"Sige, uwi na! Baka mapahamak pa yung asawa mo! Alis!"

Pagtataboy pa nito sakin. Kaya napanguso ako lalo.

"Parang kanina lang dinadamayan kita ah! Tapos ngayon---- grabe ka sakin, crush!"

Bigla naman itong natawa. Kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Habang tumatawa siya, walang halong bakas na kalungkutan. Pure na tawa talaga. Kaya napangiti ako.

"Sige na! Umalis ka na. Magpapahinga pa ako."

Nakangiti nitong sabi sakin. I smiled back.

"Sige, bye. Tatawagan ko nalang----"

"No need. Parating na rin sila rito."

Pagputol nito sa sasabihin ko. Kaya napatango nalang ako. Palabas na sana ako nang kwarto niya nang tinawag ako nito.

"Gerald!"

"Oh?"

"Wag na wag mo nang pakawalan. Don't worry, bagay kayo."

Nakangiti pa nitong sabi.

"Crush naman!"

Kami? Bagay? Tsk.

"Hahaha totoo kaya!"

"Bahala ka!"

Sabi ko nalang at lumabas na nang tuluyan.






Keith Point of View:

Kanina pa ako dito sa sala at hinihintay ang pagdating niya.

Halos limang oras na ako naghihintay pero hindi parin siya dumadating. Doon nanaman ba siya natulog sa bahay nang babae niya?!

Teka--- bakit ko nga ba siya hinihintay? Diba dapat wala akong pakialam sa lahat nang gagawin niya? Kahit na mambabae pa siya? What the hell?!

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang ugong nang sasakyan nito.

Nandyan na siya! What should i do?!

Hindi ko alam kung saan ako magtatago. In the second thought---- bakit ba ako natataranta? Eh dumating lang naman siya ah?!

Baliw ka na talaga, Keith! Napakabaliw mo na!

"Bakit gising ka pa? At bakit ka nakatuwad diyan?"

Shoot! Huli ka, Keith! At ang masaklap pa sa nakatuwad na posisyon pa! Ang galing!

Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin.

"Ah eh--- kasi.. Ano--"

"Hinintay mo ako?"

Nakakunot parin ang noo niya.

"Hin-di ah! Ang as-suming mo ah!"

Dapat hindi ako nauutal eh!!! Bwisit na dila ito may diperensya nanaman! Badtrip!

"Oo nalang. Sige, akyat na ako.."

Bigla akong nataranta nang sabihin niya iyon. Kaya agad akong naglakad patungo sa kanya, kaya napahinto ito sa paglalakad at tumingin sakin nang may pagtataka.

"Kumain kana?"

Natanong ko bigla. Mas lalo tuloy nagtaka ang tingin nito sakin.

"Sabay tayong kumain kanina. Nakalimutan mo ba?"

Napakagat ako sa labi at napaiwas nang tingin sa kanya.

Takte! Oo nga pala, kumain pala kami sa restaurant kanina! Hayss, ang tanga mo talaga, Keith!

"Nagugutom ka ba?"

"Ha?"

"Sabi ko, nagugutom ka ba?"

Sumeryoso ang tono nang boses nito.

"Hindi."

"Hmm.. Matulog kana. At may pasok ka pa bukas."

Nang hahakbang nanaman ito ay agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Nabigla ito sa ginawa ko, mas lalo naman ako!

May sarili yatang utak ang kamay ko para gawin ito!

"Uhmm... Papasok ka bukas?"

"Hindi. Pero ikaw, oo."

Dahan dahan kong binitawan ang braso nito. Napaiwas nalang ako nang tingin at napakamot sa ulo.

Bakit ko ba natanong yun?

"Pumunta kana sa kwarto mo. Sweet dreams."

Napapitlag pa ako sa pag tap nito sa ulo ko. At napatitig ako sa kanya nang ngumiti ito sakin.

Naniniwala na ako kanila Mikaela na rectangle talaga ang hugis kapag ngumingiti siya. Ang galing!

"Swe-et dreams too."

Tumango lang ito at tuluyan nang umakyat pataas. Pagkapasok nito sa kwarto niya ay napahingang malalim ako.

Bumilis ang tibok nang puso ko! May sakit na talaga ako sa puso, swear!

*-----------------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now