Kabanata 15

6.6K 98 0
                                    

"How is he?" I asked Mamang quietly. Umiling lang sya at malungkot na ngumiti, "I wish I can tell you that he's perfectly fine."

Kumalabog agad ang dibdib ko sa kaba. "D-did something bad happened to him?" Nanginginig ang boses na tanong ko.

I know him. He's reckless and impulsive, especially when strong emotion gets the better off him. Madali syang madala sa emosyon nya.

Umiling ulit si Mamang at napabuntong-hininga, "He's broken, Lei-Lei." Malungkot na utas nya. Tila may kumurot sa puso ko. I know. I am, too.

Agad akong nag-iwas ng tingin at isinandal ang likod ko sa sofa. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kisame. "I'm sorry, Mamang." Pumiyok ang boses ko. Ramdam ko ang muling pag-iinit sa gilid ng mga mata ko.

Mariin akong pumikit para sana supilin ang mga luhang iyon, pero agad na silang lumandas sa pisngi ko.

Dalawang araw na akong umiiyak, hindi pa din ba ako tapos? Ilang drum na ang nailuha ko. Kailan ba ito matatapos? Kaya ata sumasakit ang ulo ko ay dahil sa pag-iyak ko e.

Muli kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman ang dalawang kamay ni Mamang na gumagap sa mga kamay ko. Ibinaling ko ang paningin sa kanya. I squinted through my eyes.

"I know it's not your intention, Lei-Lei." Pagco-comfort nya sakin. Umiling ako at tuluyang naiyak.

"Pero kasalanan ko. It's my fault, Mamang! Kung sana sa simula palang ay hindi na ako pumayag. Kung sana sa simula palang ay umayaw na ako, e di sana hindi na namin kinailangan pang humantong sa ganito. I-it's my fault, Mamang! I'm sorry! I-i'm so s-sorry! I'm...so...s-so sorry!" Hindi ko na napigilan pa ang saliri kong humagulhol.

Lahat ng sakit na naramdaman ko noon, pakiramdam ko'y isa-isang bumalik sakin. Ang mga alalang akala ko'y ibinaon ko na sa limot noon pa, pakiramdam ko'y muling nabuhay sa puso't isip ko.

Naramdaman ko nalang na kinabi ako ni Mamang ay niyakap, "Tama na, Lei-Lei. Tahan na. Hush." Alo nya sakin.

Pakiramdam ko'y para akong tinakasan ng lakas dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pilit kong iniangat ang aking mga kamay para lang kumapit sa kanya.

Nahagip ng mga daliri ko ang kamay nya, at doon ako mahigpit na kumapit. Pilit kong isiniksik ang mukha ko sa balikat nya.

Mahigpit nya lang akong niyakap at hinayaan akong umiyak. Hinayaan nya lang akong ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko.

Lima, sampu, tatlumpu. Kung ilang minuto iyon ay hindi ko na alam. Nang mga oras na iyon ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Rain. Sya at ang aming mga alaala.

Lahat ng pinagsamahan namin, kung paano kami nagkakilala, kung paano kami naging malapit sa isa't isa, kung anong pakiramdam nung panahong okay pa ang lahat. Lahat ng iyon ay muling bumalik sa'kin.

"M-mahal na mahal ko pa din sya, Mamang. M-mahal na mahal ko pa din sya. P-pero...pero hindi na p-pwede." Humihikbing utas ko. Mas hinigpitan ko ang kapit ko kay Mamang. "Mali ito e. Maling-mali. Maling mahalin ko pa din sya, d-dahil malapit na akong ik-ikasal s-sa iba. Mali itong nararamdaman ko! H-hindo ko na ito d-dapat na nararamdaman." Pag-amin ko sa kanya.

Hinayaan ko ang muling pagtulo ng mga luha ko. Nakakapagod.

Pagod na ako. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong masaktan. Pagod na ako sa lahat.

Gusto ko na lang magpahinga. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Kung pwede lang sana, pagmulat ko ay okay na ang lahat. Kung pwede lang sana, pagmulat ko ay hindi nangyari ang lahat ng ito. Kung pwede lang.

Kung pwede lang sana.

Salvador Brothers Presents: RAINWhere stories live. Discover now