Inalis ko ang pagkakahawak saakin ni Mama. "Kung sinasabi mong disappointed ka sakin. Mas nadidismaya ako sa tinatago mong baho. Mas nakakainis. Mas nakakabigla. Lalong mas nakakahiya." wika ko.

"I'm really sorry. Pero, hindi ko na kayang intindihin yung ugali niyo. Ilang years ko nang pinipigilan ang sarili kong hindi magalit para sainyo." dagdag ko.

"Pero limitado rin naman ako."

Padabog kong kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Pumasok agad ako sa kotse ko at ipinaandar ito. Hindi ko maiwasang umiyak. Gustong gusto kong yakapin si Papa. Gusto ko siyang lambingin.

Gusto ko siya makasama. Pero, mukhang hindi kami parehas. Baka, mas better lang talaga saakin si Ate Irene.

Tumunog bigla ang phone ko. "Hello?"

[Babe, where are you?]

"Car. Why?"

[Wait. Umiiyak ka ba?]

"No. May sipon lang ako dahil sa aircon natin, Babe."

[Hays. Gusto mo bang magdinner sa bahay nila Baekhyun Hyung? Birthday kasi ni Storm.]

"Sure. Sabay na tayong pumunta."

[Okay.]

"Ingat ka diyan. I love you, Babe."

[I love you more. Bye.]

***********

Ann's POV

Binuksan ko ang pintuan at agad kong nakita si Jimin na lasing na lasing. Paano siya makakapasok niyan? Agad kong kinapa ang pantalon niya para hanapin ang Phone niya.

Tetext ko nalang si Manager na hindi makakaattend ng practice si Jimin. Halata namang may problema si Jimin. Ilang araw na siyang naglalasing at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Hindi ko pa natatanong dahil natatakot ako sa magiging sagot.

Feeling ko talaga may mali.

To: Manager

Hindi po muna makakapasok si Jimin, Manager. - Ann

Nilapag ko ang Phone niya sa table at pumunta sa kusina para gumawa ng maiinom niyang mainit na kape. Bumalik ako at nakita ko siyang nakatingin sa ding ding. Dahan dahan kong nilapag ang mug sa table at tumabi sakanya.

"Jimin, masakit ba ulo mo? Wag ka munang pumasok." sabi ko.

Tumayo siya at pumasok sa loob ng kwarto. Agad ko naman siyang sinundan. Nakita ko nalang ang pasaradong pintuan ng banyo.

Ano bang nangyayari sayo, Jimin?

*****************

Miranda's POV

Nandito ako ngayon sa Library malapit sa Boutique ni Entice. Ang tagal kasi nila. Si Entice, papunta na daw. Si Ann naman, hindi makakapunta kasi aalagaan niya daw si Jimin.

Si Jasmine, masakit daw puson. Habang nagbabasa ako, biglang may nahulog na libro sa ulo ko. Napahawak agad ako sa ulo ko.

"Ouch." paginda ko. Napalingon naman ako sa likod ko at saktong nanlaki ang mga mata ko.

Anong ginagawa niya rito? "I'm sorry." medyo mahina niyang sabi at yumuko. Bakit nandito si Jungkook? Nakasuot siya ng itim na mask.

Medyo marami ang tao dito sa Library kaya sinisigurado niyang walang makakakita sakanyang Fan.

"May pinapabili kasi saakin si Jin Hyung na libro. Pwede mo ba kung tulungan maghanap?" tanong niya.

Medyo nagdalawang isip ako. Hindi ba siya naiilang? Kasi ako nahihiya ako sakanya. Wala naman akong nagawa kundi tumango nalang. "Ano bang libro 'yon?" tanong ko.

"A long walk to water daw."

Kakakita ko lang nun kanina ah. "Sundan mo nalang ako."

Umakyat kami sa taas ng silid. Oo, apat na palapag ang meron dito. Kaya eto ang lagi kong binibisita dahil marami akong pagpipilian na libro. Nagsimula kaming maghanap ni Jungkook. Oo, medyo awkward pero mas pinili kong wag nalang pansinin yon.

May IU na siya at ako, meron akong mga kaibigan kaya dapat ko nang kalimutan yung past namin. "Eto yung mga paboritong aklat ni IU eh." nakangiting sabi ni Kookie.

Napatingin naman ako sa book na tinutukoy niya. "That's also my favourite book." mahina kong sabi.

Napalingon naman siya saakin. "Did you say something, Miranda?"

Umiling lang ako at bumalik sa paghahanap. "Aha! Eto ba?" tanong ko at ipinakita sakanya ang aklat. Ngumiti naman siya at tumango.

"Thank you." wika ni Jungkook.

Ngumiti lang ako at tumalikod na para pumunta sa Boutique. Baka andun na sila.

"Miranda wait!" medyo malakas na sigaw ni Kookie.

Agad naman akong lumingon sakanya.

"Let's hangout sometimes."

************

Taehyung's POV

Pumasok ako sa kwarto namin ni Entice at nakita ko siyang nagsusuot ng hikaw. Papunta na kami sa dinner.

Agad ko siyang niyakap mula sa likod. I miss my wife. Medyo busy narin kasi kami. Comeback kasi namin.

I kissed her neck, "Babe, umalis ka ba kanina?" tanong ko. Tumango lang si Entice.

Kinuha niya ang bag niya at humarap sakin, "Tara na." nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti narin ako sa ginawa niya. Nakakabakla, kinikilig ako. Hawak hawak ko ang kamay ni Entice habang sabay kaming naglalakad palabas ng bahay.

Ilang years na kaming ganto pero hindi parin ako nagsasawa. Parang first time lagi. Binuksan ko ang pintuan ng kotse para sakanya.

Pumasok narin ako at nagsimulang magdrive. "Ahmm. Hinto mo muna, V." utos ni Entice.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko. Agad naman siyang tumango kaya pinark ko muna ang kotse sa gilid ng kalsada.

Agad naman niyang hinatak ang leeg ko at hinalikan ako.

"I love you so much, Tae."

***************

eto na po keke~

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now