CHAPTER 29

1.5K 12 0
                                    

Naka-uwi pa rin si Eric dito sa Pilipinas, pagkatapos nang libing nang kanyang ama. Naibalik pa rin namin sa dati ang lahat kahit na't pareho kaming nakaranas nang pagsubok sa mga nagdaang linggo. Hinatid niya ako sa ospital na palagi niyang ginagawa tuwing umaga. Hinahalikan ko din siya sa labi bago bumaba nang kotse. 

Binabaybay ko ang pasilyo patungo sa aking klinika nang may sumalubong sa akin.

"Good morning doktora. Sa wakas nandito na kayo," bati ni Maya. Huminto ako sa paglalakad.

Bumaling ang aking mga mata sa kanyang likuran at bigla nalang bumilis ang tibok nang aking puso. Kasama kasi niya si Hector pati na ang kanilang anak, tumayo sila mula sa pagkakaupo sa waiting chair.

Ilang araw akong nag-meditate upang mapag-aralan ang aking magiging reaksyon kapag nakita ko siyang muli. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang magkaroon nang bugso ng damdamin. Ang biglaang mangulila. May kirot akong naramdaman ngunit alam kong, normal na reaksyon lamang iyon.

Mabilis kong ibinaling ang aking mga mata kay Maya. "Ka – kamusta ka?"

"Okay lang, siya nga pala kasama ko si Marco," ngunit sa kanya pa rin nabaling ang aking atensyon.

Nagkalaman si Hector, ngunit hindi nagbago ang gwapo niyang mukha. Ang haba nang kanyang buhok na kung pwede lang sanang pagsabihan ko siya na, magpagupit naman.

Na-miss ko yung clean-cut niya dati.

Na-miss ko ang kanyang mukha.

Na-miss ko siyang makitang muli.

"Good morning doktora," wika niya. Pilit akong ngumiti. Nakaka-aliw lang dahil yung boses na araw-araw kong naririnig noon na madalas magsabi sa akin nang "I love you" ngayon boses na nang isang tao. Hindi na niya kasi ako kilala. "Lagi kaming nandito last week pero wala kayo. Buti naabutan namin kayo ngayon,"

Yung ngiti niya, dati pa rin na parang walang problema sa mundo. Samantalang ako, heto, ngumiti sa kanya pabalik nang ubod pait, nasasaktan ako dahil hindi ko pa rin maipagkakailang, nangungulila ako sa mga ngiting iyon.

"Pasensya na huh, marami kasi akong inasikaso nung nakaraang linggo," pagsisinungaling ko.

Hindi ko siya magawang titigan nang matagal. Naisip ko pa nga, papano kung bigla nalang siyang sumigaw at sabihing kilala niya ako. Kinabahan ako saglit ngunit sapilitan ko pa ring pinakalma ang aking sarili. Ilang araw ko itong pinag-aralan. Natatawa na nga lang ako sa loob-loob ko, kasi kung ano-ano na naman ang pumapasok sa aking isipan.

Pinapasok ko sila sa aking klinika habang sinisimulan ang pinaka-masaklap na reyalidad ko ngayon. Sana malagpasan ko ang buong araw na ito. Kailangan ko nang tapang para humarap sa kanya nang hindi ako masasaktan. May natitira pa namang piraso sa aking pagkatao para magpatuloy sa gagawin kong ito. Hindi ko na inisip kung hanggang saan mapupunta ang lahat.

Mas minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang dati kong nakasanayan. Ang tanggapin ang katotohanang wala na si Hector sa aking buhay, kahit na't naririto siya sa harap ko at buhay na buhay. Na isa na lamang akong estranghero sa kanyang paningin at ako, nagpapanggap na hindi ko siya kilala.

"Gusto ko munang malaman kung kailan mo unang naramdaman yang pananakit nang ulo mo?" tanong ko kay Hector. Naka-upo ako sa aking easy chair. Kaharap ko silang tatlo sa mahabang sofa.

"Hindi ko alam doktora," sagot niya. Pumungay na naman ang ibabang bahagi nang kanyang mata habang tensyonado ang kilay. "Matagal ko nang nararamdaman ito, pabugso-bugso kung minsan,"

Napakunot ako nang noo, na-alala ko tuloy yung aksidenteng kinasangkutan niya pitong taon na ang nakakalipas. Papaano siya nakaligtas doon? At sino yung natagpuan nang mga pulis na inakala nilang si Hector? Normal naman siyang magsalita ngunit napansin kong, may kakaiba sa kanya ngayon, para na talaga siyang ibang tao.

HECTOR I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon