Kabanata 11

7.3K 120 1
                                    

I've been standing in front of Rain's office for minutes. Nanlalamig ang mga kamay ko at maging ang buong sistema ko ay nayayanig dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Buong byahe ko papunta dito ay pinag-isipan kong mabuti kung ano ang tamang gawin. No matter how much I try to think of something else that would work out perfectly for the three of us without anyone getting hurt ay wala akong maisip. Anuman ang gawin ko, sinuman ang piliin ko, mayroon pa ding masasaktan.

"Harley?" Agad akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Lian na nakatayo at nakangiti sakin. Mukha pa syang nagulat na nandun ako. "Lian!" Nakangiting bati ko din at tuluyang humarap sa kanya. "Dito ka na din nagtatrabaho?" Tila hindi makapaniwalang tanong nya habang lumalapit sakin. Napatango nalang ako sa kanya. "Really? Hindi kasi kita nakikita dito eh. Saang department ka ba?" Tanong nya nang halos isang dipa nalang ang layo namin. Napakamot ako sa ulo. "Err. Ano...kasi, asisstant ako ni ano... ni Mr. Salvador."

"Ah ganun ba? Naku! Ang swerte mo naman pala! Araw-araw mo syang nakakasama!" Nakagat ko ang labi ko habang sya naman ay tumatawa. Kung alam mo lang! Napailing nalang ako at tipid na ngumiti. "O sya. Pupunta na ako sa department ko ha? See you around na lang!" Paalam nya at saka nagtatakbo na papunta sa elevator. Naiwan akong nakatunganga doon.

Muli kong hinarap ang office nya at hinawakan ang seradura ng pinto. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panginginig ng mga kamay ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. At kung hindi ko ito tatapusin agad ay baka maging yelo na ako dito.

Pinihit ko ang door knob at pumasok sa loob ng office. Tahimik ko iyong isinara ulit. Diretso ang mga lakad ko papunta sa working table ni Rain. Agad na dumapo ang tingin ko sa kanya na pirinting nakaupo at binabasa ang isang folder. He was wearing a grey polo and he looked so damn good on it. Naramdaman ko na naman ang pagwawala ng mga bwitre sa tiyan ko.

Tumigil ako sa harapan nya at mahigpit na hinawakan ang shoulder bag ko. Tumingala sya at diretso ang tingin sa akin samantalang ako naman ay agad na nagbaba ng tingin. Ipinokus ko ang mga mata ko sa sahig.

"Good morning!" Saglit ko syang sinulyapan at nakita ko ang ngiting nakapaskil sa gwapo nyang mukha. Damn it, Rain. Stop smiling! You're making this harder for me! Agad kong ibinalik ang tingin ko sa sahig.

Naramdaman ko syang tumayo at umikot sa table nya hanggang sa nasa harapan ko na sya. Nagulat ako nung hinawakan nya ang magkabilang balikat ko atbigla akong hinila para yakapin. Nag-marathon kaagad ang puso ko. Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko.

"Kanina pa kita hinihintay." Malambing na utas nya bago nya iniwalay ang katawan sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at humakbang palayo sa kanya.

"Harley? Sweetheart, may problema ba?" Nagtatakang tanong nya. Nakagat ko nang mariin ang labi ko. Tiningnan ko sya. How can he look so damn perfect even through the years? Parang mas na-define pa nga ang features nya ngayon kaysa dati.

Come on, Harley. Stop oggling! Get a grip of yourself, okay? You have to focus. You have to do this.

Dinungaw ko ang bag ko at kinuha mula doon ang isang papel. Marahas akong bumuntong-hininga at bumaling sa kanya. Iniabot ko ang papel na hawak ko.

Nangunot ang noo nya at bakas ang pagtataka sa mga mata nya. Iniaro ko ulit sa kanya ang papel na kinuha din naman nya habang nakatingin sakin.

Lumapat ang kamay nya sa akin at agad akong bumitaw. Sa tindi ng kuryenteng gumapang sa katawan ko, pakiramdam ko ay masusunog ako.

Crap! My feelings for him are getting out of hand. Ngayon, kahit papaano'y ramdam kong tama ang naging desisiyon ko.

Narinig ko ang pagsinghap ni Rain. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko kung gaano kalapit ang mga kilay nya sa pagiging isa. Nanuwid ang mga labi nya.

Bumaling sya sa akin. "What the fuck is this, Harley?" Galit na utas nya. Napapikit ako dahil sa pagdagundong ng boses nya sa buong office. "I'm asking you. What the fuck is this?"

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa lalim ng titig nya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na nagmumula sa katawan nya. Nakakapanghina.

Napapikit ako at humugot ng lakas para lang mabigyan sya ng sagot. "I'm resigning, Rain. And I want it effective today." Mabilis ang pintig ng puso ko. Para itong kabayo na nakikipag-unahan sa karera ng pagtakbo.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now