Kabanata 29

4.6K 57 0
                                    

Hapon na din nang matapos iyong program. Pagkatapos kong tumulong sa paglilinis sa function hall ay nagprisinta na akong bantayan ang mga bata sa kanilang kwarto. Isang malaking silid lamang yun kung saan natutulog ang dalwampu't walong batang inaalagaan namin dito sa oprhanage. Nang dumungaw ako doon ay nakahiga na sila sa kani-kanilang higaan at  mahhimbing na natutulog, marahil dahil na din sa pagod.

Tahimik akong pumasok sa loob ng kwarto nila at dahan-dahang pinulot ang mga laruan nilang nakakalat sa sahig. Pati mga balat ng candy at snacks ay kalat na kalat. Matapos kong pulutin ang mga kalat ay iniayos ko na din ang mga hinubad nilang damit na basta na lamang inilagay sa basket. Dadalhin ko na ito sa laundry para matuyo na kaagad bukas.

Nang masigurong malinis na ang kwarto ay binitbit ko na yung basket at pumihit palabas ng kwarto. At halos mapasigaw ako nang makita doong nakatayo at nakasandal sa may pintuan ang isa sa mga guest of honors kanina sa program. Nakahalukipkip siya at tahimik akong pinapanood.

Pumasok na sya sa loob at magaan ang paang lumapit sa akin. "Sorry, nagulat ba kita?" Pabulong nya sabi. Umiling ako at inayos ang pagkakabitbit ko sa medyo mabigat na basket na dala ko. Nang napansin nya ang galaw ng kamay ko ay humawak din sya sa basket at marahang inalis iyon sa akin. "Ako na."

Umiling ako. "No, it's okay. Kaya ko naman." Sabi ko. "I know. But this is still heavy. A girl like you shouldn't be doing stuffs like this." Aniya nang tuluyan nang naagaw sa kamay ko yung basket. Hindi na ako tumanggi. Pasalamat pa nga ako dahil dinala nya, medyo mabigat din kasi iyon. Pero syempre, di ko nalang sinabi.

Pinanood ko sya habang inaayos ang pagdadala sa hawak nya. "Saan ba ito dadalhin?" Tanong nya sa akin.

"Laundry."

Tumango sya at tiningnan ako. Kumunot ang noo ko. "Well, would you lead the way, madame?" Nakangiting saad niya.

Tumango lang ako ulit at tahimik na naglakad palabas ng kwarto. Dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa Laundry Area habang tahimik din syang nakasunod sa akin. Nang makarating kami doon ay nagbukas agad ako ng detergent powder at ini-on yung washing machine. Binalingan ko sya at itinuro ang maliit na lamesa sa tabi ng washing machine. "Pakilagay nalang dyan niyang basket. Thanks."

Tahimik syang sumunod. Pagkalapag nya sa basket ay iniangat ko na ang cover ng washing machine at ni-shoot doon ang mga de-kulay na damit. Inihiwalay ko na iyong mga puti. Ibababad ko muna ang mga iyon at mamaya ko nalang kukusutin.

Nang lingunin ko sya ay naroon pa din sya at tahimik na nanonood sa akin. Bakit hindi pa umaalis ang isang ito?

Nang mailagay ko na ang lahat ng de-kulay doon ay ibinaba ko na yung cover at pinindot ang ilang buttons doon para magsimula na itong umandar. Nang umikot na yung spinner ay bumaling ako sa kanya at pinagtaasan sya ng kilay.

"Bakit?"

"Huh?" Aniya. Tumalikod ako sa kanya at inasikaso ang pagbababad ng mga puting damit sa palanggana. "You're not yet leaving?"

Saglit ko syang sinulyapan at nakita kong nanlaki pa ang mga mata nya sa tanong ko. Nangunot ang kanyang noo. "Huh?" Tanong nya sa akin. Hindi nya ako naintindihan?

"Tapos na yung program. Hindi pa ba kayo aalis?"  Kanina po umalis sina Mr. Tan at Miss Hara. Akala ko pati sya ay kasama.

"Pinapalayas mo na ba ako?" Medyo natatawang tanong nya sa akin. Nagkibit lang ako ng balikat. "Hindi naman. Tinatanong ko lang kung bakit nandito ka pa. Wala naman akong natatandaang sinabi kong umalis ka na, meron ba?"

Humagalpak sya ng tawa sa sinabi ko. Huh? Baliw na itong lalaking ito? Hindi naman joke yung sinabi ko ah, bakit sya tumatawa? Natapos na ako sa ginagawa kong pagbababad ng damit ay tumatawa pa din sya.

"Pft! Haha! S-sorry! Hahaha! Sorry talaga! It's just that...you're funny. Sorry!" Aniyangcpinipigil ang pagtawa nang napansing maang akong nakatingin sa kanyang halos mautas na sa pagtawa.

"Funny? Mukha ba akong clown para matawa ka?"

Tumigil sya sa pagtawa pero nanatili ang ngiti nyang abot tenga sa kanyang mukha. Umiling sya at tiningnan ako. "No, hindi ka mukhang clown. In fact, you look like an angel who came down from heaven." Aniya. "I'm Leo, by the way. Leo del Valle." Ini-extend nya ang kanyang kamay sa akin.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba yung kamay nya o hindi. Pero nung naalala kong asset nga pala sya ng orphanagage ay tinanggap ko nalang yung kamay nya. "Harley. Harley Raymundo."

Salvador Brothers Presents: RAINHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin