Bigla namang may nagsalita sa likuran ko, feeling close, “Hi miss, what did you think of the song?

Pamilyar siya sa akin. Ah, tama! Siya ‘yung vocalist.

It was good.” ‘yan lang ang nasabi ko dahil medyo nakakailang kumausap ng stranger. At ayaw kong humaba ang usapan na ‘to dahil baka dumanak ng ‘di oras ang dugo ko rito.

Sure? Looks like you just said that because you realized I’m on tonight’s vocals.

Aba’t paanong nakapasok ang ipoipo rito?” pabulong kong sinabi. Syempre hindi naman niya maiintindihan ‘yun dahil Tagalog. “It was really good. It was unique, never heard of that version.” At least ‘yan, honest ‘yan.

Grabe ka naman, Care.” Hala, nagtagalog si koya!

Ilang segundo pa ng pagloload ng utak ko’y medyo napasigaw pa ako, “Andy!” Initsa ko ang sarili ko sa kanya at niyakap siya. “Bakit vocals? ‘Di ba sa violin ka?

Awtsu, sa’yo ko nga dinedicate ‘yun kanina. Sinamantala ko na nga ‘yung pagkakataon, hindi mo pala narinig.” Nasa kalagitnaan na ng kanta nung pumasok ulit kami ni Nick dito kaya hindi ko narinig. “Anyway, ipoipo talaga?

Bagay naman sa’yo since dalawa ang puyo mo.” Tinawanan lang ni Andrew ang sinabi ko. Gosh, ang hard ko kanina. Grabe lang. Ang bad ko para sabihin ‘yun sa taong nag-comfort sa akin nung mga panahong hindi ako okay.

Kinamusta niya ako at ang puso ko. Medyo naguguluhan ako sa kanya. May laman ang iba niyang sinabi sa akin, para bang mamamatay puso na ang tingin niya kay Nick. Sinabi kong okay na kami ni Nick, hindi ko naman maikwento sa kanya ng buo ‘yung side ni Nick dahil personal ‘yun. May mga bagay na dapat manatili na lamang hangin sa loob bago lumabas sa bibig.

1 New Message from Nick.luv

Who’s with you, luv? Nahaharangan kasi ‘yung perfect view ko eh.

From: Nick.luv      Received: 10:12pm

Sinabi ko sa reply ko na si Andrew ang kasama ko. Binigyan ko na rin siya ng kaunting background about kay Andy, baka kasi magselos pa siya at hindi naman dapat.

Good vocals, bro.” Nilimano niya si Andy. Sabi ko nga dapat isang Wikipedia page ang sinend kong text kay Nick para complete details. Ayan tuloy at sumugod pa rito. Asar.

1 New Message from Nick.luv

“Good vocals, bro.” = “You’re so beautiful, luv.”

From: Nick.luv      Received: 10:19pm

Thanks. Nice to meet you again, sir.

Again?!” Laking gulat ko kaya ikinurba ko ng bongga ang noo ko. Lahat na ng kurba’y ginawa na ng kilay ko. Nagkita na sila?

I’m so sorry about last night, Mr. Andrew.” Mukhang sa bawat pagsasalita ni Nick ay may naka-auto send na text message sa number ko. Ngayon nama’y sinabi niyang ipapaliwanag niya na lang bukas at equals sa ‘And I hate him again cuz he’s talking to you and I can’t.’  ang sinabi niyang apology kay Andy. Hate him again? Sobrang OP ako ah.

Hindi kami pwedeng magkasama ni Nick ngayong gabi since hindi pa tapos ang issue kay Michelle. Ipinangako naman niya sa aking aayusin niya ‘yun at may tiwala naman ako sa kanya. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil ganoon na lamang kalaki ang tiwalang kalakip ng pagmamahal ko sa kanya. Sa hindi ko maipaliwanag na kasiguraduhan, alam kong walang mangyayaring hindi aayon sa pagmamahalan namin. Hindi ko man nakikita at wala mang ebidensya pero nagtitiwala akong kami hanggang dulo. I have faith in Nick and I have faith in God that Nick is the man He chose for me to spend the rest of my life with.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now