30 - Mutual Feelings

Start from the beginning
                                    

Teka lang, Matt. Hindi ako makasunod.

Mukhang wala talaga siya sa kanyang sarili at patuloy lang siya sa pagsasalita. Nanahimik na lang ako at nakinig sa mga sinasabi niya. “Wala ba silang balak sabihin sa akin? Ilang taon na nila akong kasama, Cee. Ano ba ang hinihintay nila, pasko? Ang iregalo sa akin ang katotohanan?

Ang hirap pala na intindihin ang mga sinasabi ng isang tao kung hindi mo naman alam ang tinutukoy niya.

Akala nila matutuwa ako kapag trenta ko na nalaman ‘yun. Maybe that’s why all this time, I feel like I don’t belong with them. Uuwi ako, sisigawan lang ‘san ka na naman galing? Alas onse na, wala ka bang balak umuwi? Pasalamat ka anak at may tinitirahan ka kumpara mo sa mga bata sa kalye.’” Ang lalim ng pinaghuhugutan niya. Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang issue dito. Kung ikukumpara ko ang mga luha ko kanina sa isang matipinong lalaking never kong nakitang umiyak, malamang ay matindi ang dinadamang sakit nitong si Matt ngayon.

Pakielam ba nila kung gusto ko lang umiwas sa mga sagutan nila araw-araw. Wala ata silang pinapalampas na araw na hindi nag-aaway, feeling nila nasa bahay si Tiyang Amy?” Bumilog ang kanyang kamao at isinusuntok ito sa aking kama. “Stupid!

Bakit ganito na lamang ang galit niya sa mga magulang niya? Ano bang pinanggagalingan ng lahat ng ito?

Porke ang laki ng nagastos nila nung naaksidente ako, bigla nilang sasabihin na ‘hindi ko naman alam na magkakaganyan ‘yan.’ Siraulo pala siya, eh di sana hindi na lang niya ko kinuha!” Kinuha? May something sa puso ko na naintindihan ang salitang iyon. “Eh parang wala siyang kahit anong concern na nabangga lang naman ng kotse ang tumambling na motor ng anak mo. Bakit ba kailangan nilang iparamdam sa akin ang lahat?

Matt, baka naman kasi isang anggulo lang ang nakikita mo. Minsan hindi natin alam, kabaliktaran pala ng iniisip natin ang mga nakikita natin.” Ganun naman talaga tayo madalas, kung ano lang ang makita, ‘yun lang ang ico-consider.

Maybe you’re right, Cee.” Huminga siyang malalim bago ko nakumpirma ang tamang hinala ko kanina. “But it hurts to feel you’re not loved. It hurts to feel you’re alone. It hurts to feel you don’t fit in. It hurts when you finally learn the truth. It hurts me so deep. I am not theirs, Cee. I am not their son and it’s killing me.

Pagkatayo niya’y niyakap ko agad siya nang mahigpit. “I’m here. I love you, Matt. I’ll never leave you.” iyon na lamang ang nailabas ng aking mga labi.

Alam ko kung gaano kasakit ang dinadala niyang sakit ngayon. Sana’y may naalis man lang akong kahit kaunting tinik sa dibdib ng aking kaibigan.

I have lived my life according to what they want me to be. I have loved them so much that I even forget I have a free will for I have always have them first. It kills me that they no longer want me there.” Marahil ay may ideya ako kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ng puso niya ngayon ngunit ang pagtaboy sa kanya ng mga magulang niya ay ibang usapan na.

Sinabi man ni mama na aksidente lamang ako, dinala niya pa rin ako ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan. Pinalaki niya pa rin akong malusog at masigla. At kahit ngayong nalaman ni papa ang katotohanan, tinatawag niya pa rin akong princess at wala silang balak iwalay ako sa piling nila.

Alam mo ‘yung mas masakit? Ni hindi ko alam kung nasaan na ang totoong tatay ko. Ang nanay ko naman daw ay patay na. At ‘yung higit pang mas masakit?” Ang mga sumunod niyang sinabi ang tunay na nagpabagyo sa aking mga mata kasabay ng isang matinding kidlat. “Ang maramdaman mong napakalaking parte ng buhay mo ang nawawala sa’yo, na gustong mong hanapin ‘yun para maramdaman mong kahit minsan, mabuo sana ang pagkatao mo. Eh ‘yung sinasabi nilang pinakamasakit? Caroline, hindi nila alam kung sino ang mga magulang ko… Where’s hope in living my life?

Ang Diyos na kinukwestyon ko kanina lamang ay tila binulungan ako ng sagot.

You have me. You have kuya Dan. You have my best friend.” Napakalas siya ng yakap sa akin nang banggitin ko ang nalalabing pangalan, “Kate.

Inabot ko ang dalawang kamay niya at nagsimula sa speech ko, “Maybe you’re not with your biological family for a reason. Maybe God has better plans for you. Kung hindi ka pinadala ni Lord sa pamilyang kinapopootan mo ngayon, mag-aaral ka ba sa PUP? Makikilala mo ba kami? Makakarating ka ba ng London?

I’m sorry about Nick.” bigla niyang isiningit na siyang nagpangiti ng kaunti sa akin kahit na nagtutubig na naman ang mga mata ko.

Mababago ba ang buhay mo ng dahil sa isang Kate? God has His perfect reasons why we sometimes encounter the worst problem in the world, but He wants us to hold on and to never give up on His love. God will surely lead us to a better and great direction. Let’s just believe in Him, all right?”  Tumango siya sa mga sinabi ko. “Let’s talk somewhere else. Marami pa akong sasabihin sa’yo.

Sa tabi ng ilog ang napili kong lugar. Ikinuwento ko sa kanya ang mga narinig ko ngayong araw. Medyo nainggit pa nga siya dahil sa mahal ako ng mga magulang ko ‘di tulad ng sa kanya. Sinabi ko namang baka nadala lamang ng emosyon ang mga magulang niya kaya ganoon na lamang ang mga nasabi sa kanya. Inihalimbawa ko ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa harapan ko laban sa mga magulang niya.

I know you’re better than that, Matt. Prove it. Don’t be worse.” Sa sinabi kong iyon ay na-realize naman niya agad ang mali niya at nagpasalamat sa akin.

Minsa’y sa taas ng emosyon nati’y hindi na natin napag-iisipan ang mga salitang nasasabi ng ating mga labi.

I’m surprised that we share the same kind of struggle and pain.

Surprised? Eh paano pa ako? Bigla na lang may nightwalker sa bintana ko.” Napangiti kami sa sinabi ko. “Mabuti na lang at gwapo kaya hindi ako natakot.

Thank you, Cee.” Niyakap niya ako at kumalas din agad.

Always here for my friends.” sagot ko.

I just hope and pray that you and Nick—” Hindi ko na siya pinatapos. Ayaw ko munang makarinig ng kahit anong word of encouragement when it comes to him.

Don’t you dare…” Lalo lang akong nalulungkot, at nasasaktan.

Binunggo naman niya ang balikat ko at humiga sa damuhan sabay sabi ng “tsk, bitter.

I’ll be fine.” sabay punas ng aking pisngi at tsaka ngumiti.

He’ll be fine.

We’ll be fine.

 

 

 

 

 

 

 

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now