Kabanata 8

8.7K 148 3
                                    

"Naku, hija! Hindi mo naman kasi sinabing pupunta ka dito. Eh di sana nakapagpaluto ako ng fishball at kwek-kwek." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mamang. "O eto pa. Kainin mo lahat yan ha?" Napamaang nalang ako nang iniabot nya sa akin ang plato na ilang minuto nya nang pinupuno ng pagkain. Nag-uumapaw na nga iyon sa dami ng nakalagay!

"Mamang! Hindi ko po kayang ubusin yan lahat!" Halos lumuwa ang mata ko nung inilapag nya sa harap ko yung plato dahil hindi ko inaabot. "Well, kailangan mo yang ubusin. Dapat magpataba ka! Look at you, para kang hindi kumakain!" Bulalas ni Mamang na noo'y umupo na sa tabi ko. Iginala ko ang paningin ko sa pamilya Salvador na kasalo ko sa hapag. Naiiling na lang din sila. Napatingin ako sa isa ko pang katabi na si Rain. Inginuso nya ang plato ko at nagtaas ng kilay. Napatingin ulit ako kay Mamang na masayang nakatingin sakin at tila inaabangan ang pagkain ko. Wala nalang din akong nagawa kundi gawin ang gusto nya, nagsimula na akong sumubo.

"Kumusta ka na, Harley? Matagal na din simula nung huli tayong nagkita." Napatigil sa gitna mg ere ang kutsarang hawak ko nang narinig ko ang tanong ni Tito Blue na syang bumasag sa katahimikang bumabalot samin. Napakurap ako at dahan-dahang ibinaba ang kutsarang hawak ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "I'm doing fine Tito Blue, thanks for asking. Uhm, how about you? I mean...all of you. It's been five years. I'm pretty sure madami nang nagbago sa family na ito."

Ibinaling ko ang tingin ko kay Tita Sunshine na nakangiti sa akin. "Wala namang masyadong nabago, hija. Except kay Thunder na happily engaged na." Napatingin ako kay Thunder at nakita syang nakangiti din. "Talaga? You're engaged? Kanino?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Nagtawanan naman sila dahil sa reaction ko. "Yes, I'm engaged. And you know her. Si Sophia Jimenez." Bakas sa mukha nya ang saya. Hindi ko tuloy napigilan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Nakakatuwa naman. Hindi ko akalaing mae-enggage si Thunder. Eh sa kanilang apat, akala ko sya ang hindi na magkaka-nobya dahil sa pagiging ilap nya sa mga babae. Napailing nalang ako. "Hindi ko inaasahan ang balitang yan, ah? Akala ko kasi talaga hindi ka na magkaka-girlfriend pa."

"Ano? Sa gwapo kong ito? At bakit naman mo naisip yan, ha?" Natatawang tanong nya sakin. "Sorry naman. Akala ko kasi talaga, bakla ka eh." Nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko kaya napahagalpak ako ng tawa. Maging silang mga kasalo ko sa mesa ay napatawa na din. "Baliw ka talaga kahit kelan." Sabi nya nalang at napatawa nalang din.

"Thank you, Ate Harley." Napatigil kami sa pagtawa nang nagsalita si Cloud. Nang nalingan ko sya ay nakita ko ang seryosong mukha nya habang nakatingin sakin. Nagsalubong ang kilay sa pagtataka. "Para saan?" Nagtatakang tanong ko. Napansin ko ang ngiting gumuhit sa mga labi nya. Tiningnan nya isa-isa ang mga taong nakapalibot sa mesa hanggang sa bumalik ang tingin nya sa akin. Ngumiti sya ng ubos-tamis. "Thank you for being here. For the first time in five years since you left, ngayon nalang ulit naging ganito kasaya ang pagkakaroon ng family lunch. And that's because of you. Because you're here. Kaya naman salamat. Thank you for coming back in our lives, Ate Harley."

Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi ni Cloud. Nang iniikot ko ang paningin ko ay nakita ko ang mga ngiting nakapaskil sa mukha ng mga taong naging ikalawang pamilya ko. Nanginig ang labi ko at himdi ko napigilan ang paglandas ng luha mula sa mga mata ko. Pero agad ko naman iyong pinunasan at pilit akong ngumiti. "Pang-FAMAS naman iyang speech mo, Cloud. No wonder nanalo ka ng Best Actor Award doon." Pagbibiro ko nalang. But yes, he really won the Best Actor Award in FAMAS for this year. Two years palang si Cloud sa showbiz industry pero hindi maipagkakaila kung gaano sya katanyag sa larangang pinasukan nya. He's just twenty-one pero malayo na ang narating nya. I couldn't help but be proud of him.

Napatawa nalang ulit kami at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay dumiretso kami sa garden upang makapagkwentuhan ng maayos. Nakakatuwa lang dahil kahit limang taon na ang nakakaraan ay hindi pa din sila nagbabago sakin.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now