CHAPTER 6

1.6K 12 0
                                    

Kasalukuyang sumasahimpapawid ang programa ko sa radyo na "Clinic Online". Tuwing alas-siete nang gabi ito ume-ere at sabado lang. Ako ang residence psychologist na nagbibigay payo tungkol sa mga problemang nangangailangan nang mga payong sikolohikal.

Balita ko ngang marami ang sumusubaybay sa amin. Mapapanuod din kasi kami sa facebook live. Bukod sa pang araw-araw kong trabaho, gustong-gusto ko rin ang sideline job ko na ito. Mas marami kasi akong natutulungan at yun naman talaga ang mithiin ko na ngayon.

"Dok Ara, may isa pa tayong caller na humihingi nang payo," wika ni Dr. Andress Tan. Siya ang aking partner sa "Clinic Online". Isa siyang trenta anyos na tsinitong psychiatrist. Para ko na siyang kuya rito sa radio station. "Nasa kabilang linya na siya. Good evening po ma'am,"

Marami ang may lihim na paghanga sa kanya dito sa station namin, kasama na run sina Melay at Denver. Kahit siguro ako, bukod pa kasi sa pagiging gwapong tsinito, five eleven ang kanyang taas at malapad ang hubog nang balikat. Ayon sa mga naririnig kong sabi-sabi, may asawa na raw siya at ayaw niya itong ipa-alam sa lahat. Hindi kasi siya pala-kwento sa akin tungkol sa kanyang personal na buhay. Na nirerespeto ko naman dahil ganoon din kasi ako.

"Good evening din po! dok Andress at dok Clara," bungad nang bagong caller. Boses may edad na babae ito. "Tungkol po kasi ito sa pamangkin ko,"

Kinuha ko ang aking puting mug at uminom nang tubig, nakaka-tuyo kasi nang balat ang aircon dito sa studio. "Ma'am ano po ang maipag-lilingkod namin?" tanong ko sa caller.

"Yung pamangkin ko kasi parang maba-baliw na. Iniwan kasi siya nang jowa niya,"

Marami na kaming kasong narinig na ganyan kaya hindi na ito bago sa amin ni kuya Drei. "Kailan pa po nangyari yan ma'am?" tanong kong muli sa kanya.

"Ma'am mawalang galang na po," pinutol ako ni kuya Drei. "Lalake po ba ang pamangkin niyo o babae?"

Sumagot ito. "Lalake po dok! katunayan nga pogi yun,"

"Ipakilala niyo po kaya iyan dito kay dok Ara," nagulat ako sa sinabi ni kuya Drei. "Maganda po si doktora at single,"

Isang pilyong ngiti ang ibinato niya sa akin at napa-iling na lamang ako. Magkatapat kasi kami sa lamesa at mga equipment ang nasa pagitan namin.

"Naku pag-pasensyahan niyo na po si dok Andress ma'am," depensa ko. Pinan-dilatan ko siya nang mata. "Nagbibiro lang po siya,"

Humagikgik ang caller sa kabilang linya. "Naawa nga po ako doktora sa kanya kasi mag-mula nang tumira siya rito sa poder ko. Palagi nalang tulala at tahimik. Natatakot nga ako eh, baka bigla nalang tumalon sa bintana o di kaya'y magbigti,"

"May pagkakataon po bang nagiging agresibo siya o bugnutin?" tanong ko. Isang senyales ito nang "broken heart syndrome" at normal na nangyayari iyon, pagkatapos nang isang "break-up".

"Hindi ko naman siya nakikitaan ng ganoong asal. Sapukin ko pa siya," natawa ako sa tono nang pananalita nang caller. Nakita ko pa si kuya Drei na lumaki ang singkit na mata at lumingon sa akin.

"Base po sa sinabi niyong iyan ma'am, nakakaranas po ng severe depression ang pamangkin ninyo," paliwanag ko. Kahit isa lamang simpleng "break up" ang problema nang aming caller. Dapat pa rin itong tutukan nang pansin dahil hindi biro ang ma-depress. "Mabuti nalang po nagtanong kayo sa amin kasi yung mga ganyang nararanasan nila hindi basta-basta binabale-wala. Marami po kasing idinudulot na negative effect yan, mentally, emotionally, kahit physically,"

"Naku, kapag problemang puso talaga ang usapan mahirap hanapan ng solusyon. Pero bakit naman magkaka-ganyan ang pamangkin niyo ma'am eh kasing ganda ko naman pala siyang lalake," nagulat na naman ako sa banat ni kuya Drei. Okay ka lang kuya? Di ba dapat tinutulungan mo akong mag-payo dito. "Bihira ako maka-dinig ng ganyang kaso. Wala sa pogi problem namin yan,"

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now