Kabanata 39

5.9K 78 0
                                    

Kumakalabog nang husto ang puso ko at natatakot akong hindi na ito normal. Tinitigan kong muli ang resume na nakalatag sa ibababaw ng table ko.

Harley S. Raymundo

Nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng office ko ay agad kong iniikot ang swivel chair na inuupuan ko. Tumalikod ako sa table at humarap sa glass window para pakalmahin ang dibdib kong dumadagundong sa kaba.

Halos manginig ako nang marinig ko ang boses nya. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. She still has that effect on me. I don't think that will ever change. Nang humarap ako sa kanya, all I wanted was to hug her really tight. Finally, after five years nakita ko na ulit sya. But the way she looked back at me pricked my heart. Para bang hindi nya ako kilala. Parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Nang sabihin nya sa akin na may fiance na sya, nawasak ang lahat ng pag-asang pinanghahawakan ko. Sinabi nya iyon na para bang wala syang pakialam kung anong mararamdaman ko. Right then, hindi ko napigilan ang sarili ko. My emotions took over. I kissed her.

That's when I made up my mind. I won't give her up. Limang taon ko syang hinintay, at hindi ako papayag na hindi kami ang magkakatuluyan. She's everything I want. She's everything I need. She belongs to me. Namarkahan ko na sya noon pa, at hindi ako makakapayag na may ibang mag-angkin sa pag-aari ko na.

Kaya naman hinamon ko sya. I made her agree to work for me. One month lang. At habang nagtatrabaho sya sa akin, tatrabahuhin ko naman ang puso nya. Akala nya siguro, kapag hindi ako nagtagumpay after one month ay titigilan ko na sya. Of course not. Hindi ko sya lulubayan. I don't really care kung gusto nya pa ding magpakasal. I am willing to adjust. Mamahalin ko pa din sya kahit hindi na pwede. I can even be her paramour. God, I would even beg on my knees in front of her para lang tanggapin nya ako sa buhay nya. Kahit sabit lang. Okay na ako doon.

Five years have passed but she still looks the same. Sa palagay ko nga, mas gumanda pa ang mukha nya ngayon, pati na din ang hubog ng katawan nya. She has the seductive aura all over her. Halos hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makulong kami sa elevator. I just wanna own her right there and then. If there's one thing I'm positive of, it's the undeniable attraction between us. Everytime we're together, flame iginites.

Mahal na mahal ko talaga sya. Then and now, sya lang talaga. I know it sounds stupid, pero nang nakita ko syang masayang nakikipagbiruan sa mga kapatid ko noong bumisita kami sa Salvador Mansion, I felt really jealous. Why can't she smile at me like that? Hindi lang naman sya ang nasaktan ah? I got hurt too! Sinabi ko iyon sa kanya. Ni hindi ko napigilan ang mga luha ko. I broke down in front of her. I wanted to know her side. Gusto kong malaman kung bakit sya umalis. Bakit hindi nya ako hinintay? Hindi man lang nya ako binigyan ng chance na magpaliwanag! What she did was a selfish move. Iniwan nya nalang ako basta. Alam kong nasaktan sya nung hindi ko nagawang sumipot sa kasal namin, pero sana pinakinggan nya din yung side ko. The last thing I remember was getting drunk the night before our wedding day, and when I woke up, it was the day after our wedding. Hindi ko din alam kung anong nangyari.

I told her how broken I've been. Halos mabaliw ako nung nalaman kong umalis sya. I was so lost. Pakiramdam ko noon, wala na akong dahilan para mabuhay pa. She was my light. And when she left, she took all that's best in me.

Nang araw ding iyon ay nalaman kong nagkaroon pala kami ng anak.

Akala ko, masakit na iyon nang iniwan nya ako. Pero mas masakit pala yung nagkaroon ako ng anak pero ni hindi man lang ako nagkaroon nang pagkakataon na malaman iyon. Doon ko napagtanto na hindi lang ang issue naming dalawa ang pinaghuhugutan ng sama ng loob ni Harley, kundi pati na din ang nangyari sa anak namin. But I really can't just give her up.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now