CHAPTER 49

1.5K 11 0
                                    

Sa mga sumunod na araw, mas lalo akong naging tutok sa treatment ni Hector. Hindi ko naman minamadali na magbalik muli ang kanyang ala-ala. Ang mas ikinababahala ko ngayon, ay ang pagkakaroon niya nang psychogenic/dissociative amnesia.

Gusto kong bumalik siya sa dati niyang muwang – bilang si Hector. Tinulungan ako ni kuya Drei sa iba pang pamamaraan nang treatment at muli rin nagbalik si Hector sa kanyang occupational therapist.

Napagpasyahan nila mommy Gloria at daddy Ben na mag-retire nalang nang tuluyan sa kanilang trabaho. Mas pinili nilang alagaan ang kanilang anak at apo. Tinuruan ko sila nang "reminder method", isang simpleng paraan iyon upang araw-araw ay unti-unti nilang masanay si Hector na maka-alala upang mabawasan ang kanyang short term memory.

Isina-ilalim ko rin sa psychotherapy treatment si Marco. Gusto kong mawala ang labis na traumatic stress na naranasan niya. Ginawa ko ang "sand therapy method" at mas lalo kaming naging malapit sa session na ito.

Lumagi muna pansamantala si Hector sa ospital. At naki-usap ako kay kuya Drei na gawin munang confidential ang kanyang treatment hangga't wala pa kaming konklusyon tungkol sa kanyang kaso.

"No pathological findings base sa kanyang general, physical and neurological examination." wika ni kuya Drei. Nasa conference room kami kasama si dok David ang occupational therapist. "Walang abnormalities na nakita base sa biochemical test at pangalawang MRI test, although may post-traumatic stress disorder pa rin siya kasi madalas daw siyang managinip nang mga flashback tungkol sa pagkamatay nang kanyang dating asawa,"

"Pasado naman ang kanyang mental examination kay masasabi kong normal ang kanyang IQ," dagdag ni dok David. "He is always alert at ngayon nakikilala na niya ang kanyang mga magulang,"

Natutuwa ako sa pinapakitang recovery ni Hector. Hindi naman pang matagalan ang "dissociative amnesia" dahil mas mabilis siyang makaka-rekober sa "autobiographical memory" na nawala sa kanya.

"Hindi rin masyadong naapektuhan ang kanyang motor skills which is unbelievable," wika pang muli ni dok David. "Kung tutuusin, pwede na siyang magmaneho pero under supervision nga lang,"

"I guess that's all for today. Kailangan ko siyang bisitahin for another examination. Kuya Drei, I need you tomorrow sa clinic,"

"Sure Ara," tinapik niya ako sa balikat. Kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata. "Alagaan mo si Mr. Villanueva,"

Sabay-sabay kaming lumabas nang conference room. Dumikit sa akin si dok David habang naglalakad kami sa pasilyo.

"Dok Ara," mahina niyang wika sa akin. "Alam mo ba na maraming kumakalat na tsismis dito tungkol sayo ngayon. Kilala kasi kita, totoo ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at napakunot pa ako nang noo. "Anong totoo dok David?"

Napatingin ako kay kuya Drei at napansin din niya ito.

"Na me relasyon daw kayo nung lalakeng yun?"

Nagpapasalamat talaga ako kay kuya Drei dahil lumapit siya kay dok David at umakbay.

"Dok David, may gusto akong i-discuss sayo," lumingon sa akin si kuya Drei at kumindat. "Tara sa cafeteria tayo,"

Tumango ako kay kuya Drei at naglakad nang mabilis palayo sa kanila. Sumakay ako ng elevator dahil nasa ika-anim na palapag ang kwarto ni Hector. At habang nasa loob ako, hindi ko maiwasang ma-alala ang pagpapang-abot nila minsan ni Eric sa parking area ng ospital. Hindi na rin ako nagtaka kung magiging usap-usapan ito rito. Kina-usap ko na ang direktor nang ospital at sabi niya, hindi naman ito naging malaking problema sa kanya.

Ngayon ko rin naunawaan kung bakit ganoon ang mga tingin nang mga nurse at staff nang magbalik akong muli rito. Ngunit pinalagpas ko nalang ang lahat nang ito dahil ang mas importante sa ngayon, ay ang treatment muli ni Hector. Wala sila sa posisyon para manghimasok sa personal kong buhay dahil wala silang alam kung ano ang totoong nangyari.

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now