Kinain ko muna ang cake ko bago sumagot.

"Hindi niya na kailangan malaman. Dahil wala rin naman yun sa kanya."

Wala na yun sa kanya kung sasabihin ko iyon o hindi, alam ko na yun at nararamdaman ko.

"Anong wala? Eh asawa mo-------"

"Shut up, Paculan! Hindi ko siya asawa, okay?"

Nakakairita ang word na 'asawa mo' tapos ang tinutukoy si Gerald. Badtrip!

"Eh ano mo? Kabit?"

Mataray na tanong ni Mary Love. Tinaasan ko ito nang kilay.

"Hell no! Hindi ako bitch para magkaroon nang kabit no!"

Malalandi lang ang may kabit. At hindi ako kabilang doon, tsk.

"Bakit mo tinatanggi na asawa mo si Gerald?"

Tanong naman ni Janine. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Hindi lang naman ako. Pati rin naman siya. Hindi namin tanggap na mag asawa kami, dahil arrange marriage lang ito. Ibig sabihin, biktima lang kami. Kaya nalagay kami sa sitwasyon na hindi namin parehas ginusto."

"Parang SOCO lang?"

"Wala ka talagang kwentang kausap, Alcera!"

Singhal ko rito nang sabihin niya iyon. Gigil talaga ako nang babaeng ito. Actually silang dalawa ni Mikaela.

"Meron kaya!"

Napairap nalang ako sa sagot niya at ininom nalang ang natitirang cappucinno ko.

"Bakit mo sinabi sa mga babaeng naglalandi kay Gerald na wag na wag silang lumapit. Kung ayaw nilang mamatay. Dun palang, parang tanggap mo na may relasyon talaga kayo."

Sabat ni Janine, na ikinatulala ko at naalala ko ang pangyayaring iyon sa parking lot nang bar.

"Any reason about that?"

Tanong rin ni Crizza. Pero hindi ako makasagot. Anong isasagot ko?

Kaya sinabi ko iyon dahil gusto ko siya?---  diyan palang, kasinungalingan na!

"H-umingi kasi siya nang tulong sakin. Eh yun nalang ang naisip kong paraan para lubayan na siya nang mga babaeng iyon."

"With holding his hands?"

Patanong na sabi ni Crizza. Napakagat ako sa labi. Ewan ko kung bakit ko hinawakan ang kamay niya. Parang may nagtutulak talaga sakin na hawakan iyon, kaya ginawa ko.

"Doon palang, kahina hinala na. Dahil hindi ka gagawa nang eksena. Na kailangan pang ipamukha sa mga babaeng iyon na may relasyon kayong dalawa."

Sabi ni Janine na ikinayuko ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin o idadahilan ko! Damn it!

"Nung naging kayo ni Lance ay hindi ka ganyan. Nahihiya ka pa ngang maglakad kasama siya, hawakan ang kamay niya in public, makipagtitigan in public o anumang PDA, ayaw mo. But nagawa mo iyon dahil lang sa paghingi niya nang tulong? Kakaiba."

Pailing iling pang sabi ni Mikaela. It's true. Nahihiya kasi ako kapag may tumitingin sa akin na mga babae o lalaki sa tuwing magkasama kami and by doing those stuffs. At si Lance ang first boyfriend ko. Naghiwalay kami dahil hindi niya na daw ako mahal. And it hurts a lot!

Kaya nagdesisyon ako na lumipat nang school. Para hindi ko na siya makita pa. Para madali rin akong makalimot.

"Sige, sabihin na nating humingi siya nang tulong sayo. Pero wala naman siyang sinabi na yun ang gawin mo. Kaya nang masaksihan namin ang pangyayaring iyon, gulat talaga kami. Unexpected kasi. Kung ganyan ang ginawa mo kay Lance dati, hindi ka niya sana iiwan."

Sabi naman ni Mary Love. Gulong gulo na ako! Kaya tumayo ako at patakbong umalis doon.

"KEITH!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag nila. At dire- diretso lang ang takbo ko. Hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito. Pero bahala na, kung saan ako dadalhin nang paa ko.

Hanggang sa mapahinto ako sa garden. Maraming mga iba't ibang uri nang bulaklak at halaman na naririto. May fountain pa sa gitna. Pero wala man lang gaanong estudyante.

Sumandal ako sa malaking puno at doon namahinga. Gusto kong ma refresh ang utak ko. Ayoko nang maalala pa ang nakaraan na dapat nililimot ko na..

Dahil masakit na maalala ulit ang taong minahal mo, pero sinaktan ka lang. Di ko namalayang tumulo nanaman ang luha ko. Marahas kong pinunasan iyon, pero diretso parin ito sa pag agos! Kainis!

"Bakit ba ako umiiyak?! Dapat hindi ako umiiyak dahil lang diyan sa pesteng Lance na iyan! Badtrip naman oh!"

Isinubsob ko nalang ang aking mukha sa tuhod ko. Kahit anong punas ko sa luha ko, wala paring effect.

"Miss, can you please shut your mouth?! Im fucking sleeping here!"

*---------------------

Vote and Comment Guys!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now