brief_intermission

21 7 17
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This program is brought to you by Aloe Cola. Thirst for Union's favorite beverage!

Beep.

Pinatay ni Raiko Lee ang flatscreen sa sala. Di niya pinansin ang pagrereklamo ng kapatid niyang babaeng naglalaro ng rainbow ponies sa couch. Sawang-sawa na siya sa infinite commercial stream. Pumunta siya sa kwarto at binuksan ang computer screen. Iyon ang dahilan kung bakit mas gusto niyang manood ng shows sa cyberspace kaysa TV—walang commercial.

Nang bumukas ang monitor ay nasinagan ng blue light ang kaniyang mukha, asul na ilaw mula sa lightning wallpaper ng kaniyang screen. Ako si LightningKing95, nakangiti niyang sabi sa sarili, binubuksan ang CyberWorld.exe. Pumunta siya sa channelstream.com at nanood ng game streams ng paborito niyang video game, BattleMonster.

Di niya maiwasang ngumiti, habang sa nakasarang blinds ng bintana'y tumatagas ang neon haze mula sa metropolis sa labas. Ito na yata ang pinakamasayang mga araw ng buhay ko, isip niya. At magtutuloy-tuloy na 'to. Namumula siya sa tuwing naiisip si Yumi Hinarano, ang kaniyang kaibigan... kasintahan? Ano na bang label namin? Hindi niya alam, basta ang alam niya'y malapit sila sa isa't-isa, at kung minsa'y di niya maiwasang isiping sila na nga talaga. Pero bakit hindi lubos ang ligaya ko?

Inisip niyang may kinalaman siguro sa kaunting kalungkutan niya ang pagkasira ng pagkakaibigan nila ng tinuring niyang kaibigang si Ion. Ilang linggo na ang nakalilipas mula noong araw na binigyan siya ni Yumi ng ticket sa concert ng B34ST BOYS, 'yung araw na sinabi sa kaniya ni Ion na di niya dapat kaibiganin sila Yumi. Napuno siya ng pait. Naiinggit lang siya; palibhasa walang nagmamahal sa kaniya, at wala siyang kaibigan... maliban dun sa babaeng Florian na may pulang buhok.

Pansin niyang tila pinalitan na siya ni Ion. Pinalit ang babaeng Florian na di niya alam ang pangalan. Tatyana? Aitana? Oo, Aitana. Ana. Hindi sa gusto niyang bumalik muli ang pagkakaibigan nila ni Ion. Wala na siyang pakialam dito. At ayaw na niyang mapailalim sa anino nito. Siya ang dahilan kung bakit ako naging loser.

Naalala niya 'yung unang araw sa Campus. Naghahanap si Ion ng classroom sa Science. Si Raiko ang unang lumapit dito. Malaking pagkakamaling nagawa ko. Pareho sila ng classroom at schedule, at simula noo'y di na sila nagkahiwalay. Pinagsisisihan ni Raiko na nakilala si Ion. Isa siyang... isa siyang kayumangging Hossian na hinila ako pababa. Pero hindi na ngayon, sabi niya sa sarili, kinulayan ng electric blue ang buhok niyang dati'y itim. Ibang tao na ako. Ako si LightningKing95.

Nito ring mga nagdaang linggo ay pansin niyang tila may iba kay Ion. Di niya malarawan kung paano, pero parang hindi na ito palaging nakatulala, at madalas niyang makitang nagbabasa ng cyberspace at programming books. Saan kaya siya nakakuha ng pera pambili ng mga libro? Madalas na rin itong nakasuot ng itim, kabilang ang isang itim na hoodie na ngayon niya lang nakitang suot ni Ion. Yumaman na kaya siya? Pero ang pinakamalaking pagbabago'y ang port sa leeg ni Ion. Maraming tanong sa isip ni Raiko, pero di niya gustong tanungin ang dating kaibigan. Hindi na rin naman siya nito pinapansin, at mas lalong ayaw niya itong pansinin. Binibigyan lang niya ito ng malalamig na titig. May kani-kaniya na kaming buhay. Siya sa pagiging all-black punk techie stuff niya at ako... ako sa piling ni Yumi-honey my love. Napuno siya ng kakaibang pakiramdam.

OtherfolkWhere stories live. Discover now