Kabanata 35

4.8K 62 9
                                    

PLEASE DON'T SKIP THIS PART.

Bago kayo magpatuloy sa pagbabasa, I'm going to ask you something. Do you want to have a chapter narrated in Rain's Point of View, or not? I have to know para matapos ko na po yung drafting. I need your comments. Please. Hindi ko po ito matatapos kung wala akong response na makukuha mula sa inyo. Any concern regarding the story, feel free to comment. Don't forget to vote. Ayun lang. Thanks! O sya. Ito na.

--

Life is about making choices. This is my choice.

Siguro nga may mga bagay lang talaga sa mundong ito na kahit gaano mo pa kagusto, hindi maaring mapasaiyo. Mahirap tanggapin. Masakit. But at the end of the day, you'll realize na wala ka na ding magagawa. You have to live with the consequences of the choices you made.

I'd like to believe I made the right choice. Na tamang isinuko ko ang pagmamahalan namin ni Rain. Na tamang isinuko ko ang kalayaan ko kay Leo. I have to believe I made the right choice.

Now as I stare at my reflection in the mirror, I couldn't help but shed a tear for my tragic love story.

"Harley, hija, 'wag ka nang umiyak. You're ruining your make up."

Pinilit ko nalang ngumiti. Pinunasan ko ang kaunting tubig na bumasa sa pisngi ko. "I'm sorry, Tita. I guess I just can't believe this is really happening."

Iniikot ko ang swivel chair na inuupuan ko at humarap sa Mama ni Leo. Nakaupo sya sa duo ng kama, suot ang magarbong damit nya na ipinagawa pa nya sa isang kilalang designer sa France.

Ngumiti sya at tumayo. Nilapitan nya ako at hinaplos ang aking mukha. "Me too, Harley. I can't believe matutupad na ang pangarap ng anak ko. Isang araw na lang and you'll be Mrs. Del Valle!" Masayang utas nya. Umaabot hanggang sa kanyang mga mata ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tumango na lamang ako at pinanatili ang pilit kong ngiti sa aking mukha.

"O sya. I'll go ahead. Baka kailangan na ni balae ng tulong sa page-entertain sa mga bisita." Aniya. Tinapik nya aking balikat bago naglakad palabas sa kwarto.

Isinandal ko ang likod ko sa upuan. There is no turning back now.

Humarap ako sa salamin at inayos ang smudge ng eyeliner ko. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga mata kong nagluluksa. I have to look happy. I should enjoy and live this night, because this is the last night I'll wear Santiago as my last name. Bukas, ikakasal na kami ni Leo. Tomorrow I'll bear his name. I'll be Mrs. del Valle- his Mrs. del Valle.

Tumayo ako at inayos ang dress na suot ko. Kulay emerald green iyon na syang motif ng wedding namin. Two inches above the knee iyon pero pencil-cut naman. Tamang-tama ang sukat sa katawan ko. Fit, pero hindi naman nakakasakal kaya kumportable akong gumalaw.

Isinuot ko ang regalong sapatos ni Mama sakin. Ibinigay nya iyon kahapon pagkadating nila ni Papa. Kulay puti iyon kaya kumagat sa kulay ng damit na suot ko.

Pre-celebration ngayon para sa kasal namin bukas. Sa halip na magkaroon ng Bridal Shower at Bachelor's Party ay ito na lang ang inorganize nila para hindi matakaw sa oras. Leo wants the marriage as soon as possible. Hindi ko nga maiwasan ang humanga dahil nagawa nyang i-prepare ito pati na din ang marriage celebration bukas in two days time.

Matagal na yata nyang inasikaso yung para sa kasal. Bago pa kami magkabalikan ni Rain. May tumusok agad sa puso ko.

Napabuntong-hininga ako at iwinaksi ang pangalan niya sa utak ko.

Pinasadahan kong muli ang repleksyon ko sa salamin. Nang masigurong okay na ay dinampot ko na ang pouch ko at lumabas na sa kwarto.

Sa Pan Pacific Manila Hotel napili ni Leo na ganapin ang pre-nuptial party namin.

Lumabas ako mula sa Executive Suite kung saan ako naka-check in. Binaybay ko ang lobby hanggang makarating ako sa elevator. Nasa eighteenth floor ako, at sa seventh floor naman ang Pacific Grand Ballroom kung saan gaganapin ang event. Nilaro ko ang aking mga paa habang hinihintay ang pagbukas ng elevator.

Nang narinig ko ang pagtunog nito, hudyat ng pagbukas nito ay diretso akong pumasok sa loob. Wala sa sarili kong pinindot ang button papunta sa seventh floor. Kaya halos lumuwa ang kaluluwa ko sa gulat nang may pumatong na kamay sa kamay kong nakapahinga doon sa linya ng mga floor buttons.

"We need to talk."

Halos mapatid ang hininga ko nang mapagtanto kung sino iyon. Nakatayo sya sa likod ko. Ang isang kamay nya ay dumapo sa beywang ko at pumirmi doon, habang ang isang kamay nyang nakapatong sa aking kamay ay bahagyang gumalaw.

Pigil ang hininga kong pinanood ang kamay nyang iyon na nagsayaw at huminto sa button na magdadala sa amin sa ground floor.

"Now...where were we?" Bulong nya sa tenga ko bago ako iniharap sa kanya.

Laglag ang mga pangang dumapo ang paningin ko sa kanya. He's a wearing a black tux. His black hair was weaved sideways na mas lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nya. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nyang halos bumuga nang apoy habang nakahinang sa akin.

"Rain..." Utas ko.

Anong ginagawa nya dito?!

**

A/N:

This is my last update for this week. Sorry. If you want sooner updates, pakisagot nalang nang tanong ko. Bahala kayong maghanap kung saang parte sa update na ito ko iyon ni-post. (Para sa mga nag-skip sa A/N ko sa first part ng update :3)

So...yun lang! Adios!

© YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon