Kabanata 37

5K 64 3
                                    

Ang makita si Rain na nakaluhod at umiiyak habang nagmamakaawa sa harapan ko ay parang itak na tumatarak sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa paninikip nang dibdib ko.

Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga pasaway kong luha na kanina pa lumalandas sa mukha ko.

"R-Rain, tama na...tumayo ka na dyan. Tumayo ka na." Yumuko at pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Rain na nakapulupot sa mga tuhod kong kanina pa nanginginig.

"No...No, Harley. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo sinasabing hindi mo na itutuloy yung kasal nyo." Suminghap sya. Nanginginig ang boses nya habang patuloy sa pag-alog ang mga balikat nya. Ibinaon nya pa lalo ang mukha nya sa mga hita ko.

"Rain, please! I'm doing this for you kaya hayaan mo nalang ako!" Utas ko kahit na pakiramdam ko'y malat na ang boses ko dahil sa panunuyo nang lalamunan ko.

Marahas syang tumingala at tinitigan ako. "For me? Really? Para saan? Para saktan ako? Kasi kung oo...then, I'm telling you Harley...wasak na wasak na ako ngayon!" Sigaw nya sakin. Napapikit ako at nag-iwas nang tingin sa huling sinabi nya.

Napalunok ako. "K-kaya nga pakawalan mo na ako. Can't you see? This love is not meant for us!"

Mabilis kumawala ang mga kamay nyang nakapulupot sa mga tuhod ko. Tumayo sya. Humakbang ako paatras ngunit mabilis nyang hinuli ang kamay ko at hinigit pabalik haggang maglapat ang mga katawan namin.

Nahigit ko ang hininga ko nang hinuli ni Rain ang mukha ko at ikinulong sa mga kamay nya.

"Look at me, Harley." Utos nyang hindi ko sinunod. Lumikot ang mga mata ko para maghanap nang ibang mapagtutuunan nang pansin.

"Tingnan mo ako, Harley!" Frustrated na utas nya sakin. Hindi ko pa din sya pinansin kaya hindi ko nakita nang inilapit nya ang mukha nya sa akin.

Naramdaman ko nalang ang init sa labi ko nang ilapat nya iyong kanya sa akin. Naningas ako at nawala sa mundo.

Mabagal ang galaw nang mga labi nya. Hindi ko maintindihan dahil taliwas ang halik nya sa nararamdaman nya. Masyado itong mababaw. Magaan. Matamis. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-iingat nya habang sinasakop nya ang mga labi ko.

Mas lalo akong napaiyak dahil doon.

Halik lamang iyon pero pakiramdam ko'y nahigitan noon ang lahat nang maaring sabihin nang mga labi nya sa akin.

"I love you, Harley....Mahal na mahal kita." Aniya nang huminto sya sa paghalik sa akin. "Sabihin mo lang sa akin na mahal mo pa din ako, handa kong ipaglaban nang patayan ang pagmamahal ko sayo..."

Naliyo ako. Naliyo ako sa halik nya. Naliyo ako sa mga sinabi nya. Naliyo ako sa sakit na nararamdaman ko dahil alam kong kahit gaano namin kamahal ang isa't isa, hindi ko makakayang ipaglaban ang pag-iibigang ito lalo't buhay nya ang nakataya.

This love is a risk I cannot gamble.

Kusang sumara ang mga mata ko sa bigat nang nararamdaman ko. Yumuko ako. "I'm sorry, Rain...I'm sorry. Pero kailangan kong gawin ito. Ito lang ang nakikita kong makakabuti para sayo..." Tumikhim ako. "Para s-satin..."

Marahan nyang hinuli ang baba ko. Magaan ang paghaplos nya kaya hindi ko napigilan ang pagdungaw sa kanya.

Isa lang, Harley. Isa lang. Just one last look. Huli na ito.

Suminghap sya. "Hindi magiging best option para sa akin ang pakawalan ka, Harley."

Binaha ang puso ko. Langit para sa akin ang marinig ang boses nya. Langit para sa akin ang marinig kung gaano nya ako kamahal, kung gaano sya kahandang ipaglaban ang pagmamahal nya para sa akin. Langit para sa akin ang mga halik nya. He makes me feel so high all the time.

Ngunit ang lahat nang kasiyahang ito ay panandalian lamang para sa aming dalawa.

There are some battles that we can never win in this life. Kahit gaano pa natin ipaglaban, wala tayong magagawa kundi ang isuko nalang dahil iyon ang mas makabubuti. These are battles we have to lose for the greater good.

"Isa nalang, Harley. Isa na lang." Paos na anas nya. "Mahal mo pa ba ako? Is it still me?" Halos desperado nyang tanong sa akin.

Kinagat ko ang aking labi. It's in the tip of my tongue- those three magic words. Pero hindi ko alam kung angkop pa bang sabihin ko iyon sa kanya.

Ayoko na syang bigyan nang rason para umasa at masaktan. Pero gusto kong siguraduhin sa kanya na matali man ako sa iba, sya lang ang mamamahalin ko. I may bear Leo's name, but it will never change the fact that Rain owns my heart. Sya lang.

"Come on, Harley...ito na lang ang hiling ko. Sagutin mo lang ang tanong ko. I-I just...I just want to know. Dahil ako? I can never love anybody as much as I love you, Harley.."

Naramdaman ko ang ilong nyang malambing na humaplos sa akin.

"It will always be you...Always..." Bulong nya. Halos maduling ako sa pagkakalapit nang mukha nya sa akin. Nakapikit ang mga mata nya habang nilalaro ang ilong naming dalawa.

Isa nalang, Harley. Isang beses nalang. Huling-huli na ito.

Iniangat ko ang mga kamay ko at pinadapo iyon sa mga kamay nyang kumukulong sa mukha ko. Napamulat sya nang maramdaman ang paglapat nang balat ko sa kanya.

Ibinuka ko ang bibig ko para sagutin ang tanong nya ngunit nabitin ang mga salitang oyon sa ere nang padabog na bumukas ang pinto ng suite na kinaroroonan naming dalawa.

Lilingunin ko palang sana kung sino iyon ngunit agad akong natigilan nang marinig ko ang malutong nyang mura.

"MGA WALANGHIYA!"

My whole being shook when I realized who it was.


*
So, for sure alam nyo na kung sino yun. Lels. Hindi ko talaga maiwasan ang mag-UD. HAHA! Masyado ata akong nao-overwhelm kasi malapit na akong makatapos nang isang story. Huhuhu. Yung next update, baka bukas nang gabi. Kaso, yung story ni Storm ang ipo-post ko. Yung next UD nang kay Rain? Hmmm. Di ko pa alam. Bahala na, pag sinipag. Lol. At least 10 votes and I'll post an update. Magde-demand na ako tutal naman, tatlong chapters nalang ang natitira. Pagbigyan nyo na ako! :D Ciao!

© YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon