CHAPTER 46

1.5K 10 0
                                    

Nagbalik ako sa burol at naabutan kong may gulo sa loob nang chapel. May kumpol nang mga tao sa pintuan kung kaya't kumaripas ako nang takbo patungo roon.

"Ano po ang nangyari?" tanong ko sa isang matandang babae.

"Naku anak, nagwawala si Hector sa loob,"

Nanlaki ang aking mga mata at nagmamadali akong sumingit sa kumpol para lang maka-pasok sa kwarto. Nadatnan ko sina mommy Gloria at daddy Ben na inaawat si Hector. Hawak pa niya ang isang vase nang bulaklak na binato rin niya kalaunan. Nagkalat ang mga basag na piraso nito malapit sa kabaong ni Maya.

"Sino ba ako!" bulalas ni Hector. Napa-luhod siya sa sahig.

Dahan-dahan siyang nilapitan ni daddy Ben at niyakap nang mahigpit. "Anak tama na!"

Binabatukan ni Hector ang kanyang ulo. "Bakit wala akong ma-alala? Bakit hindi ko kayo kilala? Sino ba talaga kayo?"

Lumapit na rin si mommy Gloria sa tabi niya. "Anak ka namin Hector. Ako ang mommy mo, tahan na,"

Tumakbo ako patungo sa kanila at nabaling ang umiiyak na mukha ni mommy Gloria sa akin.

"Ara ano ba ang nangyayari sa anak ko?" bulalas niya.

Takot na takot ako kasi hirap na hirap si Hector. "Mom, gaya nang sinabi ko. Mas malala ang amnesia niya ngayon. Huwag kayong mag-alala maayos din ang lahat. Ilayo muna natin siya sa kabaong ni Maya,"

Siguro, naging bayolente ang kanyang reaksyon nang pilitin niyang magbalik-diwa at kumonekta sa nangyayari sa kanyang paligid. Nawala rin ba ang ala-ala niya tungkol sa pagkamatay ni Maya? Pero bakit nakakaramdam siya nang sakit. Nabigo siyang matandaan ang lahat kaya mas lalo siyang naging aburido.

"Papa!" nabaling ang tingin ko sa pinto nang sumulpot si Marco.

Bumaling din ako nang tingin kay Hector at napansing, bigla siyang bumitaw kay daddy Ben. Tumakbo siya kay Marco at niyakap ito. Kusa siyang tumugon sa tawag nang kanyang anak. May natitira pa rin siyang "declarative memory" kahit papaano.

Niyakap ni daddy Ben si mommy Gloria at hinayaan nalang namin silang mag-ama. Nangungulila si Hector sa yakap nang kanyang anak at nakakatuwa lang dahil kahit papaano, nagtira pa rin ang puso niya nang taong kailangan niyang makilala. Nag-iisip tuloy ako ngayon, saan kaya hahantong ang lahat, ano pa ba ang maaaring mangyari.

***

Napagpasyahan kong manatili muna sa kanila nang matagal hanggang sa ma-ilibing si Maya. Kina-usap ko si Rachel na kailangan ko munang mag-leave, hindi ko alam kung gaano katagal. Gusto kong umalalay kaynila mommy Gloria para kay Hector. At sa mga susunod na araw, kailangan ko siyang bantayan ukol sa kanyang kalagayan sa kasalukuyan.

Kina-usap ko na rin si mommy Gloria na ipa-admit siyang muli sa aming ospital kapag nailibing si Maya. Alam kong normal naman ang lahat sa kanya ngunit mas lalo kasing mapag-tutuunan nang pansin ang kanyang treatment nang iba pang eksperto roon. Lalong lalo na ang kanyang amnesia.

"Marco, gutom ka na ba?" tawag ko sa bata. Lumapit siya sa akin. My dala-dala akong supot na may lamang pagkain na binili ko pa sa malapit na fastfood restaurant. Kinuha ko ang hamburger at binigay sa kanya. Naupo siya sa aking tabi. "Kainin mo lang yan at kapag gusto mo pa, kunin mo itong isa sa supot,"

Tumango ito nang hindi kumikibo. Napaka-bait na bata ni Marco kung kaya't na-aawa ako sa kanya dahil sa kanyang mga nararanasan. Hindi ko malubos maisip kung papaano niya tinatanggap sa sarili ang sakit na mawalan nang isang ina at nang isang amang may amnesia.

Salamat nalang talaga at nakikilala siya ni Hector. Yung pagiging tahimik niya, senyales na iyon nang traumatic stress. Ngayon, hindi lang si Hector ang gusto kong tulungan, pati na ang anak niya kasama na rin sina mommy Gloria.

"Ate Clara, kagabi po napanaginipan ko si mama," nagsalita siya nang wala sa sarili habang ngumunguya. Nakinig ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Namamaga pa ang kanyang mga mata. "Naka-ngiti po siya sa akin,"

Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Gustong sabihin sayo ni mama mo na mahal na mahal ka niya,"

Tumigil siya sa pagkain at napansin ko nalang na may namumuong luha sa kanyang mga mata. Para siyang may edad kapag umiyak, hindi siya naglulupasay gaya nang ibang bata. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Alagaan mo ang papa mo Marco. Mahal na mahal kayo nang mama mo,"

Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ito sa kanya. Mataas na ang respeto ko kay Maya ngayon kasi ipinakita niya sa akin ang isang bahagi kung papaano mahalin ang isang Hector.

Nagulat nalang ako dahil nasa harap na namin si Hector na nakatayo, napa-lunok pa ako. Bigla siyang umupo at inalis ang luha sa mata ni Marco. "Huwag ka nang umiyak anak. Nandito na ako,"

Hinaplos niya ang maliit na mukha nito at gusto ko ring maluha. Ngayon, okay lang sa akin na hindi niya na ako nakikilala pa. Tinanggap ko na ito nang maluwag sa aking sarili. Mas kailangan ni Marco ang pagmamahal ni Hector ngayong may nawala na sa kanilang isa.

Niyakap niya ang kanyang anak at napansin kong nakatitig siya sa akin. Ngumiti siya at hindi ko na namang maiwasang mapakagat nang mapait sa labi. Okay lang Hector, huwag mo nang pilitin pang ma-alala, kung sino ako sa buhay mo. 

***

Buong araw nag-uulan sa huling lamay ni Maya. Alas sais nang hapon at naging abala na sina mommy Gloria para sa mangyayaring libing bukas. Sa tulong nang kanilang mga kamag-anak ay nagsimula na silang mag-ligpit. Sabi niya, hindi man nila lubusang kilala si Maya, ay awa nalang ang nagtulak sa kanila para ito'y paki-damayan.

At muli na naman akong nahabag para kay Maya dahil alam ko na ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Sana lang masaya na siya kung nasaan man siya ngayon, kapiling ang kanyang mga magulang.

"Ara, maraming salamat talaga sa iyo," wika ni mommy Gloria. Nasa labas kami nang kwarto at naka-upo malapit sa pintuan. "Na-abala ka pa naming sa trabaho mo,"

"Mom! Ano ba kayo, okay lang. May pinangako ako di ba na babantayan ko si Hector, itutuloy ko ang treatment sa kanya. Don't worry hindi niyo ako na-abala,"

Hinawakan niya ang aking kanang kamay. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa sitwasyon natin ngayon,"

"Mom, huwag kayong mag-alala. Makaka-recover pa rin si Hector,"

"Naniniwala ako sa iyo Ara. Alam mo bang – " naputol siya dahil sumulpot bigla si Hector malapit sa amin. Humihingal pa siya na kagagaling pa ata mula sa pagtakbo. Balisang balisa ang kanyang mukha nang madatnan namin.

Napatayo si mommy Gloria. "Anak! Bakit? Anong nangyayari sa iyo?"

"Nawawala si Marco! Nawawala ang anak ko,"

Napatakip ako sa bibig. Napalingon ako sa labas nang pasilyo na kinaroroonan namin. Mas lalo kasing lumakas ang ulan. Mas lalo ring dumilim ang buong paligid.

HECTOR I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon