Kabanata 13

6.9K 95 3
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong sumabay samin, Harley?" Marahan akong umiling sa bestfriend kong si Maggie, "No. Really, Maggie. Okay lang talaga. Besides, gusto ko din munang mamasyal e." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. ainihatid ko nalang sya sa sasakyan nya.

"O sya, sige. I'll go ahead na." Paalam nya bago pumasok sa loob ng kotse. Kumaway nalang ako sa kanya at hinintay na makaalis sya ng tuluyan.

Nang malayo na ang sasakyan nya ay tumalikod na ako nagsimulang maglakad-lakad. Alas kwatro na ng hapon. Magandang mamasyal dito sa Boston Park kapag ganitong oras. Malilom na kasi, at saka, wala na masyadong tao dahil dismissal na ng mga klase.

Nang may nakita akong bakanteng bench ay agad akong lumapit doon at naupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid.

Boston Park is one of my favorite places. Tahimik kasi dito, presko, and very serene. Sariwa din ang hangin dahil napapaligiran ang buong park ng madaming puno.

"Hija," Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang matandang lalaki na may tulak-tulak na kariton. "Gusto mo ba ng fishball?" Nakangiting tanong nya sakin. Napatingin ako sa kariton na tulak nya at nakitang may mga streetfoods na nasa loob nun.

Ang totoo, hindi naman talaga ako kumakain ng mga streetfoods. Pinagbawalan kasi ako ng parents ko dahil masama daw yun sa katawan. Pero mukha namang malinis eh.
At saka, nakakaawa din naman itong matandang nagtitinda.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Sige ho, Manong. Magkano po ba?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha sa bag ang wallet ko.

"Piso-dalawa lang naman, hija." Sabi nya.

"Sige. Pabili nalang ho akong samupung pisong fishball, at sampung pisong kwek-kwek." Sabi ko at saka kumuha ng isanlibo.

"Oh sige." Sagot ni Manong at nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko syang naglalagay na ng fishball sa isang plastic cup. Isinunod nya ang kwekwek sa bukod ng plastic cup, at saka iniabot sakin, "Ito, hija."

Nakangiti ko naman iyong inabot mula sa kanya, at inilagay sa tabi ko, "Eto po ang bayad ko." Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya iyong one thousand bill na hawak ko.

Napakamot sya sa ulo. "Naku, hija. Wala ka bang mas mababa dyan? Wala pa kasing dalawandaan ang maiipang-sukli ko sayo eh."

Ngumiti lang ako sa kanya at inabot ang kamay nya. Inilagay ko doon ang perang hawak ko at isinarado ang palad nya. "Sa inyo na ho iyan, Manong. Wag nyo na po akong suklian." Sabi ko sa kanya.

"N-naku! Hija! Salamat ng madami! Napakabuti mo namang bata! Wag kang mag-alala, sa susunod na magkita tayo, libre ka na sa paninda ko. Kahit gaano kadami ang kunin mo, basta wag mo lang uubusin." Naiiyak pero nakangiting saad ni Manong habang mahigpit nyang hawak ang kamay ko. Tumango nalang ako sa kanya.

"Sige, hija. Aalis na ako. Siguradong matutuwa ang asawa ko nito dahil mabibilhan na namin ng gamot ang bunso naming anak." Paalam nya at saka nagsimula nang itulak muli ang kariton nya, habang ako naman ay pinanood na lamang sya.

Nakakaawa naman sya.

 Napatingin ako sa dalawang plastic cup na nasa tabi ko. Now the question is, kakainin ko ba to? Mukha namang malinis eh. Tsaka sabi nung mga kaklase ko, masarap daw ang streetfoods.

Kinuha ko yung stick at tumusok ng isang piraso mula sa mga fishball na nasa loob ng plastic cup. Medyo mainit pa iyon kaya hinipan ko muna, at saka isinubo. At sumubo. At sumubo ulit.

Tumusok din ako ng kwek-kwek. Masarap nga! Tumusok ulit ako ng isa at nasa kalagitnaan na ng ere ang isusubo ko nang may narinig akong nagmura sa gilid, "FUCK!"

Isinubo ko ng tuluyan yung kwek kwek at lumingon sa tagiliran ko. At halos iluwa ko iyong nasa bibig ko nang na-realize kung sino iyong nagmura.

Rain Salvador.

The Mighty Rain Salvador.

Ang isa sa pinakasikat na estudyante sa University na pinapasukan ko. He's two years older than me. Nasa senior year na sya ngayon, BusinessAd. At isa sa pinaka-bad ass na estudyante din sa kasaysayan ng university namin.

Napalingon sya sakin at nagsalubong ang dalawang kilay nya. "WHAT THE FUCK ARE YOU LOOKING AT?" Sigaw nya na gumulantang sa buong sistema ko.

Way to go, Harley! Now, what to do? What to do?

Napakurap ako ng ilang beses at nilunok ang pagkain sa bibig ko. Pagkatapos ay dinampot ko ang dalawang plastic cup na katabi ko, at iniaro iyon sa kanya. "Gusto mo ba ng fishball? O ng kwek-kwek?" Tanong ko sa kanya.

My hands are shaking really bad. Tiningnan nya lang ako, tapos ay ang mga kamay ko na may hawak na dalawang plastic cups na naka-aro sa kanya.

Then the most unexpecting thing happened- he looked into my eyes, and he smiled.

At bigla nalang parang may mga granada at atomic bombs na sumabog sa dibdib ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.



Salvador Brothers Presents: RAINHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin