"Posible rin."

Sagot ko. Napatango rin sila. At mukhang sang ayon rin sila. 

"Mahirap nga pala sa kanya mag move on, kaya siguro napatayo siya nung binanggit natin ang pangalan ni Lance."

"Yeah.."

Sang ayon ni Crizza. Sabay sabay kaming napabuntong hininga.

"Masyado ba tayong naging insensitive para hindi malaman na nasasaktan parin siya?"

"Siguro.."

Sabay sabay naming sagot kay Mary Love.

"Nakita ko si Lance sa park kahapon. And guess what?"

Nakatingin lahat sila sakin na parang naghihintay talaga sila nang karugtong.

"Ano?"

"Wait lang ha? Atat na atat?"

Tinarayan lang ako ni Mary Love. Ang bilis niya talagang mainis! Well, ganun din naman ako. Gulo no? XD

"Nandoon siya sa puno na palagi nilang pinagtatambayan nilang dalawa ni Keith. At parang may hinihintay siya na ewan. Kaya nagtago ako sa puno pero yung malapit lang sa pwesto nila para kahit papaano makita ko kung sino ba yung katagpo niya sa lugar na iyon. Pero ilang oras na akong naghihintay pero wala paring dumadating. Maging si Lance, naiinip narin. Nagulat ako nang sumigaw ito at nang idamay nito ang pangalan ni Keith. Sabi niya.. ' What the hell, Keith?! Bakit mo ako pinaghihintay sa wala?! Ito na ba ang ganti mo sakin?! Damn it!' yan ang sinigaw niya na ikinabigla ko nang todo. Nung una palang, nagtaka na ako kung bakit nandoon siya. Pero nang banggitin niya ang pangalan ni Keith? Hmm.. si Keith talaga ang inaantay niya."

Napatango sila sa kwento ko at parang nag iisip pa sila.

"Bakit niya hinihintay si Keith? Wala naman na sila ah."

"I dunno."

Hindi ko alam kung bakit. Kahit ako naguguluhan rin.

"Don't tell me.... Gusto niyang makipagbalikan kay Keith?"

Takang tanong naman ni Janine.

"Maybe yes.. maybe no."

Biglang sabat ni Crizza. Nakapangalumbaba pa ito sa lamesa. Napainom nalang ako sa gatas ko. Masyadong magulo ang sitwasyon. Napakagulo.

Terrence Point of View:

Nang makapasok ako sa garden ay agad kong naaninag si Keith na nakasandal sa puno. Kaya marahan ang paghakbang na ginawa ko papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako rito ay doon ko lang napansin na tulog pala siya..

Habang pinagmamasdan ko siya, napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero ewan ko ba---- napapangiti nalang ako nang basta basta.

Kinaot nito ang hita niya, kaya bahagyang umangat ang palda niya. Nang makita kong na expose na ang maputi at makinis nitong hita... agad kong napaupo sa harapan nito. Ibinaba ko na ang bag ko at hinubad ang vest ko para takpan iyon.

Napatingin ulit ako sa mukha nito. May mga nakaharang na hibla nang buhok, kaya inayos ko ang buhok nito at inilagay sa likuran nang tenga nito.

"Hmmm.."

Nang imulat nito ang mata niya ay hindi na ito nagulat. Mukhang expected niya na pupunta at susulpot ako sa harapan niya.

"Cutting classes again?"

Napatango naman ito. Umayos naman ito nang upo at saka tumingin sa bandang ibaba niya. Kaya napatingin rin ako..

"Vest mo to?"

"Hmm.."

Tumango rin ako. Bigla niya iyon tinanggal at inabot sakin.

"Thank you.."

"Welcome."

Ngumiti lang ito sakin ar napatingin sakin. Ang tagal niyang tinignan ang mukha ko na parang kinakabisado niya. Kaya napakamot ako sa batok.

"Bakit?"

"Magkapatid nga kayo..."

Bigla niyang anas at may patango tango pa ito.

"Paano-----"

"Hawig na hawig kayo ni Gerald. KUNG titigan ka nang matagal."

"Bakit? Hindi ka ba talaga naniniwala?"

Natatawa kong tanong sa kanya. Tumingin ito sakin at napatawa.

"Hindi kasi halata... Wait, ngiti ka nga.."

"Bakit?"

"Basta. Ngumiti kana lang. Yung natural ah?"

Natawa muna ako bago ngumiti... nang natural. Humawak ito sa baba niya at pinagmamasdan ang ngiti ko.

"Ah.. diyan lang kayo nagkaiba. Iba kasi ang ngiti niya eh. Pa rectangle."

Napatango ako. Nang makita ko kasi ang ngiti niya, mas naging cute siya. Actually, may itsura naman na talaga siya. Kaya nga ang daming naghahabol sa kanya na babae eh.

"Ahmm.. sumuntok ka naman."

"Ha?"

Takang tanong ko. Bakit niya naman ako papasuntukin?

"Sumuntok ka.."

"Bakit?"

"Basta.."

Kahit nalilito ako sa pinaggagawa niya sakin. Ginawa ko parin. Nang sumuntok ako ay agad siyang napailing.

"Malakas siya kaysa sayo sumuntok. Nang sumuntok ka kasi, parang hindi mo kayang magpatumba agad. Pero si Gerald, isang suntok lang tumba na agad ang kalaban."

Seryoso akong napatingin sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin. Pero ramdam ko na iniisip niya kung paano ginawa ni Gerald ang bagay na iyon. Teka---di pa ba niya alam ang katauhan ni Gerald?

Kaya malakas sumuntok yun, dahil gangster iyon. Kaya hindi narin nakakapagtaka.

"Tap mo nga ulo ko.."

Bigla nanaman nitong sabi. Huminga muna ako nang malalim at ginawa na ang sinabi niya. Nang magawa ko iyon ay napatingala naman ito.

"Bakit sayo nabibigatan ako nang ginawa mo iyon? Bakit kay Gerald hindi?"

Napakunot na talaga ako nang noo. At may pumasok na tanong agad sa utak ko.

"Pinagkukumpara mo ba ako sa kanya?"

Seryoso kong tanong na ikinagulat niya. Now, i know..

"H-indi ah! Tinitignan ko lang----"

"No need to explain, i understand."

Tinapik ko ang balikat nito. Nakatingin lang ito sa kamay ko na nakalapat sa balikat niya.

I smiped bitterly when i realize something.

She love my brother.. And it hurts.

*-----------------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now