CHAPTER 16

1.6K 13 0
                                    

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nag-iba ata ang aking kwarto, naging kulay puti na naman kasi ito. Huminga ako nang malalim kasi naririto na naman ako sa puting silid at bumungad kaagad sa akin ang pintong kulay puti.

Bahagya itong naka-bukas kung kaya't napilitan akong umalis nang kama at naglakad patungo rito. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto ngunit sumambulat na namang muli ang bulto nang mga paro parong lumilipad patungo sa akin. Napa-atras ako at napa-upo sa sahig dahil tuluyan nang bumukas ang pintuan sa dami nila. 

At mula sa kumpol nang mga paro-parong lumilipad, ay muli na namang lumitaw ang imahe nang isang lalakeng nakatayo. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan.

Si Hector kasi ang lalakeng iyon na nakapamulsa pa. Nakatitig siya sa akin habang gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi. Napaka-ganda nang kanyang ngiti. Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin nang mahigpit ngunit mas pinilit ko nalang na ipikit ang aking mga mata. "Tama na please!" bulalas ko sabay hawak sa aking noo.

Di ba tinapos ko na ang lahat tungkol sa atin. Natanggap ko na ito nang buo sa aking puso at isipan. Nang buksan kong muli ang aking mga mata, nagliliwanag na ang imahe ni Hector.

Nagpalit anyo na ito at naging isang taong sunog ang balat. Tumayo ang aking mga balahibo sa takot. Bigla itong umupo at sinunggaban ako nang mahigpit na yakap. Hindi ko nagawang magpumiglas dahil sa kilabot. Tumili nalang ako nang ubod lakas at para na akong mababaliw habang nanginginig ang buo kong katawan.

Saka palang ako nagising na halos mapatalon pa ako sa aking kama. Inikot ko ang aking paningin kasabay nang malalim na pag-hinga. Doon palang ako kumalma. Binabangungot na naman ako, nanatili akong naka-upo. Madilim ang aking kwarto at hindi ko alam kung anong oras na ba.

Tahimik din ang kwarto maliban nalang sa tunog nang aircon. Katabi ko pala si Eric na nakatagilid at nakatalikod sa akin, wala siyang saplot sa buong katawan. Tinaas ko ang blangket at kinumot sa kanya, hindi ba siya giniginaw? Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Halos ilang buwan na rin ang nakakaraan matapos kong sagutin si Eric ngunit bakit nagkakaroon pa rin ako nang bangungot. Akala ko ba napalaya ko na si Hector nang tuluyan. 

Umalis ako sa kama at saka ko napansing wala rin pala akong saplot sa katawan. Napahawak ako sa aking sentido at natatawa. Nagtungo ako sa closet at kinuha ang aking bathrobe. Madilim pa rin sa labas nang aking bintana, ngunit wala na akong balak pang matulog muli.

Nagtungo ako sa balkonahe at pinag-masdan ang paligid. Alas kwatro palang pala nang madaling araw nakita ko sa wall clock. May namumuo nang trapik sa ibaba nang condominium building dahil sa ingay nang mga busina ng sasakyan. May kalamigan din ang hangin dahil katatapos lang nang ulan kagabi. Nagiging kulay abo na ang langit na kanina lang ay itim.

Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa. Kinuha ko ang tablet at binuksan ang wi-fi. Nagkaroon akong muli nang malalim na kuryosidad ukol sa aking mga napapanaginipan. Nag hanap ako sa google search nang mga kahulugan ukol dito.

Door - a door in your dreams means new opportunities and changes in your life, a chance to do something different. It also symbolizes a transition from one stage of your life to another.

Napahilamos ako nang mukha at hinawi ang nakalugay kong buhok palikod. Tinuloy kong muli ang pagbabasa habang kunot ang aking noo.

Visitation Dreams - a visitation dream is not created by your subconscious mind, it happens when a non-physical being communicates with you while you are sleeping, it differs from regular dreams because they are real, vivid and you will feel that someone you loved that gone really visited you.

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now