CHAPTER 44

1.5K 11 0
                                    

Alas dos na nang madaling araw at panay ang tunog nang doorbell sa pintuan. Hindi na maalis ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Narinig kasi ni Eric ang boses ni Hector kanina. Sa sobrang pagkataranta, hindi ko na-off ang aking android phone. Hindi ko alam ang aking gagawin ngayon dahil ayokong magpang-abot na naman silang dalawa. Mas lalo kasing kawawa si Hector, pagnagkataon.

Nang makaringi na ako nang kalabog sa pinto, wala akong nagawa kundi buksan ito. Nakakahiya kasi sa mga kapitbahay at alam kong hindi titigil si Eric nito. At pagbukas ko palang, tumambad kaagad sa akin ang kanyang mga matang halos namumula na sa galit. Mas lalong dumoble ang naramdaman kong kaba at takot.

Iniikot niya ang kanyang paningin sa loob nang unit at nang makita niya si Hector, saka siya humakbang papasok. Humagulgol ako ng iyak at niyakap ko siya nang mahigpit. "Please Eric, huwag, huwag mo siyang saktan," 

Tuloy-tuloy lang sa pagpasok si Eric na wala atang naririnig. Mas lalo ko pang hinigpitan ang aking pagkakayakap. Iyak ako nang iyak kasi yun nalang ang naisip kong gawin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga braso at kamay, sa galit, habang ako, sa takot. Nababasa na nang aking mga luha ang parte nang kanyang dibdib, hindi ako bumitaw.

Mas lalo ko pang sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. Saka ako bumitaw habang patuloy sa pag-iyak. Nakatitig si Eric sa akin, napapahawak siya sa kanyang sentido.

Tumalikod siya at lumapit sa pinto, sinara niya ito ng dahan-dahan. Nagulat ako nang bigla niya itong sinuntok. Napasalampak siya sa sahig at bumulalas nang pag-iyak. Tinalikuran ko siya at nagtungo kay Hector.

***

Paulit-ulit kong dina-dial ang numero ni mommy Gloria ngunit hindi niya ito sinasagot.

"Hector," wika ko, lumapit ako sa kanyang muli. "May alam ka ba kahit kaunting impormasyon sa sarili mo? Kung saan ka nakatira?"

Matipid siyang sumagot. "Huh," wala siya sa kanyang sarili.

Doon na ako kinabahan, kung negative ang psychosis at DID may idea na ako kung ano nangyari sa kanya.

"Inaantok ako," sambit niya muli. Tumango nalang ako.

Inalalayan ko siya sa pag-higa at tsaka kinumutan. Para talaga siyang bumalik sa pagkabata. Na tila isang walang muwang na hindi alam kung sino siya. At doon ko rin lang ito naunawaan bigla. Mas lalo tuloy akong nag-alala, ngayon.

Hindi ko sinasadyang lingunin si Eric na nakayuko at panay ang iyak. Na-aawa rin ako sa kanyang kalagayan at kailangan ko na talagang ipaliwanag sa kanya ang lahat nang ito. Nag-alala rin kasi ako sa kanya dahil yung kamao niya nagdurugo.

Nang makahiga na si Hector sa sofa, iniwan ko siya at nagtungo ako sa aking banyo. Binuksan ko ang overhead cabinet at kinuha ko ang aking first aid kit. Nagtungo ako kay Eric. Umupo ako sa sahig paharap sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang nagdurugong kamay ngunit bumitaw siya sa akin, sabay baling nang tingin sa ibang direksyon.

"Eric please," pagsusumamo ko.

Sa huli napilitan din siyang bumaling sa akin nang tingin. Tinitigan niya muna ako bago niya ibigay ang sugatan niyang kamao sa akin. Sinimulan kong gamutin ang kanyang sugat at kapwa kami hindi nagkikibuan. Hindi man lang siya ngumingiwi sa sakit.

At nang matapos ako, saka palang napansing pareho pala kaming lumuluha. Hindi ako umalis sa kanyang tabi, sumandal din ako sa pader. Parehas naming pinagmasdan si Hector na natutulog sa sofa.

Halos ilang minuto kaming hindi nag-kibuan, hanggang sa, siya na mismo ang bumasag nito. "Tell me Ara...sino siya sa buhay mo?"

"Long story Eric,"

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now