CHAPTER 31

1.5K 12 0
                                    

Lunes nang umaga, nakatayo ako sa harap nang entrada ng ospital. Hinihintay ko ang isang taong matiyaga ko pang hinanap dahil siya lang ang makakatulong sa aking mga pina-plano. At ang taong ito ay may kaugnayan kay Hector noon.

Sinalubong ko siya kaagad pagkarating palang. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka, matagal ko siyang hinanap sa tulong nang social media.

"Wow, after so many years, na meet ulit kita Ara. Ang ganda mo pa rin," wika nito.

Ngumiti ako. "Ikaw talaga Pete hindi ka pa rin nag-bago," Si Peter Alcantara, isa sa mga malapit na kaibigan ni Hector noon.

Ka-brad niya ito sa kanilang fraternity, siya yung madalas pautangin ni Hector sa tuwing enrolment namin noong kolehiyo. Hanggang ngayon, tinatanaw pa rin daw niya nang malaking utang na loob ang mga itinulong ni Hector sa kanya. Hindi niya ito malilimutan dahil naging mabuti siyang kaibigan. Nabigla din siya nang mamatay ito, ngunit ngayon, alam kong mas lalo pa siyang mabibigla sa malalaman niya, mamaya.

"Nagsasabi lang ako nang totoo. Kundi lang dahil kay Tor, niligawan na rin sana kita noon, joke lang, baka multohin ako nun," biro niya.

Natigilan ako at naging seryoso. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. "Kung alam mo lang Pete. Kaya kita hinanap, hihingi kasi ako nang tulong sa iyo. Sumama ka muna sa akin,"

"Oo nga pala, bakit nga ba?" taka niyang tanong. "Ano ang maitutulong ko?"

Hindi ko na siya sinagot pa. Tumalikod nalang ako at naglakad palayo. Ramdam kong sumusunod siya sa akin, kanina ko pa napapansin ang agam agam sa kanyang mukha ngunit pilit lang niya itong itinatago.

Narating namin ang "laboratory department" nang ospital. Naroroon si Hector para sa kanyang blood chemistry test. Sa Miyerkules na naka-schedule ang kanyang operasyon. Lumingon ako kay Peter at pinasilip ko siya sa malaking bintana nang kwarto.

Pinagmasdan ko ang kanyang naging reaksyon na nanlaki bigla ang kanyang mga mata. Bumaling siya nang tingin sa akin, bakas ang pagka-gulat. Nilapat pa niya ang kaliwang kamay sa kanyang dibdib.

"Si – si Tor ba yun? Papano nangyaring – "

"Oo Pete, si Hector yan. Buhay siya, meroon siyang amnesia,"

Nagpa palit-palit siya nang tingin, sa bintana at sa akin. "Pero papaano nangyari? Sino yung inakala nating patay?"

May pagkakataong na-uutal na siya sa pagsasalita.

Sumilip na rin ako sa bintana. "Mahabang kwento, basta. Bigla nalang nag-krus ang landas namin,"

Naka-higa si Hector sa may examination table at tinuturukan nang injection. Hindi niya kami napansin dahil pinaliligiran siya nang mga nurse at medical technicians. Naka-upo si Maya at kanyang anak ilang metro ang layo sa kanya. Nakatalikod sila sa direksyon namin.

Hindi ko magawang sumaya ngunit buo ang aking determinasyong maisakatuparan ang aking plano. Habang nakamasid kami sa bintana, nagsimula akong magkwento kay Pete. Kung papaano kami nagkita pati na ang tungkol sa kanyang amnesia. Hindi siya maka-imik sa kwento ko, siguro, mahirap pa rin ito paniwalaan magpa-hanggang ngayon.

"So papaano ako makakatulong?" tanong niya matapos kong magkwento.

"Pipilitin kong kontakin ang parents niya," seryoso siyang nakikinig sa akin. Dama ko ang sinseridad niyang tumulong. "Ikaw ang magiging dahilan nang pagkikita nila. Sabihin mong aksidente mong nakita ang mga magulang niya. Pete, as much as possible, huwag na huwag mo akong babanggitin sa kanya, lalo na sa kanyang asawa. Ayokong malaman niyang may kaugnayan ako kay Hector,"

Tumango si Peter bilang pag sang-ayon. Tinitigan niya ako at maski siya, dama kong binabasa niya rin kung ano ang nararamdaman ko sa oras na iyon. "Mahal mo pa rin ba siya?"

HECTOR I LOVE YOUWhere stories live. Discover now