3: Equality

58 10 9
                                    

	Lubos ang pasalamat ni Ion nang payagan na siya ng kaniyang inang pumasok sa Campus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lubos ang pasalamat ni Ion nang payagan na siya ng kaniyang inang pumasok sa Campus. Limang araw siyang tila isang preso sa kanilang bahay. Limang araw ng pagdarasal sa altar ng sala kasama sina brother Harnold, brother Mikenel, sister Pulencia, at sister Mynorra. Mapusyaw na ang pasa sa kaniyang mukha, at umiigi na ang kaniyang baling mga buto, pero nakabalot pa rin sa benda ang kaniyang kaliwang braso't balikat.

Nakaupo siya sa plastic na upuan sa Canteen 1 ng Campus, kaharap si Raiko na kanina pa nakatulala sa kaniyang mukha. Ngayon lang ulit sila nagkita, at ang ekspresyon sa mukha nito'y magkahalong pandidiri at awa. "Mahirap patawarin ang ginawa sa 'yo ni Uliel. Nagluluksa ako sa pagkasira ng mukha mo, Ion. Totoo." Sa makapal na salamin ng kaibigang Sekian ay hindi maaninag ni Ion ang singkit na mata nito; ang tangi niyang nakikita'y ang distorted niyang repleksyon sa mga lente, tila nakatitig din sa kaniya, nang-aasar.

"Napakawalang-hiya niya," pagpapatuloy nito. "Balita ko sinumbong siya sa guidance office. Buti nga sa kaniya! Sana makick-out na siya!" Uminom ito ng Orange Delight sa latang hawak nito.

Tiningnan niya nang masama ang kaibigan, dinudurog ng kutsara ang baon niyang Blackrice na wala siyang planong kainin. Wala siyang gana. "Ang tapang mo ngayon, Raiko. Sana ganyan ka katapang nung nakasalubong natin sina Uliel sa hallway." Hindi niya malilimutan ang pang-iiwan sa kaniya ng kaibigan. Kaibigan?

Itinaas ni Raiko ang mga palad sa ere. "Teka, wala 'kong ginawang masama. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin..." Lumapit ito sa mukha ni Ion, seryoso ang mga mukha. "Tumingin ka nga sa 'kin. Anong nakikita mo? Mukha ba 'kong bayani, Ion? Tingin mo ba kaya kong bugbugin sina Uliel?"

Itinulak niya ang mukha ng kaibigan. Napasandal ito sa plastic na upuan. Binuksan nito ang asul na backpack at kinuha ang isang supot ng siopao na paborito nitong kainin. Siopao mula sa Sekian restaurant na Lee's.

Tama siya, isip ni Ion habang tinitingnan ang kaibigang mas maliit pa sa kaniya, balot ng baby fats ang bilbil at leeg, may makapal na salamin, makinis at maputing balat, singkit na mata, at buhok na parang bao. Tahimik nitong nilalantakan ang siopao, na tumulo ang sauce sa puti nitong polo. Dinilaan niya ito, puno ng pagkain ang pisngi. Pero...

"Pero hindi mo sana ako iniwanan." Hindi pa rin matanggap ni Ion ang katotohanang iyon.

Ngumiti si Raiko, itim ang ngipin sa siopao sauce. "At dahil 'dun, sorry. Maswerte ka pa rin, alam mo kung bakit? Balita ko isa sa kaklase natin ang nagdala sa 'yo sa clinic, at siyang nagsumbong sa guidance."

"Sino?"

Tumingin sa light tubes sa kisame ng canteen si Raiko. "Sino nga ba 'yun? Si... Tayana yata. Basta 'yung Florian na may pulang buhok. Kaklase natin sa History. Laging nakaupo sa likod. Fine Arts student."

Kilala 'yun ni Ion. Hindi sa personal pero sa pangalan. Madali siyang makatanda ng pangalan, at narinig niyang tinawag ito ni Professor Vendriad dati. "Aitana Cinabryne."

OtherfolkWhere stories live. Discover now