Kabanata 32

4.7K 64 2
                                    

The end is near! Let's start the countdown. ;]

*

"Leo, please...pakawalan mo na ako...parang awa mo na..." I begged again for the nth time. Nasa mini bar counter kami. Nakaupo si Leo sa stool at umiinom ng Jack Daniels, habang nakaluhod oako sa gilid nya.

Hinahanap ko ang mga luha ko pero hindi ko sila makapa. The funny thing is, there were moments when I begged for my tears to stop from falling, but I never thought that there'd be a time na hihilingin kong maiyak nalang. Katulad nalang ngayon, and for the past two days as well.

As it seemed, Leo was literally true to his words. Iyong sinabi nyang hindi nya ako papakawalan ay literal nyang ginawa. Since that day, hindi na ako nakalabas sa bahay. He cut down all means of communications- ang cellphone ko, the landline, the laptop, even the gadgets- lahat kinuha nya.

I've been locked up inside this house for three days. My only comfort was my room. All I ever did was cry. Naubos na nga yata ang luha ko sa kakaiyak kaya ngayon ay wala nang lumabas kahit pa gusto ko.

Kaunti nalang talaga ay mababaliw na ako.

I never saw this coming- never even suspected that Leo is capable of doing these things. It never crossed my mind- not even once- that he can be this cruel. He's a totally different man now. And it's such a pain to know that I caused him this.

"Leo..." Untag ko sa kanya.

He downed his shot at saka ako binalingan ng tingin. His eyes were bloodred. Halos gawin nya nang tubig ang alak e. I never knew that he's a drinker. For the past few days, I've learned things about him that I never knew at all. Tatlong taon na kaming may relasyon pero hindi ko alam na heavy drinker sya. Well, he drinks occassionally back in Canada, especially kapag may special events, pero hindi naman sya umiinom ng madamihan- two to three shots and that's all. Pero ngayon, halos maubos nya ang isang bote ng JD sa isang upuan lang!

"Kahit ilang beses ka pang makiusap sakin, I won't let you go. Never. That's the price you have to pay for cheating on me, Harley." Malamig na utas niya at saka tumayo mula sa kinauupuan nya.

Agad ko syang inalalayan dahil muntik na syang matumba.

"Don't you fuckin' touch me!" Sigaw niya habang marahas na iwinawaksi ang aking kamay na dumalo sa kanya.

Matalim nya akong tiningnan at saka naglakad paalis doon. Dumiretso sya sa hagdan at halos pagapang nang umakyat.

Bumigay ang mga tuhod kong kanina pa nakaluhod sa floorings. Napaupo ako at isinandal ang likod ko sa bar counter.

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa kapag nagtagal pang ganito. I have to do something, pero ano? Wala akong maisip. I'm clueless as hell kung anong nangyayari sa labas. Kumusta na kaya si Rain? Is he okay? Kahit anong pakiusap ang gawin ko, kahit gaano pa ako makiusap, I don't think Leo would set me free. He's gone totally mad about what happened.

Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. I'm starting to feel that anytime by now, I would just probably self-destruct. Oftentimes, I just want to give up but then the thouht of seeing Rain and being with him again crosses my mind- giving me just the faintest hope.

Nagsalin ako ng kaunting shot mula sa bote ng Jack Daniels. I was never a strong drinker. Liquors have 40-50% alcohol, and it helps keep someone forget the reality- even just for a short period of time. At least that's what they say. If that's true, then I'm willing to drink lots so I could somehow forget this.

Nilagok ko ang shot na isinalin ko. Halos maduwal ako sa pait nang gumahid iyon sa lalamunan ko. Agad kong binitawan ang shot glass at ipinahinga ang sarili ko. This isn't a good idea.

Nang makahinga ako ay umakyat na ako, papunta sa kwarto ko. Mahigpit ang kapit ko sa railing ng hagdan dahil nagsisimula nang bumaligtad ang sikmura ko. Damn, ang bilis ko namang tamaan!

Nasa loob na ako ng kwarto at nasa aktong pagsasara ng pinto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Leo. Hindi ko na sana papansinin pero narinig ko ang pangalan ni Rain. Pinakipot ko ang nakabukas kong pinto. Sinilip ko sya at nakitang nakatayo sya sa may hagdan, ang isang kamay ay may hawak na cellphone at nakatapat sa kanyang tenga, habang ang isa ay nakakapit sa railing.

"Basta siguraduhin mong hindi ako sasabit dyan sa trabaho mo ha? I want that Rain Salvador to suffer. Gusto kong mawasak din ang buhay nya katulad ng ginawa nya sa amin ni Harley. Gusto kong malaman nyang malaking pagkakamali ang ginawa nyang pagbangga sa akin....

I want him broken."

**

A/N:

Yow! Oemgee! Tapos na ang first sem! Haha! Naka-survive! Lol! At dahil dyan, update! Btw, eight chapters nalang po ang natitira. Please be patient sa paghihintay ng updates. :) Salamat sa lahat ng nagbabasa nito, at sa lahat ng bumoboto at naga-add sa RL nila. Thank you so much!

©YanaCabralCalangi

(After this, priority story ko ang THC at Pseudo High. Di ko pa alam kung kelan ko sisimulan talaga yung revision nung kay Storm. Honestly, wala pa akong draft e. Sorry po! Anyway, love you! )

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon