Kabanata 14

6.7K 111 1
                                    

It's been two days since I resigned. Panay ang mga texts at tawag ni Rain sakin , pero maski isa ay wala akong sinagot. My phone has been turned off since yesterday. Even my e-mail account was flooded by unread mails- mostly from Rain, and the some were from Leo. Yes, even Leo can't contact me.

Dalawang araw na din akong hindi lumalabas. I am just so fucked-up.

Sana kasi nung una palang, umiwas na ako. Sana nung una palang, tumanggi na ako. Sana. Sana. Puro nalang sana.

Napabalikwas ako nung narinig ang sunod-sunod na tunog ng doorbell ko. Hahayaan ko nalang sana, kaya lang talagang persistent yung pagdo-doorbell.

Napakamot nalang ako ng ulo at pinilit na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sahig. Naglakad ako ppapunta sa kitchen at naghilamos muna, at nagsipilyo na din.

Delaying tactics. Hinhintay ko kasing tumigil yung pagtunog ng doorbell ko, pero hindi pa din e. Kaya pagkatapos kong mag-toothbrush ay ipinusod ko ang buhok ko pataas, habang naglalakad ako papunta sa pinto.

Mataas ang gate ng bahay na tinitirhan ko, kaya kailangan ko pang buksan yung gate para lang makita kung sino ang bisita ko.

Di bale, magpapa-install nalang ako ng camera doon sa may doorbell. Yung parang ganun sa mga condominium units ng mga Koreano.

Kinusot-kusot ko ang mata ko habang binubuksan yung gate.

"Harley." Napamaang ako nang makita kung sino ang bisita ko.

"M-mamang." Utas ko.

Ngumiti sya sakin, pero kapansin-pansing hindi umabot sa mata ang ngiti nya, "Can we talk?"

Napakurap ako at napatango nalang.

Binuksan ko ng tuluyan ang gate ko, at hinayaang pumasok si Mamang. Pinapasok ko na sya dahil ni-lock ko ulit yung gate.

Bakit nya kaya ako gustong makausap? Is it about Rain? Alam na kaya nila? Is she mad at me, dahil sa ginawa ko sa apo nya?

My thoughts are in jeopardy.

Minasahe ko ang noo ko dahil nararamdaman ko na naman ang pagsakit nito. I've been feeling like this lately. Sa sobrang stressed ko na yata kaya ganito. Maybe I'll pay a visit to my doctor one of these days.

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Agad na hinanap ng mata ko si Mamang.

She's comfortably sitting on the sofa. Tahimik akong lumapit sa kanya at naupo sa tapat nya.

Nakayuko lang ako, kasi naman e ramdam na ramdam ko iyong malalim na titig nya sakin. It's like she's figuring me out. Sa kanya ata namana ni Rain iyon eh.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay napagpasyahan kong tumikhim. Pinilit kong basain ang lalamunan ko, dahil pakiramdam ko'y may malaking bato na bumara doon.

"Uhm. P-pano nyo po nalaman itong address ko, Mamang?" Tanong ko at saka ako tumunghay para tingnan sya.

She smiled at me, "I'm a Salvador, Lei-Lei. We have our ways. You know that."

Tumango nalang ako at muling nag-iwas ng tingin. Nilaro ko ang mga daliri ko.

Napalingon ako sa kanya nang marinig ang malalim nyang pagbuntong-hininga. Her smile was nowhere to be found. Seryoso lang sya. And she was looking straight into my eyes.

"We need to talk, Lei-Lei. About Rain."

Napalunok ako. Mariin kong kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko.

This is a one hell of a visit.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now