

"Sakay na, Love. Tuturuan kita diba?"

"Pwede bang tigilan mo kakatawag sakin nang----"

"Love? Bakit naman?"

Pakshet naman oh! Sasabihin ko palang dinugtungan niya na agad?! Aish!

"Eh kasi----"

"Naiilang ka ba?"

Pagtingin ko rito ay nakangisi na ito. Napairap nalang ako na parang nakikita niya.

"H-indi ah!"

"Hindi daw. Pero nauutal. Ayos lang yan.."

Ginulo pa nito ang buhok ko. Hinampas ko ang kamay nito.

"Wag mo ngang guluhin ang buhok ko!"

Magulo na nga, mas guguluhin pa.

"Sus. Kailan ka pa na concious sa buhok mo?"

"Ngayon lang."

Mariin kong sabi sa kanya.

"Ngayon lang, kasi nag d-date tayo?"

"Gerald!"

"Hahahaha"

Tawa tawa ka pa eh! Tsk!

*---------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now