Kabanata 26

5.5K 63 0
                                    

Part One:

Kadadating ko lang dito sa Canada two days ago and ever since ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko. Dinadalhan lang ako ng pagkain pero madalas ay hindi ko naman iyon nagagalaw. Palagi lang akong nakahiga sa kama ko o kaya naman ay nakatanaw sa bintana.

Katulad ngayon.

Nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko habang nakatulala sa daliri ko kung saan nakasuot pa din ang engagement ring na ibinigay sa akin ni Rain. Hanggang ngayon ay suot ko pa din ito. Nasaktan na ako ng todo at umiyak ng sobra but I still couldn’t bring myself to take this out of my finger.

“Is it always going to be like this? Ganito nalang ba ito habambuhay? Do I have to bear this pain forever?” Wala sa sariling tanong ko habang nilalaro ang singsing ko. Nanlalabo na naman ang mga mata ko dahil sa mga pesteng luha na namumuo na naman sa gilid ng mga ito. Nagtataka na nga ako kung bakit hanggang ngayon ay may tubig pang naiilabas ang mga matang ito gayong raw-araw na akong umiiyak. Hindi ko nga inaabala pa ang sarili ko sa pagtingin sa salamin because I know I look really terrible.

Ang hirap. I want to forget everything pero hindi ko magawa. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko yung imahe nina Rain at Maggie. And the pain would come back again. Hanggang sa malunod na naman ako sa sarili kong mga luha.

Nakakapagod. Pero hindi ko naman alam kung paano tumigil.

Paano? Do I have tear my heart out of my chest para lang di ko na maramdaman itong sakit na ito? If that’s only possible, I would’ve done it since day one.

Ano?  Kulang pa ba yung iniluha ko? Bakit ganun? Tuwing umiiyak ako pakiramdam ko  kahit katiting ni hindi man lang nababasawan yung sakit. Ganun ba talaga yun?

Nagmahal lang naman ako e. Yun lang. Nagmahal lang ako. At nagtiwala.  I’ve given all my love. Ibinigay ko lahat ng meron ako pero nagawa nya pa din akong saktan ng ganito? Tangina.

“Anak…” Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at tumunganga lang habang unti-unti iyong bumubukas. Dumungaw si Mama at nang nakita nya ako ay pumasok na siya sa kwarto. Pinanood ko lang sya habang lumalapit sya sa akin. Tahimik syang umupo sa gilid ng kama ko. Iginala nya ang kanyang paningin sa loob ng aking silid. Iiling-iling syang bumaling sa akin.

“Your room looks like a total mess.” Aniya.

“Yeah. A mess. Just like me.”  Wala sa sariling sagot ko. Naramdaman ko ang mga kamay ni Mama sa balikat ko kaya maang akong tumingin sa kanya. She was crying, just like me. At hindi mahagilap ng isip ko kung bakit umiiyak din sya gayong hindi nya naman nararanasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

“I’m sorry, anak. I’m so sorry.” Aniya habang patuloy sa paghikbi. Tuliro ako habang nakamaang lang sa kanya. Ang mga kamay nya ay naglalakbay sa katawan ko. Pabalik-balik ang paghaplos nya sa aking mukha, hanggang sa aking mga braso.

“I’m sorry dahil wala akong magawa para maibsan manlang ang sakit na nararamdam mo, anak. I’m so sorry!” Ikinulong nya ang aking mga kamay sa kanya at inilagay ang mga iyon sa kanyang pisngi na basang-basa na dahil sa mga luhang masaganang lumalandas mula sa kanyang mga mata.

“Please anak, please, talk to me. Kausapin mo naman ako. I have to know just how exactly you are doing. Please anak…” Pagmamakaawa nya.

Talk. That’s one of the things I’ve avoided since that incident happened.

When I woke up in the hospital ay hindi na ako nagsalita. Lahat sila ay nagtatanong kung anong nangyari pero wala akong lakas ng loob para sagutin ang mga tanong nila. Maging ang pagkumpirma sa kalagayan ng anghel sa sinapupunan ko ay hindi ko na nagawa.

Para saan pa? Alam ko naman na e. Mas lalo lang akong masasaktan kapag narinig ko ang katotohanan mula sa kanila. Mas lalo lang magiging mahirap para sa akin ang tanggapin na patay na ang anak ko.

Namatay sya na hindi man lang nalalaman ng ama nya ang tungkol sa kanya. Namatay sya na hindi ko manlang sya nabibigyan ng pangalan. Namatay sya na hindi man lang naririnig kung gaano ko sya kamahal. Namatay sya na hindi ko manlang naipaparamdam kung gaano ako kasaya na nabuo sya sa sinapupunan ko.

Lahat ng bagay na pinangarap ko para sa kanya mula noong malaman kong dinadala ko sya, lahat iyon ay nawala. Lahat iyon ay naglahong parang bula. Nawala sya sa akin at hindi ko iyon matanggap. Hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit sya namatay.

Gabi-gabi, napapanaginipan ko ang sarili ko na naghahabol sa umiiyak na sanggol. And every night, I cried. Dahil palagi kong naaalala ang itsura ko noong gabing yun. I was wearing my wedding gown and I was covered with blood. My baby’s blood.

Kaya ako sumama papunta dito sa Canada. Because I want to move on. Because I want to live again. Pero paano? Na sa tuwing pinipilit kong ngumiti, wala akong ibang naalala kundi ang pagkamatay ng anak ko. And I would realize, wala akong karapatang maging masaya dahil hinayaan kong mamatay ang sarili kong anak. And then it would all boil down to me kung gaano ako ka-walang kwenta. I should have never lived. Kung sana ay namatay na din ako kasabay ng anak ko, then I wouldn’t have to suffer this way.

“Was I that bad? Was I that bad to deserve this kind of pain?” Tanong ko, more likely to myself.

“No! Don’t you ever think that, Harley. You were never bad. Never.” Umiiling na kontra nya. She caressed my face and hugged me tight. “You should be strong, Harley. You’re not alone. We’re still here. Me and your Papa. We’ll always be here for you. But you have to let us in. We can’t help you kung ikaw mismo ay hindi willing na tulungan ang sarili mo.”

--

Next week ko na po ipo-post yung part 2. Ciao!

-YanaCabralCalangi 

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now