CHAPTER 10

1.6K 11 0
                                    

Pinagmamasdan ko ang tubig dagat, ang linaw kasi nito at kita ko ang starfish sa ilalim. Naka-upo ako sa dulo nang bangkang nirentahan namin habang panay ang pag-uga nito mula sa aking kina-uupuan. Naririto kami sa Black Island beach nang Busuanga, hindi ko napansing tumigil na pala kami.

"Dok. Ara," saka palang ako muling nagbalik diwa.

Lumingon sa aking likuran at nakita si tita Cecile na nakatayo habang nakahawak sa suportang kawayan nang bubong ng bangka. Pababa na siya at wala na pala halos lahat nang mga kasama namin. Nang lumingon ako sa may dalampasigan, nakita ko silang lahat na tumatakbo na sa may buhanginan.

Nasa likod ni tita Cecile si Eric na bigla nalang lumapit sa akin. Naka suot siya nang puting sando at napansin kong may tattoo pala siya sa kanyang kaliwang braso. Binigay niya ang kanyang kanang kamay sa akin kasi yung kaliwa niya, may hawak na SLR camera.

"Tara na," masayang masaya ang kanyang boses.

Huminga ako nang malalim. Pagkarating palang namin sa hotel na aming tinuluyan ay para na siyang asong sunod nang sunod kung saan ako pumunta. Noong una, kapag napapansin ko yun, hindi ako kumportable kasi pakiramdam ko ang atensyon nang lahat ay nasa aming dalawa palagi. Ngayon, tila ba, nakasanayan ko na ata. Medyo nalilito pa nga ako kapag nasa harapan ko siya. Hindi na ako kinikilig ngunit parang binubulong nang puso ko at isipan na kailangan ko siyang pagbigyan. Napaka-bait ni Eric at walang kayabang yabang sa katawan. Ang hirap niyang ibale-wala hindi dahil sa gwapo siya at hindi iyon ang sukatan.

Napilitan akong hawakan ang kanyang kamay. Sinabit ko ang plastic satchel sa aking leeg na may lamang android phone at wallet. Inalalayan niya ako sa pagbaba namin sa bangka. Pasalamat pa nga ako sa kanya kasi walang tigil yung pag-uga nang bangka at para akong mawawalan nang balanse.

Nanghihinayang ako para kay Eric kasi mababasted ko rin ito malamang. Pero naisip ko naman, may rason pa ba para tanggihan ko siya kung manligaw na talaga siya sa akin?

Good Friday at huling gabi na namin sa hotel. Nag-paiwan ako sa kwarto namin dahil gusto kong mapag-isa. Nagtungo ako sa balkonahe at nakuntentong mag masid-masid nalang sa harap nang railings.

Humangin nang banayad at di ko maiwasang mapa-pikit. Kahit madilim ang buong paligid hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Mas gusto ko yung ganitong pagkakataon kapag namamasyal ako ngayon. Hindi naman ako "kill joy" hangga't may pagkakataon, susulitin ko ito. Naniniwala kasi akong dapat naman talagang maglaan tayo nang oras para mapag-isa.

"Oh! I'm sorry nandito ka rin pala," dinig ko.

Inikot ko ang aking paningin at nakita si Eric na nakatayo sa tabi nang sliding door. Sa isip-isip ko, eto ang kwarto namin at yung kwarto nila sa kabilang pinto, so anong ginagawa niya rito? Nakaka-aliw siya talaga. Ngunit pinilit kong huwag matawa, nararamdaman kong kumukuha na talaga siya nang tamang pagkakataon. 

Hindi ko siya magawang tarayan. "Gusto ko kasing mapag-isa Eric," wika ko nalang.

Lumapit siya sa akin at hinayaan ko nalang siya, may tiwala na naman akong hindi siya yung tipong gagawa nang masama. Sumandal din siya sa railings habang ibinaling kong muli ang aking paningin sa madilim na tanawin namin. Kapwa namin pinagmasdan ang buong paligid.

"Palagi kita nakikitang mag-isa, medyo weird lang," wika niya. Tinignan ko siya sa aking tabi.

Kung alam mo lang Eric.

"Lahat naman tayo gusto natin ng time para sa sarili natin. Nanggaling ka rin dito hindi ba?"

"Yeah! Salamat nga pala ulit," Mahina siyang natawa at yumuko. "We enjoyed your company, so far,"

HECTOR I LOVE YOUحيث تعيش القصص. اكتشف الآن