CHAPTER 4

1.6K 14 0
                                    

January 30, 2017, pitong taon ang lumipas. 

Hinatid ko sina mama at papa sa terminal 3 nang NAIA. Ngayon ang lipad nila patungong Canada, pinetisyon kasi sila ni ate Mia.

Doon na kasi nakatira si ate at nagtra-trabaho bilang isang nurse. Kasama niya ang kanyang asawa na isa namang bartender. Doon na rin isinilang ang anak nilang lalake na kauna-unahang pamangkin ko. Kinuha ni ate ang aming mga magulang dahil gusto niya itong maging "baby sitter".

Nagalit pa nga ako sa kanya, kasi naman hindi biro ang pag-aayos nang mga papeles dito sa bansa natin tapos magiging tagapag-alaga lang pala ang mangyayari sa kanila roon. Kaso talo pa rin ako, kasi sina mama at papa, pumabor kay ate. Ngayon lang daw kasi nila makikita ang kanilang ka-isa isang apo at sabik na sabik silang mayakap ito. Wala akong nagawa kundi hayaan silang magtungo roon.

"Bilisan niyo ate hindi kaya ni mama ang lamig. Huwag niyo silang pag-hintayin nang matagal sa Airport," wika ko kay ate.

Napapa-lingon ako sa aking mga magulang. Nasa labas kami nang terminal building. Kapwa sila may hawak na leather jacket at bagahe. Naka-park ang kotse ilang metro ang layo sa akin. Pagkatapos nang tawag na ito kailangan ko na silang iwan, baka kasi sitahin ako rito. Sa akin na ipinagkatiwala ang aming kotse at dalawang taon na akong marunong mag-maneho

"Para kang sira! Alam ko yun," sagot ni ate sa kabilang linya. "Ikaw naman, mag-isa ka nalang diyan. Alagaan mo ang sarili mo, try mo kayang lumabas-labas man lang baka malay mo may makilala kang bago niyan," ewan ko ba, nainis nalang ako bigla sa sinabi niya.

Huminga pa ako nang malalim. Pinang-ikutan ko nalang siya nang aking mga mata. Lagi na kasing ganyan si ate, paulit-ulit. Akala niya mamamatay ako dahil "single" pa rin ako hanggang ngayon.

Tarayan ko nga. "Ano ka ba ate! Yan na naman ba ang sasabihin mo. Parang si mama at papa ka rin no,"

Humagikgik lang siya sa kabilang linya. "Concern lang kasi kami, seven years Clara. Hindi ka ba napapagod? Gusto kasi namin maging masaya ka na uli. Siya nga pala may irereto ako sayo ditong Canadian kasamahan ni Bert. Gwapo at magka-age kayo, bagay kayo Ara,"

"Tigilan mo ako ate," tinapos ko na agad ang tawag. Ayokong humaba pa ang usapan tungkol diyan. "Bye na! Pumasok na sila mama sa terminal. Tawag ka nalang kapag nakarating na sila riyan,"

Maluha-luha pa akong yumakap kaynila mama at papa. Umalis din ako kaagad dahil ayokong masita nang mga airport security.

Ngayon, mag-isa nalang akong mamumuhay, malungkot ngunit nakakasabik. Pina-upahan namin yung bahay sa Makati, kasi wala akong balak na tumirang mag-isa roon. Marami kasing ala-ala dito na mahirap malimutan, lalong-lalo na yung sa amin ni Hector. Madalas kasi siyang tumira sa amin noon.

At ang tungkol naman kay Hector, ibinenta nang kanyang mga magulang ang kanilang mga ari-arian dito sa Pilipinas dahil habang buhay na silang maninirahan sa Amerika. Gusto raw nilang malimutan yung mga masasakit na ala-ala mula sa pagkawala niya.

Pitong-taon ang lumipas at kahit papaano ay naipag-patuloy ko pa rin ang aking buhay. Isa na akong clinical psychologist ngayon. May sarili akong klinika sa isang ospital sa Ortigas. Isa rin akong "radio dj" sa isang "a.m station". Yung mga tinatalakay ko may kinalaman sa psychology at psychiatry. Noong nakaraang taon lang natapos ko ang aking "masters degree" at ngayon naghahanda na ako para sa aking "doctorate". Nagbabalak akong mag-aral sa ibang bansa ngunit matagal pa naman iyon.

Hindi ako makapaniwalang naabot ko ang lahat nang iyan sa loob lang nang pitong taon. Na kahit naging mapanghamon ang aking buhay ay nakayanan ko pa rin itong tuparin.

Pero ang totoo kasi, ganito ang gustong mangyari ni Hector sa buhay ko. Na mangyari sana sa aming dalawa. Kaysa naman magdusa ako dahil sa pagka-wala niya ay ginawa ko itong isang oportunidad. Binaliktad ko ang sitwasyon at ginawa ko siyang isang inspirasyon.

Yung mga sinasabi niya sa akin noon tungkol sa mga pangarap namin ang ginawa kong sandigan nang lakas para magpatuloy. At nagbunga naman ang lahat nang iyon. Kaso nga lang, natali na talaga ako sa kanya habang buhay. Parang naririto pa rin kasi si Hector sa aking tabi. Siya ang nagdikta ng lahat ng ito sa akin kung ano ako ngayon, kahit wala na siya. Yung multo niya hindi na mawawala sa aking isipan at tinanggap ko ang lahat nang ito nang maluwag sa aking puso.

***

"Ano ba yang mga classmate mo daddy parang mga reporter. Tanong ng tanong sa akin kung nasaan ka," sermon ko sa kanya. "Pasaway ka kasi ilang araw ka na kayang hindi napasok!"

Naka-upo ako sa aking study table at gumagawa nang report sa technical writing. Nasa loob kami ni Hector nang aking kwarto. Hayun siya naka-salampak sa aking kama habang naglalaro nang pocket nintendo. Yung mata niya parang gusto kong dukutin kasi halos dumikit na sa kanyang nilalaro.

"Hayaan mo nga sila, ganun talaga kapag pogi hinahanap-hanap sa campus,"

Pinang-ikutan ko siya nang aking mga mata. "Ewan ko sayo,"

Pinagmasdan ko siya at napa-iling nalang. Yung itsura kasi niya, akala mo napakadali lang nang buhay. Na akala mo lahat may "short cuts". "Tsk tsk tsk! Minsan parang gusto kong tanungin. Daddy may pangarap ka ba?" asik ko. "Ang tamad mo kasing mag-aral,"

Tinawanan niya lang ako. Tumigil siya sa paglalaro at bumangon sa pagkakahiga. Umupo siya sa kama at humarap sa akin.

"May pangarap naman ako," naka-ngiti niyang wika.

Humalukipkip ako nang aking braso. "At ano naman yun?"

"Ang mapangasawa ka," kinumpas pa niya ang kanyang kamay. "At magkaroon tayo nang isang masayang pamilya,"

Kinilig ako sa sinabi niya pero nag-kunwari akong masungit.

"Ewan! Diyan ka magaling," sermon ko kahit na't naka-ngiti ang aking labi. "Tumayo ka na nga riyan. Maluluto na ang dinner natin,"

Bumaling ako sa lamesa at nag-ligpit nang aking journal. Nagulat ako nang yumakap siya mula sa aking likod. Tinapat niya ang kanyang bibig sa aking tenga at naramdaman ko ang buga nang kanyang mainit na hininga.

"Pangarap ko mommy ang ma-tupad ang mga pangarap mo!" sa malambing at baritono niyang boses. "Kaya huwag mo akong isipin, mag-aral ka lang, make us proud. Ako pati na sila mama, papa at ate Mia," yung ngiti ko hindi na ma-alis alis sa aking mga labi. 

Papaano naman kasi, umaalingaw-ngaw pa hanggang ngayon ang mga katagang iyon. Na pakiramdam ko, kahapon ko lang narinig. Ang mga salitang binitawan nang isang Hector Villanueva. Mga salitang mahirap malimutan.

Huminga ako nang malalim at nagbalik-diwa mula sa mga ala-alang iyon. Nawala na naman ang kanyang malambing na baritonong boses at ngayon, ay isa na lamang katahimikan.

Nakita ko nalang ang aking sariling nakatayo sa harap nang sliding door sa tapat nang balkonahe nang aking condo unit. Natatanaw ko ang mga nagtata-asang gusali at kabuuan nang lungsod. Naka-ngiti ako ngunit malungkot ang aking puso. Hindi ko nga napansing pinapahid ko na pala ang luha sa aking mga mata.

Sinara ko ang sliding door at nagtungo sa banyo. Nagsimula na akong maghanda pag-pasok sa aking trabaho.

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now