EPILOGUE

1.5K 11 0
                                    

Tatlong taon ang nagdaan at sa wakas, nakumpleto ko na rin ang aking doctorate degree sa Australia. Napakasarap sa pakiramdam nang makumpleto ko ito kahit na't may naging malaking hamon sa aking buhay. Ngayon, mas marami nang oportunidad na magbubukas para sa akin.

"Kailan pa dumating sila ate?" tanong ko kay mama. Nasa kabilang linya siya at nasa airport ako pauwi nang Pilipinas.

"Kahapon lang Ara, alam mo bang excited kaming lahat dito pagdating mo. I'm so proud of you anak,"

"Thanks ma! Na miss ko kayong lahat. Celebrate tayo pagdating ko huh,"

"Proud ako kasi nagkaroon ako nang isang anak na napaka-tibay. Natupad mo pa rin ang mga pangarap mo pagka-tapos nang lahat ng mga pagsubok na dumating sa iyo. Mana ka talaga sa akin,"

"Kayo talaga ma! Sige payag na ako sa sinabi niyong yan," Hindi ko mapigilang mapa-ngiti na gusto ko pa atang ma-iyak sa sinabi niya. "Off ko na to ma, patungo na ako nang departure area. Tawag nalang ako ulit kapag nandiyan na ako," dagdag ko.

Binaba ko ang phone matapos ang tawag at huminga nang malalim. Pinikit ko ang aking mga mata at muli na namang gumuhit ang ngiti sa aking labi. Tama nga si mama, Malaki ang naitulong nang nangyari sa akin sa naging pagkatao ko ngayon. Nagsawa na siguro ang mga luha ko, kaya heto, tuluyan ko na talagang nakalimutan si Hector. Hindi na ako nasasaktan kapag na-aalala ko siya palagi at pakiramdam ko pa nga, napaka-laki nang ipinagbago nang aking pagkatao makalipas ang tatlong taong ito.

Habang humahakbang ang aking mga paa patungong departure area, uuwi ako nang Pilipinas na limot na ang tungkol sa kanya. Na isa nalamang siyang parte nang aking kahapon.

***

Binabagtas ko ang pasilyo nang ospital dahil kagagaling ko lang sa opisina nang aming direktor. Pagka-uwing, pagka-uwi ko nang Pilipinas, ito kaagad ang una kong inasikaso. Muli kong bubuksan ang aking klinika dito.

Na-sorpresa ako nang humarang sa aking daraanan ang dalawang tao. "Eric, Melay, kamusta na kayo?"

Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin iyon. Karga ni Eric ang kanyang anak at matapos ang mga pangyayari tatlong taon na ang nakakalipas, tila nawala na ang hinanakit niya sa akin. Na maski ako, yung guilt dito sa puso ko, tuluyan nang naglaho nang makita ko siyang muli.

"Melric ang pangalan niyan, pinag-sama namin. Ang corny no, suggestion kasi niya yan," wika ni Melay.

Niyakap ko siya nang mahigpit at muling napalingon sa kanilang anak. Kahawig kasi ito ni Eric, para silang pinag-biyak na bunga.

"Congrats nga pala Ara. Big shot na tayo ngayon ah!" biro ni Eric. At sa tono nang kanyang pananalita parang walang nangyari sa amin noon. Siguro, tuluyan nang naghilom ang mga sugat sa kanyang puso at natutunan na niya akong kalimutan o di kaya'y palayain. Wala nang bahid ng galit mula sa mga pananalita niyang iyon.

Sumingit si Melay. "Uy, invited ka pala sa celebration mamaya,"

Kumunot ang aking noo. "Celebration?"

"Engagement party ni tita Cecile," sagot ni Eric.

Napa-nganga ako sa sinabi nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila at parehong natatawa.

Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi kasi ako makapaniwala. "Engagement party? Seryoso ba kayo?"

"Seryoso kami," napahagikgik si Melay. Biglang nagising ang kanilang anak at inalo ni Eric. "Sa Bellagua garden sa Ortigas, alam mo yun di ba...mamayang alas siete nang gabi. Naka-lagay na ang pangalan mo sa guest list,"

"Sige na maiwan ka na namin. May appointment pa kami sa pedia ngayon," putol ni Eric. Umiyak na nang tuluyan ang kanilang anak kung kaya't pinutol na nila ang usapan. Iniwan nila akong dalawa sa pasilyo habang si Eric, bumaling pang muli nang tingin sa akin. "Don't forget, alam ni tita na naririto ka na sa Pinas,"

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now