Kabanata 38

5.3K 70 3
                                    

WARNING: Expletive words ahead.

*

Bago pa ako makagalaw ay naramdaman ko na kaagad ang marahas na pagkakahatak ni Leo sa braso ko. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkakahila nya sa akin.

"YOU FUCKING BASTARD!" Sigaw nya kay Rain. Mabigat ang kanyang paghinga at halos nanginginig ang boses nya. Tinuro nya si Rain habang nagmumura.

"ANO? Wala ka talagang balak na tigilan kami?! Ha? Ikakasal na kami't lahat...nanggugulo ka pa din? Gago ka!" Galit na galit na sigaw ni Leo.

Bawat salita nya ay dumidiin ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. ramdam ko iyong mga kuko nya na bumabaon sa balat ko. Napapangiwi tuloy ako sa sakit.

"L-Leo! A-aray...nasasaktan ako!" Utas ko habang inaalis ang kamay nya sa balikat ko.

"AT IKAW!" Umangat ang tingin ko kay Leo na nakatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata. "Talagang hindi ka makontento sa isa! Malandi ka!" Nanginginig ang labi nya habang sumisigaw sya sa mukha ko.

Napatanga ako sa pagmumura nya sa akin. Nabingi ata ako doon. Hindi ko akalaing masasabi nya iyon.

Nawala ako sa mundo. Hindi ko napansin nang sumugod si Rain kay Leo. Nahila nalang ako pabalik nang naramdaman ko ang pag-gaan nang braso ko. Hinanap ko ang kamay ni Leo ngunit wala ito doon.

"Tang ina mo! Wala kang karapatang sabihan si Harley nang ganoon!" Sigaw ni Rain na ngayon ay nasa tabi ko na.

Hinanap ko si Leo at nanlaki ang mga mata ko nang nakita syang nakahilata sa floorings. Galit na galit sya habang iniaangat ang kaatawan nya mula sa sahig.

"Oh my God!" Sigaw kong natabunan ng mga kamay kong lumipad sa aking bibig. "LEO!" Utas ko at humakbang palapit sa kanya pero agad na hinagip ni Rain ang braso ko at hinila pabalik.

"Harley! That asshole just called you a flirt! Hindi mo ba narinig?!" Mariing utas nya. Umaalon ang balikat nya sa paghinga nyang malalim at magkakasunod.

Ano ba naman ito? Ganito nalang ba ang eksena ko? Palaging hinihila ang braso ko?!

"You gonna fucking pay for all the shit you've caused me, Salvador! I'm going to fucking make you pay!" Sigaw ni Leo habang tumatayo. Tumakbo sya palapit sa amin at umambang susuntok. Itinulak ako ni Rain palayo sa kanya kaya hindi nya naiwasan ang pagtama nang kamao ni Leo sa mukha nya.

Nanghina ang tuhod ni Rain at bahagya syang bumuway. Hindi pa man sya nakakabawi ay sinundan kaagad ni Leo ng isa pang suntok ang sikmura nya.

"Tang ina mong gago ka! I'm gonna kill you!" Patuloy na sigaw ni Leo habang hindi pa din nilulubayan ng suntok si Rain. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang sya lumalaban sa pambubugbog ni Leo sa kanya!

"Ano?! Yan lang ba ang kaya mo? HA?!" Panunuya ni Leo habang nakaluhod at hawak sa kwelyo ang ngayon ay nakahilata na sa sahig na katawan ni Rain.

Halos manginig ako nang nakita ang mukha nyang duguan na. Para akong namutla nang iniharap sya sakin ni Leo. "Look at him, Harley...ito ba ang ipapalit mo sa akin?! E napakahina naman pala nito e! Magaling lang kapag mang-aagaw nang patalikod...wala naman palang binatbat!" Giit ni Leo habang hindi binibitawan ang kwelyo ni Rain.

Pilit kong hinahanap ang mga mata ni Rain pero hindi ko iyon mahuli-huli dahil hindi niya iminumulat ang mata nya. Napuruhan marahil ang mukha nya sa mga suntok ni Rain.

"Ito ang bagay sayo!" Ani Leo at umambang susuntukin ulit ang mukha ni Rain. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko din alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo palapit sa kanilang dalawa. Mabilis na hinagip ng mga kamay ko ang kamay ni Leo at pinigilan iyon.

Salvador Brothers Presents: RAINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz