"Accompany your husband------"

"Manager!"

Inis kong sigaw ng sabihin niya yung 'husband'. Siya palang kasi ang nakakalam na asawa ko yang peste na yan. Pero itong mga ka banda at barkada ko ay hindi nila alam. Dahil hindi ko talaga pinapasabi. Eh kasi naman, pansamantala lang ito. 3 months lang, pagkatapos ng 3 months divorce na. Yan ang napagkasunduan naming dalawa. At isang linggo pa nga lang kaming magkasama, hindi na talaga kami magkasundo. Kaya paano pa kapag umabot kami ng taon diba? Edi puro peklat ang katawan namin dahil sa bugbog at sugat na matatamo namin kapag maghahagis kami ng gamit.

"Husband?!"

Sabay sabay nilang tanong sakin. Maging si Crizzel na patulog tulog ay nagising ang diwa nang marinig niya ang 'husband' thing. Imba talaga!

"As in asawa?!"

Paninigurado pa ni Mikaela, binatukan naman ito ni Mary Love. Kaya inis niya itong nilingon.

"Malamang! Asawa yun! Imposible namang maging 'kabit' ang 'husband'. Boploks!"

Aamba pa ito nang batok kay Mikaela nang humarang na si Janine.

"Tigil na, okay?... But Keith, totoo----"

"Yes. Totoong asawa niya ako at asawa ko yan. Hindi lang halata dahil titibo tibo yan."

Sinaman ko nang tingin ang peste ng buhay ko nang sumabat ito. He just shrugged his shoulder and smirked to me. Buset ka talaga!

(O_O) --------- Silang apat

"Seryoso?!"

"Talaga?!"

"What?!"

"Weh?!"

Sabay sabay nilang singhal sakin na ikinaatras ko pa dahil lumapit pa sila sakin at mga nakasigaw pa. Mga baliw lang.

"Masama man sa loob ko pero totoo ang sinabi ng gagong yan."

Sabay turo ko kay Gerald na pangisi ngisi lang sakin. Bwisit ka talaga! Bwisit! Mamaya ka lang sakin pag uwi sa bahay.

"Ooppss! Mamaya na yan.. Mag perform na kayo at baka naiinip na ang ibang customers sa baba. And Keith, yung asawa mo! Goo naaa!!"

Kumaway nalang ako sa kanya at nauna nang maglakad at hindi na hinintay ang kasama ko pati si Gerald. Nang makababa ako ay napalingon ako sa likuran at pinagkakaguluhan nang tatlo si Gerald. Seriously?! Kailangan may pahawak sa braso niya kapag bababa sila ng hagdan? At kailangan may nakahawak pa sa balikat niya para alalayan siyang makababa?!

Nang tuluyan na silang makababa ay tumingin lang sila sakin. Napataas nalang ang kilay ko.

"Ang gwapo mo talaga, Gerald!"

"Hehehe hindi naman, pero salamat.."

Pa humble pa si kuya! Lugi pa?! Tss.

"Ang cute mong ngumiti! Pa-rectangle ang hugis. Cute!"

"Hehehe"

May rectangle bang ngiti?! Abnormal ba si Mary Love para sabihin iyon?! Ginawa niya namang alien si Gerald!

Even if I die, It's You (COMPLETED)Where stories live. Discover now