Kabanata 19

7.2K 119 1
                                    

"I'm still engaged, Rain." Utas ko.

Napabuntong-hininga sya at nag-iwas ng tingin, "I know. I just...fuck, why are we so messed up?" Ginulo nya ang kanyang buhok. He looked so frustrated.

Napatungo nalang ako. Kahit naman ako e. Nafu-frustrate din. I love him, he loves me. But we still can't be together because I am still engaged to Leo.

"Can I ask you something?" Iniangat ko ang mukha ko kay Rain nag marinig ang halos pabulong na tanong nya.

He wasn't looking at me. Instead, kinuha nya ulit ang dalawang kamay ko at ipinaloob iyon sa mga kamay nya. He looked down at pinagmasdan nya ang mga kamay namin.

"Uh. Okay." Alanganing sagot ko. Kumalabog ang dibdib ko. Di ko alam kung bat ako kinakabahan sa itatanong nya. Siguro kasi, sobrang seryoso nya kahit di sya makatingin sakin.

Ilang beses syang humugot ng hininga at saka pinakawalan iyon. Saglit syang tumingin sakin na parang nag-aalinlangan din sya kung magtatanong ba sya o hindi.

Nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay agad syang nagbawi ng tingin at pinagdiskitahan nya ulit ang mga kamay namin.

"D-did you love him? Si...yung fiance mo, I mean." Mahina lang ang boses nya. Parang takot talaga syang itanong.

Hindi pa din nya ako tinitingnan. At least that's a good thing for me.

Pabor sakin, kasi kung nakatingin sya sakin, sigurado akong hindi ako makakasagot ng honest sa kanya.

Nakagat ko ang labi ko at tumango, kahit alam kong di nya naman ako nakikita.

May bumara sa lalamunan ko. Kinailangan ko pa talagang lumunok para lang kahit papano ay may lumabas na boses sa bibig ko.

"Yes. Yes, I did. I loved him. Hindi naman ako sasagot ng oo sa marriage proposal nya kung hindi ko sya minahal e." Sagot ko. Mahina din ang boses ko.

Magkaharap lang naman kami e. Tsaka, di ko din makakayang sabihin iyon ng malakas. Ang hirap kayang aminin sa kanya. Lalo pa't alam kong masasaktan sya.

Napasinghap sya sa sinagot ko. Humigpit ang pagkakakuyom nya sa mga kamay ko.

"M-mahal mo pa din sya? Hanggang ngayon?" Nangangatal ang boses nya. Tumunghay sya at tumingin sakin. Mapungay ang mga mata nya.

Tinitigan ko din sya. Nag-debate na ang puso at utak ko kung sasagutin ko ba ang tanong nya. In the end, tumango ako ng marahan.

"Fuck." Sabi nya at saka nag-iwas ng tingin. May lumandas na luha mula sa kanang mata nya. Agad nya iyong pinunasan at saka marahang umiling, "Akala ko okay lang marinig. Bullshit, masakit pala." Sabi pa nya.

Tumawa sya. Yung tawang pilit. Yung tawang may halong pait.

Tinusok agad ang puso ko. Kainis, bakit kasi nagtanong pa sya? Sinabi ko lang naman iyong totoo kasi ayaw kong magsinungaling sa kanya.

Hinigit ko yung kamay nya at hinalikan yun. Inilagay ko pa iyon sa pisngi ko at saka ako pumikit. I wonder how something wrong can feel this right.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko syang nakatingin sakin. His eyes mirrored mine- torn, confused, yet inlove- I am sure of that.

"I loved him- and I still do- because he was the one who helped me when I was nothing but a piece of crap, Rain. But what I feel for him is nothing compared to what I've always felt for you." Seryosong sabi ko.

Nakatingin lang sya sakin. Yung tingin na halos tumatagos sa buong pagkatao ko. Parang gusto nyang malaman kung totoo ba yung sinasabi ko.

Kinuha ko yung isa pa nyang kamay at inilagay din iyon sa mukha ko. Ngayon, nakalagay na ang mga kamay nya sa magkabilang pisngi ko.

Ako naman ay ganun din ang ginawa sa kanya. Tinitigan ko sya ng diretso sa mata.

"I love you, Rain. Yung pagmamahal ko sayo, it's something that is even beyond forever." Puno ng sinseridad na sabi ko. My eyes began to water. Ganun din sya.

"Damn! Kinikilig ako sa banat mo, sweetheart." Sabi nya.

"You're ruining the moment!" Ngumuso ako at inalis ang kamay ko sa mukha nya. Aba't ang mokong, tinawanan lang ako!

Nag-cross arms nalang ako at inirapan sya. Bwiset na lalaking to!

Agad naman syang tumigil sa pagtawa. Napansin nya sigurong busangot na ang mukha ko at magkasalubong na ang mga kilay ko.

Tumikhim sya, "Hey." Tawag nya sakin. Hindi ako lumingon. "Sweetheart..." Kinulbit nya ako pero hindi pa din ako lumingon.

Humiga ako sa kama at tumalikod sa kanya. Nakakainis! "Hey, sorry na." Panunuyo nya sakin. I rolled my eyes. Sorry, my ass! Magsawa ka dyan! Hmp.

Kinulbit nya ulit ako. Nung hindi pa din ako lumingon ay naramdaman ko ang paglubog ng kama sa likod ko. Humiga na din sya at hinapit ako sa beywang. Hinila nya ako palapit sa kanya.

"I love you. Sorry na." Malambing na sabi nya at saka ako hinalikan sa pisngi. Nakiliti ako at kinilig ng sobra pero di ko yun pinahalata.

Magapapakipot muna ako. Nakakainis kaya iyong ginawa nya.

Pinilit kong ikunot ang noo ko kahit ang totoo ay naghuhurumintado na ang puso ko sa kilig dahil hindi sya tumitigil sa paghalik sa pisngi at may tenga ko.

Kinagat ko nalang ang labi ko ng madiin para pigilin ang sarili ko sa pagtawa.

Pilit kong inalis yung kamay nya sa beywang ko. "Bitaw nga!" Sabi ko. Hindi naman sya sumunod. Hinigpitan nya lang lalo ang pagyakap sakin, "Ayoko."

"Ano ba, Rain? Bitaw nga kasi!" Sabi ko. Marahas kong kinalas ang sarili ko mula sa kanya at saka hinapit ang kumot pabalot sa katawan ko. Mabilis akong tumayo sa gilid ng kama.

Tumayo din sya agad. "H-Harley, sorry na oh." Sabi nya. Basag ang boses nya kaya napalingon ako.

Napanganga nalang ako at nanlaki ang mga mata nang nakitang nakasubsob ang mukha nya sa mga palad nya. Umaalog din ang balikat nya.

"O-oy, Rain!" Tawag ko sa kanya. Hindi sya tumunghay. Nanatili lang sya sa ganung posisyon, kaya ako na yung lumapit sa kanya.

Iniangat ko ang ulo nya at nakitang basa na iyong magkabilang pisngi nya. "Ba-bakit ka umiiyak?!" Gulantang na tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya at hinila ako para yakapin. Hindi na ako nagpumiglas. "Sorry na, Harley, sweetheart. Hindi na mauulit yun, promise. Di na ko tatawa. Wag ka lang magalit sakin. B-baka kasi, umalis ka. Baka iwan mo na naman ako e." Sabi nya habang mahigpit akong niyayakap.

I mentally slapped myself. Is he freakin' serious? Dahil lang doon?!

"Hindi naman ako galit, Rain. Ano...nag-iinarte lang naman ako. Yun. Joke lang naman yung kanina. Tsaka, bat ako aalis? Ano..bahay ko kaya to." Sabi ko nalang.

Niyakap ko nalang din sya.

Para tuloy gustong matunaw ng puso at mga lamang-loob ko! Letse.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa na-realize ko.

Rain Salvador's freaking in love with me. And I freakin' in love with him too. Hell be damned!

~~

Hey, yow! Malapit na tong matapos. Start na tayo ng countdown. Lol. More or less thirty chaps lang po kasi ito. So ayun. Intayin nalang po natin yung mga susunod na mangyayari. Sa ngayon, di muna ako magpo-post ng UD sa story ni Storm, para makapag-focus ako dito kay Rain. I have to say this, guys. You should expect the unexpected. LOL!

So ayun lang po! SALAMAT ng madami sa lahat ng sumusuporta sa mga stories ko, especially dito sa Salvador Brothers Presents Series. As of today, July 16, 2014, meron na tayong more than 3.3K reads. Tuloy lang po tayo. Haha!

GOD BLESS!

-YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now