CHAPTER 8

1.6K 12 0
                                    


Ayon kay Eric, sa Singapore siya talaga nakatira ngayon, kasama ang kanyang ina. Nagbabakasyon lamang siya sa Pilipinas. Matapos ang mapait na diborsyo nang kanyang mga magulang, ay mas pinili niyang sumama sa kanyang ina na panganay na kapatid nang kanyang tita Cecile. Iniwan nila ang kanyang amerikanong ama sa U.S kung saan doon siya ipinanganak at nagbinata.

Bigla nalang daw nagkaroon nang lamat ang relasyon niya sa kanyang ina nang muli itong makapag-asawa nang isang pranses at nagkaroon pa siya nang kapatid na lalake dito. Binago nito ang kanyang pagkatao pati na rin ang mga pananaw niya sa buhay. Palagi raw siyang mapag-isa at naging mailap pa sa mga tao.

Hanggang sa dumating ang isang babae sa kanyang buhay. Si Cindy Nurdyasah Hermann, isang dutch Indonesian model. Nagkakilala raw sila sa isang photo-shoot nang isang fashion magazine sa Singapore dahil isa siyang freelance photographer doon. At ayon pa sa kanya, sa unang pagkikita palang daw nilang dalawa ay nagkaroon na sila nang sparks sa isa't isa hanggang sa tuluyan na silang mag-date at ma-uwi sa pagsasama.

Sabi pa nga ni Eric, si Cindy daw ang sumalo sa masalimuot niyang buhay na akala pa nga niya, isang "almost perfect relationship". Hanggang sa dumating ang isang insidente na nagpabago nang lahat. Bigla nalang siyang iniwan ni Cindy sa Singapore at hindi niya alam ang dahilan. Nang sinundan niya ito sa Jakarta, dito niya nalaman ang masakit na katotohanan. Buntis pala si Cindy at ang ama nang dinadala niya ay ang kanyang kababata. Tinapos ni Cindy ang kanilang tatlong taong relasyon sa harap niya mismo. Sa harap nang pinto nang bahay nang lalaking naka-buntis sa kanya. Hindi na gumawa pa nang eksena si Eric dahil hindi siya ganoong tao. At isa pa, hindi rin siya ang pinili nang babaeng iyon. Umalis siya nang bansang iyon ngunit nag-iwan ito nang napaka-sakit na karanasan. Na hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya kahit naririto na siya sa Pilipinas.

Pinagmamasdan ko ang mukha ni Eric sa kanyang buong kwento. Nararamdaman ko rin kasi yung sakit sa kanyang pag-iyak. Nasasaktan tayo pagkatapos ng isang relasyon dahil hindi natin matanggap na tapos na ito.

Ang isang relasyon ay para ring ipinagbabawal na gamot na kapag nawala, may "withdrawal" din na maitatawag. Patuloy na hahanap hanapin nang ating puso kahit alam nating nasasaktan na tayo at nakakasama na sa ating pagkatao.

Nang ilabas niya ang lahat ng sakit sa kanyang puso habang nagkwe-kwento, naramdaman kong kinimkim niya ito sa kanyang sarili at hindi sinabi sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Ano ang nararamdaman mo ngayon? " Tanong ko. 

"Masakit pa rin, parang wala akong silbi," humihikbi siya habang yung kanyang kilay punong puno nang tensyon. "Hindi ko siya nagawang ipaglaban man lang,"

Kinuha ko ang aking  journal at nagsimulang magsulat. Nagkakaroon tayo ng mababang "self-esteem" pagkatapos nang break-up. Madalas nating sisihin ang ating sarili kasi, nang hihinayang tayo.

"Umaasa ka pa bang babalik pa siya sa iyo?"

Napahilamos siya nang kanyang mukha. "Wala ng aasahan pa. She made her decision. Wala na akong babalikan,"

"May nag-bago ba sa iyo ng iwan ka niya? "

"I guess! I'm a loser after all, "

Alam kong hindi dapat itanong ang mga ganoong bagay ngunit gusto ko kasi makuha yung totoong nilalaman nang kanyang saloobin. At pagkatapos nun, iniba ko ang paksa sa usapan namin. "Ma-iba tayo, tell me about photography?"

Napatitig siya sa akin at ang tagal niyang sumagot. "Photography is my passion. Hindi ko ma-explain ang kaligayahang naidudulot nito sa aking sarili, "

"Now tell me, may pagkaka-iba ba ang photography mo nung mga panahong wala pa si Cindy sa iyong buhay at ang panahong dumating na siya? "

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now