CHAPTER 5

1.6K 12 0
                                    


Naka-tayo ako sa malawak na berdeng lambak nang Binurong point. Kaharap ko ang walang katapusang karagatang Pasipiko. Sabi raw nila malapit na ito sa Philippine trench.

Ito ang unang beses na narating ko ang lugar na ito at hindi ko talaga maitago ang labis na pagka-mangha. May ganito pala kagandang lugar sa Pilipinas na pwedeng maging "setting" sa isang pelikula. Na-alala ko ang cliff of moher sa Ireland, medyo hawig kasi ang itsura niya rito.

Nagkaroon ako nang mga kabarkada sa radio station na aking pinagtra-trabahuan at sila ang madalas kong kasama ngayon sa ganitong mga gala ko. Hindi nga ako makapaniwalang makikilala ko sila kasi magmula elementary, high school at kolehiyo wala akong naging malapit na kaibigan. Nang dumating si Hector sa aking buhay, sa kanya na umikot ang aking "social life".

At ngayong wala na siya, sinubukan ko munang sumama sa bagong "crowd". Nakatulong naman siya kahit papaano, kasi nakakalimot ako sa pansamantalang kalungkutan. Naging interes ko rin ang maglibot-libot sa bansa natin at naging magandang "therapy" ito para sa akin. Gusto kong malibot muna ang buong Pilipinas bago ako mag-libot sa ibang bansa. Sa ngayon, unti unti kong pinupulot ang lahat nang piraso nang nadurog kong pagkatao matapos mawala si Hector sa aking buhay.

Pumikit ako nang aking mga mata. Yung epekto nang banayad na hangin na tumatama sa aking katawan, napaka-sarap sa pakiramdam. Na-aamoy ko yung langsa nang tubig dagat ngunit kumakalma naman ang aking isipan dahil sa daluyong nang hangin.

Lumayo ako pansamantala sa aking mga kabarkada. Nagkaroon ako nang pansamantalang kapayapaan nang pag-iisip. Na hindi ko namamalayang naglalakbay na naman pala muli ang aking isipan.

***

"Whoaa! ang ganda nang Bora," bulalas ni Hector.

Binabagtas namin ang isang eskinita at yung tumbok nito ay ang "station one" nang Boracay. Natatanaw ko na yung asul na dagat, pati na yung napaka-pinong white sand. Naka-akbay siya sa aking balikat habang ako naman, abala sa pagkuha nang video sa cell phone.

"Halika mommy, excited na akong maligo!" bigla siyang nag-aya.

Hinablot niya ang aking kaliwang braso at kinaladkad patungo sa "beach front". Nataranta ako sa kanyang ginawa. "Ano ka ba! Mabitawan ko ang cell phone ko,"

Binitawan niya ako at mag-isa siyang kumaripas nang takbo. Kanina palang pagdating namin sa hotel, yung itsura nang kanyang mukha sobrang sabik na talagang maligo sa dagat.

Napilitan tuloy akong tumakbo at sumunod sa kanya. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinubad ang suot niyang black sando at itinapon nalang kung saan. Nagmamadali akong pinulot ito sa buhanginan.

Sumigaw siya nang walang pakealam sa mga tao sa kanyang paligid. "Yahoo! Bora here I come," bigla pa siyang tumambling.

Ganoon kasi siya kapag sobrang saya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa at mamula sa kanyang pinag-gagawa. Tinutok ko ang aking cell phone at kinuhanan siya nang video. Tumakbo siya patungo sa dagat at tumitili na parang bata. Sa ganyang asal niya, nakumpleto na naman ang aking araw.

Dumilat ang aking mga mata at napansin kong tumatawa pala akong mag-isa. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan muli ang karagatan. Binaling ko ang aking paningin sa paligid para hanapin ang barkada ngunit nahagip nang aking mga mata ang isang lalake. Ilang metro lang ang layo niya sa akin. May hawak siyang SLR camera na mukhang nakatutok patungo sa aking direksyon.

Naka-ngiti siya at napansin kong sa akin pala siya nakatingin. Bigla kong na-alalang tumatawa nga pala akong mag-isa kanina. Nakita niya siguro yun kung kaya't hindi ko maiwasang mamula sa kahihiyan.

HECTOR I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon